Watch Now

Sen. Grace Poe reacts to Raffy Tulfo's National Day of Mourning suggestion on mom's interment

by Arniel C. Serato interview coursed through Allan Sancon
May 22, 2022
Senator Grace Poe thanks Raffy Tulfo, Jocelyn Tulfo for honoring her mom's legacy
Senator Grace Poe, grateful to Senator-elect Raffy Tulfo for recognizing her mom Susan Roces's legacy.
PHOTO/S: Allan Sancon / Idol Raffy Tulfo on Facebook

Bukod sa mga ordinaryong mamamayan, bumuhos ang suporta at pagkilala sa pumanaw na Queen Of Philippine Movies na si Susan Roces galing sa maraming government officials.

Pumanaw si Roces nitong nakaraang Biyernes, May 20, sa edad na walumpo dahil sa cardiopulmonary arrest.

READ: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies

Kahapon, May 21, 2022, hiniling ni Senator-elect Raffy Tulfo kay President Rodrigo Duterte na ideklarang Pambansang Araw ng Pagluluksa ang araw ng libing ni Roces sa Miyerkules, May 25, 2022.

READ: Raffy Tulfo, gustong gawing National Day of Mourning ang libing ni Susan Roces

Irerekomenda rin ng asawa ni Raffy na si ACT-CIS party-list Representative Jocelyn Tulfo na magkaroon ng nominasyon para sa posthumous National Artist ang 80-yea-old actress na malaki ang naging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino, katulad ng kabiyak nitong si Fernando Poe Jr.

Si FPJ ang kinikilalang King of Philippine Movies na ginawaran ng National Artist Award noong May 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki naman ang pasasalamat ni Senator Grace Poe sa mag-asawa at sa iba pang government officials.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, "Maraming salamat po doon sa mga nagmumungkahi niyan, kay Cong. Tulfo and sa mga iba pang kasamahan namin na alam ko yun din ang itinutulak.

“I think si Senator Tulfo meron ding statement. Maraming nakiramay sa amin. Tumawag na si Senator Bong [Revilla], si Senator Jinggoy [Estrada], Senator Robin [Padilla], yung mga kasamahan ko, si Senator JV [Ejercito-Estrada], lahat po sila.

“Ang masasabi ko lang po ay ito, magmula noong 14 years old si Susan Roces, siya po ay masipag na sa kanyang trabaho, halos iba't ibang role nagampanan na niya, at kung iniisip ninyo na maganda ang mga pelikula ni FPJ, siya po ang kakuwentuhan ni FPJ, 'Sa tingin mo ba, Inday, maganda na ilagay natin itong scene na ito?'

“Sila po yung nagdidiskusyon kung anong magandang scene. At lingid po sa kaalaman ng iba, pati yung mga dialogue niya minsan sa Ang Probinsyano, siya rin ang tumutulong para mas maging maayos at maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya talaga ay isang artist at hindi lamang yun isang artista na sa tingin ko ay nagbigay ng magandang ehemplo.

“Alam mo, maraming pinagdaanang hamon sa buhay ang aking nanay, hindi lamang sa kanyang karera kundi sa kanyang personal na buhay.

“Pero talagang ipinakita niya kung papano maging isang mabuting asawa, na supportive sa kanyang asawa.

“Halos tuwing makikita ko siya, walang patid ang kanyang pangangaral sa akin at siya ang pinakapumupuna kapag meron akong ginawang hindi nararapat.

“So ang national artist, dapat siya po ay magaling sa kanyang sining pero higit sa lahat siya ay dapat maging isang mabuting huwaran.

“Nasa kamay ang desisyon ng mga nasa posisyon kung ito ba ay maibibigay o hindi.

“Pero sa puso ng marami nating mga kababayan, hindi po siya makakalimutan bilang isang may integridad, mahinahon pero pag hinamon ay hindi po umaatras.”

Ayon pa kay Senator Poe, hindi lamang national officials kundi maging local officials ay nagpaabot din ng mensahe ng pakikiramay sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa niya, "Halos lahat na ng mga kasamahan ko sa Senado at ako po ay nagpapasalamat. Pati na rin po mga lokal na opisyal.

“Mahirap pong banggitin lahat, isa-isa, may mga sa national government, mga secretary, kaya ako ay nagpapasalamat.

“Sa tamang panahon para walang maiwang pangalan, ilalabas na lang natin. Yun lang po. Maraming salamat.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Grace Poe, grateful to Senator-elect Raffy Tulfo for recognizing her mom Susan Roces's legacy.
PHOTO/S: Allan Sancon / Idol Raffy Tulfo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results