Bangs Garcia reveals depression after leaving showbiz: “Hindi ako puwedeng maging housewife talaga.”

by Bernie V. Franco
May 19, 2022
Bangs Garcia
Actress Bangs Garcia says she had a major adjustment when she left her life in the PH and lived in UK with her family: “Workaholic talaga ako. Hindi ako sanay ng ganoon [domesticated].”
PHOTO/S: @valeriebangsgarcia on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Inamin ni Bangs Garcia na na-depress siya nang iwan ang showbiz life sa Pilipinas at nanirahan sa United Kingdom kasama ang asawa at dalawang anak.

Ikinasal si Bangs sa kanyang Filipino-British husband na si Lloyd Birchmore noong 2016.

Tinutukan ni Bangs ang kanyang buhay may-asawa at pagiging ina, pero na-depress daw siya nang isilang ang pangalawang anak sa panahon ng pandemya.

“I’m a hands-on mom and housewife ako for now,” kuwento ni Bangs sa Magandang Buhay episode nitong May 19, 2022.

Dahil malayo sa Pilipinas, tinutukan niya ang pagiging maybahay sa kanyang mister at pagiging ina sa dalawang anak.

Lahad ni Bangs, “Pag alam kong talagang late makakauwi sa work yung asawa ko, talagang naghahanda na ako ng food sa kanya.

“Before siya dumating, ‘tapos I make sure na talagang malinis yung bahay.

“Ayoko namang isipin niya wala akong ginagawa sa bahay pagdating niya.

“So, I make sure na malinis na pagdating niya.”

Continue reading below ↓

Ikinatuwa naman ni Bangs ang pagiging matulungin ng kanyang asawa kahit sa gawaing bahay.

“Kahit na may work siya, ang gusto ko sa kanya domesticated siya, e," sabi ng dating aktres.

“So, pag kahit pagod na siya sa work, tumutulong pa rin siya.

“Pagdating sa bathroom-cleaning, siya talaga iyan.”

BANGS ADMITS FEELING DEPRESSED

Sa mga unang taon ay nalabanan ni Bangs ang pagiging depressed.

Nakayanan daw niya ito noong una dahil sa bagong chapter ng kanyang buhay may-asawa at ina.

“Natatakpan yung blues kasi masaya ako sa bagong baby ko, sa bagong buhay ko, bagong lifestyle dun. So, medyo nawala iyon.”

Pero naramdaman daw niya ang kalungkutan matapos muling manganak noong July 2020.

“Itong pangalawa ko, doon ako tinamaan ng depression. ‘Tapos nag-pandemic pa, na-realize ko, sabi ko, ‘Hindi ako puwedeng maging housewife talaga.’

“I’m so used to having a fast-paced life here. Every day ang dami kong activities.

“One day lagari ako—taping ‘tapos may show ka pa sa mall, sa probinsiya. Parang kung saan-saan…

Continue reading below ↓

“Workaholic talaga ako. Hindi ako sanay ng ganoon [domesticated].”

Nakahanap daw ng outlet si Bangs.

Aniya, “So, buti na lang somehow, nakahanap ako ng outlet, which is vlogging.”

Very understanding daw ang kanyang asawa.

Para hindi lang daw siya laging nasa bahay, lumalabas sila tuwing weekend na nagsisilbi na ring family bonding nila.

“Very understanding, very thoughtful yung asawa ko,” sambit ni Bangs.

Si Bangs ay may 237,000 subscribers at ang kanyang content ay tungkol sa buhay-pamilya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Bangs Garcia, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bangs Garcia says she had a major adjustment when she left her life in the PH and lived in UK with her family: “Workaholic talaga ako. Hindi ako sanay ng ganoon [domesticated].”
PHOTO/S: @valeriebangsgarcia on Instagram / YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results