Watch Now

Seth Fedelin on issue involving Francine, Andrea: "Walang problema na di naayos."

by Melba R. Llanera
May 23, 2022
Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz
Seth Fedelin on bashers pitting Francine Diaz and Andrea Brillantes against each other: "Ingat po tayo sa mga salitang binibitawan, hindi na po tama, sumusobra na po. Lalo na po pag ang pinagsasalitaan po natin ay mga babae... Paggalang na lang po saka respeto. Wala po tayong alam sa totoong nangyari."
PHOTO/S: @imsethfedelin Instagram

Positibo si Seth Fedelin na kung anumang hidwaang namamagitan kina Andrea Brillantes at Francine Diaz ay maayos din at matutuldukan.

Noong January 2022, nagkaroon ng isyu nang pinagselosan ni Andrea ang viral picture kunsaan namataang bumisita si Seth sa bahay ng pamilya ni Francine.

Hindi nakaligtas sa fans na nag-unfollow at follow back si Andrea kay Francine, pati na ang pag-post ni Andrea ng "Lose You To Love Me" ni Selena Gomez" na waring patama niya kina Seth at Francine.

Read: Is there brewing tension between Andrea Brillantes and Francine Diaz over Seth Fedelin?

Sa Instagram Live ni Andrea noong April 4, umamin siyang higit dalawang taong lihim na naging magkasintahan sila ni Seth, hanggang sa nag-beak sila noong October 2021.

Ito raw ang dahilan ni Andrea kung bakit apektado siya nang makitang magkasama sina Seth at Francine noon.

Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito umalma ang pamilya ni Francine na isinugod at binully diumano ni Andrea si Francine dahil sa insidenteng iyon noong Enero.

Read: Francine Diaz's mother hits back at Andrea Brillantes for "bullying" daughter: "WAG AKO ANDREA BRILLANTES!"

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Seth, naniniwala siyang malalim ang pagkakaibigan nila sa Gold Squad at hindi ito masisira dahil lamang sa mga intriga.

Pahayag niya, "Wala namang problema na hindi naayos. Basta ako, basta kaming apat, magkakaibigan kami.

"Siyempre sa magkakaibigan, mayroon ding hindi pagkakaintindihan, hindi naman maiiwasan yun, e.

"Walang problema na hindi naayos, in the end nasa iiisang bahay lang tayo, ABS lang tayo, lagi tayong magkikita.

"Yung mga ganung problema, basta alam naming apat kung ano ang nangyari, alam namin kung ano ang dala namin sa loob sa mga puso namin.

"Nagkakaintindihan kaming apat."

Nakausap ng PEP.ph si Seth sa Star Magic 30 All Star Games na ginanap sa Smart Araneta kahapon, May 22, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Seth, excited siya sa pagtatambal nila ni Francine na nakatrabaho niya sa hit series na Kadenang Ginto mula October 2018 hanggang February 2020.

Orihinal na magkatambal sina Seth at Andrea sa Kadenang Ginto at iba pang proyekto. Sa Kadenang Ginto nabuo ang Gold Squad kunsaan ang kapareha ni Francine ay si Kyle Echarri.

Pero ngayon ay kumpirmado ang pagpapareha nina Seth at Francine sa sisimulang serye ng ABS CBN, ang Dirty Linen.

Sabi ni Seth, "Excited, nakatrabaho ko na siya pero iba na, kami na ang magka-parther. Excited ako kasi alam mo yung batuhan ng mga linya, yun ang inaabangan.

"Mas marami kang makakatrabaho, marami akong matututunan, siyempre kaming dalawa ni Francine.

"Saka sa tingin ko mas matured, saka marami kaming natutunan sa ngayon, siguro ready na."

Read: Francine Diaz-Seth Fedelin paired in new series with Janine Gutierrez, Jennica Garcia

SETH ON ANDREA'S RELATIONSHIP WITH RICCI

Nagpasalamat naman si Seth sa pag-post ng positibong mensahe ni Andrea sa proyektong gagawin nila ni Francine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre nagpapasalamat ako dahil suporta pa rin siya.

"Siyempre apat kami, Gold Squad, mga kaibigan ko sila saka siyempre congrats din sa kanila.

"Si Kyle mayroon siyang gagawin din, yung Beach Rose, siyempre congrats din."

Ganoon din daw ang pagtanggap niya sa masayang relasyon ngayon ni Andrea sa boyfriend na si Ricci Rivero.

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

Saad ni Seth, "Kay Blythe, kay Andrea, congrats dahil panalo yung ano niya, champion.

"Siguro wala namang issue yun, e. Wala naman ako kung sino ang gusto ng isang tao, wala naman sigurong issue yun.

"Ang gagawa lang siguro nun yung mga tao na nagdedesisyon para sa mga buhay ng iba, di ba?

"Support na lang, masaya siya dun, bakit tayo mangingialam?"

Ang tinutukoy ni Seth na "champion" ni Andrea ay si Ricci, na varsity player ng UP Maroons, na champion sa UAAP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin si Seth kung bukas pa ba siyang makatrabaho muli si Andrea kung bibigyan sila ng proyektong magkatambal muli.

Sagot ni Seth: "Nagtatrabaho tayong lahat sa loob ng ABS, pag binigyan tayo ng trabaho, kahit ano yun.

"Sinabi ko sa mga bossing, 'Kung ano ang plano ninyo sa akin, may tiwala po ako. Kung ano ang gusto ninyong gawin ko, gagawin ko.'

"Kahit saan ako mapunta basta sinabi nila, trabaho ko yun. Dun ako binabayaran, gagawin ko nang maayos."

SETH ON BASHERS

Kapansin-pansing sa kabila ng mga kabi-kabilang mga intrigang pinagdaanan ay masayahin at positibo pa rin si Seth.

Paliwanag sa amin ng Kapamilya young actor, "Alam ko lang kasi, yung totoo, yun na yun. Alam ko ang totoo, alam ko ang ginawa ko.

"At alam ko rin ang gagawin ko kung sakaling mayroong problema dumating sa akin, lalo na yung mga intriga, alam ko ang gagawin ko."

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Seth para sa SethDrea fans at sa ibang netizens na nagbibigay komento sa pinagdaanan ng Gold Squad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa mga SethDrea, maraming salamat po na patuloy ninyo kaming minamahal, patuloy ninyo kaming sinusuportahan.

"Tama na po tayo sa mga problema. Kami pong apat, alam po namin ang nangyari, enough na po.

"Mahal po namin ang isa't isa, sana magmahalan po tayo. Hindi lang sa SethDrea, sa lahat po ito."

Umapela rin si Seth na sana ay maghinay-hinay ang bashers sa pagbato ng salita kung kanino man sa kanila sa Gold Squad.

"Ingat po tayo sa mga salitang binibitawan, hindi na po tama, sumusobra na po. Lalo na po pag ang pinagsasalitaan po natin ay mga babae.

"Tatak po natin sa isip natin na babae po sila, katulad ninyo rin po sa mga babae diyan, sa mga lalake.

"Paggalang na lang po saka respeto. Wala po tayong alam sa totoong nangyari. Maraming-maraming salamat at napag-uusapan kami."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin on bashers pitting Francine Diaz and Andrea Brillantes against each other: "Ingat po tayo sa mga salitang binibitawan, hindi na po tama, sumusobra na po. Lalo na po pag ang pinagsasalitaan po natin ay mga babae... Paggalang na lang po saka respeto. Wala po tayong alam sa totoong nangyari."
PHOTO/S: @imsethfedelin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results