Joshua Garcia clarifies real score with Ateneo Lady Eagles guard Trina Guytingco

by Melba R. Llanera
May 23, 2022
Joshua Garcia, Trina Guytingco
Joshua Garcia on being linked to Trina Guytingco: "Nagkataon lang siguro nung time na yun, partner-partner sila tapos parehas kaming single kaya parang tropa-tropa namin may pag-push."
PHOTO/S: @garciajoshuae / @trinaguytingco Instagram

Hindi pinalampas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataong hingan ng reaksiyon si Joshua Garcia tungkol sa pagkakaugnay niya sa Ateneo Lady Eagles guard na si Trina Guytingco.

Lumikha ng usap-usapan ang pagpu-post ni Joshua ng mga larawan nila ni Trina sa birthday celebration ni Kathryn Bernardo sa El Nido, Palawan noong March 2022.

Read: Joshua Garcia posts photos of Kathryn Bernardo's best friend; netizens say, "Bagay kayo."

Pagkaklaro ng aktor, tropa lang sila ni Trina.

Aminado naman si Joshua na dahil pareho silang single ni Trina ay tinutukso sila ng mga kaibigan.

"Tropa ko yun, barkada namin yun nila Daniel.

"Nagkataon lang siguro nung time na yun, partner-partner sila tapos parehas kaming single kaya parang tropa-tropa namin may pag-push.

"Hang out? Hindi pa uli, last namin El Nido. May mga plano kami pero hindi puwedeng sabihin."

Read: Lady Eagles basketball player Trina Guytingco reacts to being linked to Joshua Garcia

Continue reading below ↓

Kinongratulate din ni Joshua si Trina na bahagi ng Gilas Pilipinas women's basketball team na lumaban sa 31st Southeast Asian Games. Nasungkit nila ang gold medal sa international competition.

"Congratulations nga pala kay Trina. Nasa SEA Games siya ngayon, naglaro ng basketball," dagdag ni Joshua.

Nakapanayam ng PEP.ph si Joshua sa Star Magic 30 All Star Games na ginanap sa Araneta Coliseum kahapon, May 22, 2022.

ON BARKADA WITH KATHNIEL

Kabilang sa Nguya Squad si Joshua kasama ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kagrupo rin nila sina Ria Atayde, Kyle Echarri, Zanjoe Marudo, at iba pa.

Kitang-kita ang closeness nila sa Star Magic 30 All Star Games dahil todo-suporta sina Joshua at Kyle sa badminton games ni Daniel.

Ayon kay Joshua, "Masaya ako na nasa circle of friends ko na sila ang kasama ko.

"Sila yung mga parang kuyas at ates ko na nagpapayo sa akin sa showbiz. Masaya ako na kasama ko sila, kasi good company talaga sila.

Continue reading below ↓

"Sila ang masasabi ko na kaibigan ko sa showbiz."

Daniel Padilla, Joshua Garcia, Kyle Echarri

JOSHUA'S viral TIKTOK VIDEOS

Isa sa kinatutuwaang panoorin sa TikTok ay ang mga ina-upload na videos ni Joshua.

Maging siya ay nagulat daw na umabot sa 130 million views ang unang dance challenge video na in-upload niya sa TikTok.

Continue reading below ↓

May 19.7M hanggang 59.7M ang iba pa niyang videos doon.

"Ako, masaya lang ako. Actually, parang outlet ko ang TikTok, e. Dun nakikita ng mga tao ang makulit side ko.

"Kasi usually sa teleserye, drama-drama, pero yung TikTok, dun ko lang nilalabas yung kulit ko, yung mga gusto ko.

"Natutuwa ako dun sa mga dance challenge. Yung first ko yung pinaka-unexpected kasi basta ko na lang in-upload yun tapos di ko hinawakan ang telepono.

"Pagkakita ko, 'Oh my god!' Ang dami na [views] tapos sabog na yung video."

Read: Netizens have the funniest comments about Joshua Garcia's trending TikTok; TikTokers react

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on being linked to Trina Guytingco: "Nagkataon lang siguro nung time na yun, partner-partner sila tapos parehas kaming single kaya parang tropa-tropa namin may pag-push."
PHOTO/S: @garciajoshuae / @trinaguytingco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results