Paul Soriano denies being offered government post after Marcos Jr. win

by Arniel C. Serato
May 20, 2022
paul soriano on bongbong marcos
Paul Soriano on President-elect Ferdinand Marcos Jr.: “If there’s a need for me to help, I will be there in whatever capacity. I’ve been supporting him from the start and I will continue to do that. He can count on us.”
PHOTO/S: @paulsoriano1017 on Instagram

Pinabulaanan ng direktor na si Paul Soriano na inalok siya ng posisyon sa gobyerno matapos magwagi ang sinuportahan niyang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Read: Paul Soriano tweets about Ferdinand Marcos Jr. winning the presidential race; Kiana Valenciano reacts

Si Paul ay pamangkin ng misis ni Marcos Jr. na si Liza Araneta. Ninong din si Marcos Jr. sa kasal ni Paul at ng actress-host na si Toni Gonzaga.

Siya rin ang direktor ng campaign ads ni Marcos Jr. at ng ka-tandem nitong si Sara Duterte.

Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News na lumabas ngayong Biyernes, May 20, 2022, itinanggi ni Paul na may nakalaang posisyon sa kanya sa incoming administration.

Nitong mga nakaraang araw ay kumalat ang balitang posibleng maging tagapamuno ng Radio TV Malacañang (RTVM) si Paul.

Ang RTVM ay ang sangay na ahensiya ng Palasyo na nagku-cover sa lahat ng aktibidad ng nakaupong Pangulo.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Paul, “I’ve not been offered anything.

“I am back to my job, producing films and commercials.

"Currently we’re preparing for the straight airing on Netflix this July of the comedy drama, The Untitled, with Alex Gonzaga."

“No such thing” naman ang sagot ni Paul sa umiingay na usaping maaari rin siyang italaga bilang kalihim ng Department of Tourism o kaya sa Presidential Communications team ng administrasyon ni Marcos Jr.

Pero hindi raw siya mag-aatubiling tumulong sakaling pakiusapang magdirek sa unang State of the Nation Address (SONA) ng susunod na Pangulo.

Aniya, “If there’s a need for me to help, I will be there in whatever capacity. I’ve been supporting him from the start and I will continue to do that. He can count on us.”

Sinabi rin ni Paul na maaaring magbalik sa pag-arte ang asawang si Toni at sa pagpapatuloy ng online show nitong Toni Talks.

Continue reading below ↓

At higit sa lahat, willing din daw si Toni na tumulong kay Marcos Jr. kung kakailangan siya nito.

“She’s also willing to be of service to the President, if she’s needed,” sabi ni Paul.

Si Toni ay nagsilbing host ng ilan sa malalaking campaign rallies nina Marcos Jr. at Duterte.

Read: Toni Gonzaga criticized by Kapamilya supporters, colleagues for hosting Marcos-Duterte rally; Toni "unbothered"?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Soriano on President-elect Ferdinand Marcos Jr.: “If there’s a need for me to help, I will be there in whatever capacity. I’ve been supporting him from the start and I will continue to do that. He can count on us.”
PHOTO/S: @paulsoriano1017 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results