Watch Now

Former Briefcase Girl Jeck Maierhofer prays for recovery of Kris Aquino

by Rommel Gonzales
May 22, 2022
Briefcase Girl Jeck Maierhofer on Kris Aquino
Briefcase Girl Jeck Maierhofer (left) prays for Deal or No Deal host Kris Aquino's (right) swift recovery: “Nandito lang kami para sa iyo kahit hindi na tayo nakakapag-usap. Nandito lang kami, pinagpe-pray ka namin na gumaling ka.”
PHOTO/S: @jeckmaierhofer @krisaquino on Instagram

Sa grand opening ng Skin by Ledeecia sa 5th floor ng SM Grand Central sa Caloocan nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeck Maierhofer.

Kasosyo niya rito ang kaibigang si Aiko Climaco, dating Wowowee dancer at cast member ng Banana Split, pati na rin si Maica Palo, dating contract star ng Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang bungad niya, “First time po naming magsosyo na tatlo, pero yung sariling business ko po, I sell mga luxury items online, website, and then meron kami ni Rico na farm, poultry farm sa Batangas.

Ang cager na si Rico Maierhofer ang husband ni Jeck. Meron silang apat na anak—Tash, Calel, Harper, at Sarene.

Pero bago naging entrepreneur at digital content creator si Jeck, nakilala siya sa telebisyon bilang isa sa mga 26K Girls na tagahawak ng briefcase na naglalaman ng sari-saring halaga ng papremyo sa Kapamilya, Deal or No Deal, kung saan naging host si Kris Aquino mula 2006 hanggang 2009.

Pagbabalik-tanaw niya, “Pero kasi dati, talagang sobrang mabait sa amin si Ms. Kris, e.

"Ako 'tsaka si Charmel yung pinaghahawak niya ng mga, kunyari may plan siya sa mga girls, or bibigyan niya kami ng mga gamit niya, kami yung parang kinakausap niya lagi ni Charmel.”

Bestfriend ni Jeck sa Deal Or No Deal si Charmel de Asis na isa rin sa mga 26K Girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya tinanong ng writer na ito si Jeck kung ano ang masasabi niya sa kalagayan ng kalusugan ni Kris ngayon.

“'...nalaman namin, small world pa kasi yung kaibigan naming doktor, isa sa mga doctors niya [Kris], kaya talagang sobra kaming worried nung nalaman namin.

“Kasi may communicatin pa rin kami ng mga Deal Or No Deal girls, mga best friends na rin namin, na matatagal na kaming magkakaibigan.

“Naaawa kami, pinagpe-pray namin na gumaling siya.”

Nagulat daw si Jeck anunsiyo ng dating host tungkol sa malubha niyang sakit.

“Yeah, opo kasi an,o e, sobrang health conscious si Ms. Kris, e, di ba?

“Sobrang healthy-healthy niya during Deal Or No Deal, during sa mga shoot niya dati. 'Tapos, biglang ganun.

“Nakakaano po, sobrang nakaka-sad talaga.”

JECK PRAYS FOR KRIS AQUINO'S RECOVERY

Matagal nang hindi nakakausap ng 26K Girls si Kris, kaya nag-iwan ng mensahe si Jeck.

“Ms. Kris sana… I’m sure naaalala mo pa kami. Ms. Kris, iilan lang naman kami, pinagpe-pray ka namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandito lang kami para sa iyo kahit hindi na tayo nakakapag-usap. Nandito lang kami, pinagpe-pray ka namin na gumaling ka."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Briefcase Girl Jeck Maierhofer (left) prays for Deal or No Deal host Kris Aquino's (right) swift recovery: “Nandito lang kami para sa iyo kahit hindi na tayo nakakapag-usap. Nandito lang kami, pinagpe-pray ka namin na gumaling ka.”
PHOTO/S: @jeckmaierhofer @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results