Julia Barretto to ex-boyfriend Joshua Garcia: "Huwag ka muna mag-girlfriend."

by Rachelle Siazon
May 19, 2022
Julia Barretto, Joshua Garcia
Julia Barretto on ex-boyfriend Joshua Garcia: "Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now.'"
PHOTO/S: @juliabarretto / @garciajoshuae

Inihayag ni Julia Barretto, 25, na bukas pa rin ang komunikasyon sa pagitan nila ng ex-boyfriend na si Joshua Garcia, 24.

READ: Awra Briguela, ipinagtanggol si Julia Barretto laban sa detractors

Ito ay sa kabila ng kontrobersiyal nilang hiwalayan noong summer of 2019.

Sa panayam ni Boy Abunda na umere sa YouTube kahapon, May 18, 2022, inamin ni Julia na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon.

Pakiramdam daw ni Julia ay magiging sagabal lang ito sa umaalagwang showbiz career ni Joshua.

Ani Julia: "I tell him, 'How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang maggi-girlfriend.'

"Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now.'

"Because he's young and he's in his prime and he's a brilliant actor. It's not the time to be limited right now. I want him to really enjoy his time."

Continue reading below ↓

Pero nang tanungin kung diretsahan ba siyang natanong ni Joshua kung bakit si Gerald Anderson ang pinili ng aktres kaysa rito, mariing sinabi ni Julia na hindi umaabot sa ganun ang usapan nila ni Joshua.

Si Gerald ang sumunod na naging boyfriend ni Julia matapos ang relasyon ng aktres at ni Joshua.

"Walang ganung tanungan. Pero asaran. Pero walang ganung tanong," paglilinaw ni Julia.

Dagdag pa ng aktres, "I think one of the things I really appreciate about it is he respects Ge a lot, and that says a lot about Josh as well and how much he has grown and matured.

"He respects Ge, and that means a lot to me."

Hindi naman daw nagtatanong ng mga personal na bagay si Joshua kay Julia.

Sa ngayon ay masaya si Julia sa piling ng nobyong si Gerald.

"I always tell him how lucky I feel to be with somebody who can guide me, just in life in general, who can ground me, who can put sense in my head.

Continue reading below ↓

"I can talk to him about anything. He puts everything into persepective for me," masayang saad ni Julia.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on ex-boyfriend Joshua Garcia: "Sabi niya sa akin, 'Ba't ba ayaw mo ako magka-girlfriend?' Sabi ko, 'Basta, huwag ka muna magka-girlfriend. Enjoy what you have now.'"
PHOTO/S: @juliabarretto / @garciajoshuae
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results