Rayver Cruz "melts" after Julie Anne San Jose tells him, "Hi, crush."

by Rachelle Siazon
May 20, 2022
Julie Anne San Jose, Rayver Cruz
"Have fun in Canada! Come back home wait kita," writes Julie Anne San Jose in her tweet for Rayver Cruz. Rayver, in turn, gets extra kilig when the Kapuso singer-actress tweets about liking him back.
PHOTO/S: CTTO via @jcgellidon on Twitter

Tila unti-unti nang umaamin si Julie Anne San Jose na may espesyal na pagtingin din siya para kay Rayver Cruz.

READ: Rayver Cruz tells Julie Anne San Jose he's willing to wait for her

Kahapon, May 19, 2022, hayagang sinabi ni Rayver sa Twitter na "crush" niya si Julie Anne.

Nag-post ang binata ng picture ni Julie Anne mula sa party at nilagyan iyon ng caption ng "crushee" at blushing emoji na halatang kinikilig.

Sinuklian iyon ni Julie Anne ng pag-amin na may gusto rin siya kay Rayver.

Ni-retweet ni Julie Anne ang post ni Rayver at sinabing "hi crush" at heart emoji.

Halatang kinilig si Rayver na nag-reply ng melting face at holding back tears emojis.

"Have fun in Canada! Come back home wait kita," tweet pa ni Julie Anne.

Sagot uli ni Rayver, "Yes balik ako agad hehe." May kasama pa iyong flying kiss at melting at blushing emojis.

Continue reading below ↓

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, JulieVer

Nasa Canada ngayon si Rayver dahil bahagi siya ng concert shows doon nina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

RAYVER ADMITS JULIE ANNE IS "MY INSPIRATION"

Sa mismong kaarawan ni Julie Anne noong May 17, 2022, nag-post din si Rayver sa Twitter ng litrato nilang kuha noong Pasko.

Continue reading below ↓

"Happiest birthday to the one and only Asia’s limitless star and my everyday inspiration @myjaps," tweet ni Rayver.

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz

Nagpasalamat si Julie Anne at tinawag

na "pumps" o pumpkin si Rayver. Pumpkin ang endearment ni Julie Anne kay Rayver. Spideyness at "ALS" o Asia's Limitless Star ang madalas namang itawag ni Rayver kay Julie Anne sa kanilang mga convo sa social media.

Continue reading below ↓

Base rito, panahon na lang ang makakapagsabi kung kailan magiging opisyal na magkarelasyon ang dalawa.

Sa 28th birthday celebration ni Julie Anne noong May 16, 2022, umamin si Rayver na mahal niya ang Kapuso singer-actress.

Handa rin daw siyang hintayin ang dalaga kung kailan man ito magiging handang pumasok sa relasyon.

Continue reading below ↓

Naging malapit na magkaibigan daw sila simula't sapul nagkatrabaho sila sa GMA-7, at malinaw na umusbong iyon sa higit sa pagkakaibigan nang maging single si Rayver.

Huling nakarelasyon ni Rayver ay si Janine Gutierrez, at nagkahiwalay sila noong October 2021.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Have fun in Canada! Come back home wait kita," writes Julie Anne San Jose in her tweet for Rayver Cruz. Rayver, in turn, gets extra kilig when the Kapuso singer-actress tweets about liking him back.
PHOTO/S: CTTO via @jcgellidon on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results