
Isa sa Magic 12 na bagong senador ng Senado ng Pilipinas ang aktor-direktor-pilantropong si Robin Padilla.
Sa kanyang Senatorial Proclamation speech sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, nung Miyerkules, Mayo 18, 2022, nagpasalamat at nanawagan ang bagong halal na senador na nagkamit ng 26 million-plus na boto.
Si Robin ay nagsimula ng kanyang career bilang aktor nung 1985. Sumikat siya nang husto nung 1990s ngunit nabilanggo sa kasong illegal possession of firearms nung 1994.
Nung 1998, nabigyan siya ng conditional pardon ni Pangulong Fidel V. Ramos at nakalaya. Taong 2016 naman nang bigyan siya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte at naibalik sa kanya ang kanyang civil and political rights.
Kahit na naihayag niya noon na hindi niya papasukin ang pulitika, naging aktibo si Robin sa pagtatanggol at pagsagot sa mga tumutuligsa kay Pres. Duterte at nagpakita ng suporta sa hangarin ng pangulo noon na gawing pederalismo ang sistema ng gobyerno.
Noong October 8, 2021, nag-file ng kanyang kandidatura para sa pagka-senador si Robin at tumakbo sa ilalim ng makinarya at partido ng PDP-Laban at sa tiket ng BBM-Sara UniTeam Alliance.
Nanalo si Robin at nanguna sa pagka-senador sa bilang ng 26,612,434 na boto.
Bago magwakas ng kanyang speech si Robin, nag-iwan ito sa audience ng ilang linya mula sa kantang inaawit niya noon sa kanyang pangangampanya, ang "Wonderful Tonight" ng British rock legend na si Eric Clapton.
Panoorin ang clip ng kanyang speech na hango sa live stream ng COMELEC YouTube channel.
Para sa buong video ng Proclamation of Winning Senators of the May 9, 2022 elections, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=ijdmowUDc6k
#RobinPadilla #Eleksyon2022 #Halalan2022
Video Producer: Antonio Payomo III
Video courtesy of COMELEC YouTube Channel
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph