Joshua Garcia reacts to Julia Barretto's no-girlfriend advice to him

by Melba R. Llanera
May 23, 2022
Joshua Garcia, Julia Barretto, Star Magic 30 All Star Games
Joshua Garcia on being happy for ex-girlfriend Julia Barretto and her current beau Gerald Anderson: "Masaya for her? Oo naman, pag mahal mo rin ang tao, dun ka para sa growth niya. Kahit masakit man, okay na yun, tapos na yun."
PHOTO/S: Noel Orsal / @garciajoshuae / @juliabarretto Instagram

Umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens ang pahayag ni Julia Barretto na sinabihan niya si Joshua Garcia na, "Huwag ka munang mag-girlfriend."

Read: Julia Barretto to ex-boyfriend Joshua Garcia: "Huwag ka muna mag-girlfriend."

Maganda naman ang dahilan ng aktres na tingin niya ay magandang magpokus muna si Joshua sa career nito, lalo't itinuturing itong isa sa magaling na aktor sa henerasyon nito.

Pero may ilang nagsabing tila naniniguro raw si Julia na bukod sa love team nila na puwede nitong balikan ay maaaring pangreserba raw nito si Joshua kung hindi makatuluyan ng aktres si Gerald Anderson.

Para naman kay Joshua, hindi isyu sa kanya ang payo ng dating kasintahan lalo't magkaibigan daw silang dalawa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa Star Magic 30 All Star Games, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kahapon, May 22, 2022.

Dito kinumpirma ni Joshua na nagkakausap sila ni Julia.

Continue reading below ↓

"Lagi niyang sinasabi sa akin yun pag nagkikita kami. Sabi ko sa kanya, 'Bakit ikaw lang ang puwede?'" ani Joshua.

Sabay sabi niya, "Okay naman. Sa ngayon kasi ang daming magandang nangyayari sa taon ko, e. Parang kusang dumarating ang trabaho.

"Yung love life, hindi ko sinasarado yung sarili ko dun, e. Pag may dumating, parang smooth, parang okay kami, parang same wavelength kami, okay kami.

"Kung darating, darating, hindi naman kailangang magmadali."

ON BEING FRIENDS WITH JULIA

Ayon pa sa Kapamilya actor, hindi kataka-takang nanatili silang okay ni Julia dahil lahat ng kanyang ex-girlfriends ay naging kaibigan niya.

Masaya rin si Joshua para kay Julia na alam niyang masaya na sa piling ng nobyo nitong si Gerald Anderson.

"Oo, lahat naman ng naging girfriends ko, naging kaibigan ko rin.

"Masaya for her? Oo naman, pag mahal mo rin ang tao, dun ka para sa growth niya.

"Kahit masakit man, okay na yun, tapos na yun," simpeng saad ng binata.

Continue reading below ↓

JOSHUA ON jane AND JANELLA

Abala ngayon si Joshua sa taping ng ABS-CBN TV remake ng Darna na malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel.

Pagmamalaki ni Joshua, kakaiba at dapat abangan ng mga tao ang serye na pinagbibidahan ni Jane de Leon at kasama rin si Janella Salvador.

"Hindi ako makapaghintay na mapanood na ng mga tao, exciting siya, kakaiba siya, hindi siya normal na ginagawa ng Pilipinas, na alam mo yun, action.

"This time, masasabi ko lang na excited ako na mapanood si Darna, si Valentina, at si Brian."

Ang tinutukoy niyang Darna ay si Jane, si Valentina si Janella, at si Brian ay ang role niya sa serye.

Nang kumustahin namin ang working relationship nila ni Jane, masayang nagkuwento si Joshua na magaan at may bonding na sila ng kapareha.

"Siyempre sa una medyo awkward, pero habang tumatagal, nakakapa namin, nagiging close kami.

"Actually, nung last scenes namin, natutuwa ako kasi parang di na kami nag-eeksena, parang nag-uusap na lang kami. Malaki na ang improvement."

Continue reading below ↓

Dating kapareha ni Joshua si Janella sa hit Kapamilya series na The Killer Bride, pero ngayon ay kontrabida na ang aktres sa fantaserye.

Sabi ni Joshua, "Abangan niyo yung Valentina. Nanonood ako nung first Valentina na pagganap, ng mga eksena, pinanood ko at ang ganda ng pagkakaganap niya, ang ganda rin ng shots ni Direk Chito Roño.

"Excited ako na mapanood ko si Valentina."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on being happy for ex-girlfriend Julia Barretto and her current beau Gerald Anderson: "Masaya for her? Oo naman, pag mahal mo rin ang tao, dun ka para sa growth niya. Kahit masakit man, okay na yun, tapos na yun."
PHOTO/S: Noel Orsal / @garciajoshuae / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results