Watch Now

Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan celebrate first anniversary as a couple

by Arniel C. Serato
May 18, 2022
Jerome Ponce, Sachzna Laparan anniversary
Actor Jerome Ponce and singer-actress/vlogger/model Sachzna Laparan celebrated their first anniversary as a couple last May 17, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @mrjeromeponce on Instagram

Nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkarelasyon ang aktor na si Jerome Ponce at ang vlogger na si Sachzna Laparan.

Sa Instagram noong Lunes, May 16, 2022, ibinahagi ni Jerome ang ilang larawan nila ng girlfriend sa kanilang selebrasyon.

May 11 talaga ang kanilang anibersaryo pero late na nila itong naipagdiwang.

Mapapansing silang dalawa lamang ang kumakain sa isang bahagi ng restaurant at meron pang set menu para sa kanilang pagsasaluhang pagkain.

Sabi ni Jerome sa caption: “I love you mahal, Happy Anniversary [heart emoji] otoke otoke”

Ang “otoke otoke” ay Korean language na ang ibig sabihin ay “What should I do?”

Sa kanyang panig, nag-post din si Sachzna ng larawan nila ng nobyo.

Simpleng caption niya: "Mahal.. [heart emoji] #1st"

Unang napansin ng netizens na may namamagitan sa dalawa noong nakaraang May 2021 dahil sa makahulugang post ni Jerome para sa ika-23 kaarawan ng vlogger.

Sabi ni Jerome noon, “Happy birthday nassib”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilakipan niya ito ng larawan na magkasama sila sa sasakyan.

Lalo pang naghinala ang netizens na may namamagitan nga sa kanila dahil sa salitang “nassib.”

Ayon sa ilang websites sa Internet, “naseeb (also spelled Nesib, Nasib or Nasip) (Arabic) is an Arabic term used in many languages including Indonesian, Malay, Persian, Turkish, Pashto, Sindhi, Somali, Urdu, Hindi, Gujarati, Bengali and Punjabi it means destiny or fate.”

READ: Are Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan in a relationship?

June 5, 2021, nakumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkarelasyon nga si Jerome at ang newbie singer-actress/vlogger/model na si Laparan.

Bago pa nito, June 4, 2021, isang sorpresang birthday celebration ang inihanda ng fans nina Jerome at Sachzna para sa aktor.

Ginanap ang birthday surprise ng mga fans sa bahay mismo ni Sachzna sa Antipolo.

Ayon pa sa source ng PEP.ph, wala pa raw isang buwan ang relasyon ng dalawa noong panahong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Jerome Ponce, vlogger Sachzna Laparan now officially a couple

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Jerome Ponce and singer-actress/vlogger/model Sachzna Laparan celebrated their first anniversary as a couple last May 17, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @mrjeromeponce on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results