Bayani Agbayani addresses critics of Senator-elect Robin Padilla

by Melba R. Llanera
May 23, 2022
Bayani Agbayani, Robin Padilla
Bayani Agbayani (left) on Senator-elect Robin Padilla: "Pag ini-intro ko siya, ito po ang tao na ibebenta lahat ng ari-arian, makatulong lang sa mga nangangailangang Filipino, at totoo yun. Alam mo ba, nakita ko yun kabagu-bago ang sasakyan, kinabukasan wala. Sabi ko, 'Nasaan?' Binenta para sa Marawi."
PHOTO/S: @bayaniagbayani / @robinhoodpadilla Instagram

Ipinagtanggol ni Bayani Agbayani ang kaibigan na si Senator-elect Robin Padilla mula sa mga kritiko.

Nakopo ni Robin ang number one ranking sa Senado dahil sa mahigit 26 milyong Filipino na bumoto at nagtiwala sa kaniya.

Read: Magic 12 Proclamation: Robin Padilla, naisingit ang linya ng "Wonderful Tonight"; Loren Legarda, sinamahan ng anak na si Leandro

Pero may mga kumukuwestiyon sa kakulangan diumano ng karanasan at kaalaman ng aktor para hawakan ang isang mataas ng posisyon sa bansa.

Naniniwala naman si Bayani na nasa puso ni Robin ang maging isang public servant.

Pahayag niya, "You cannot please everyone, lagi iyan.

"Ang mahalaga diyan, magtrabaho ka nang maayos at magtrabaho ka nang para sa Diyos, at naayon, at huwag kang maging corrupt.

"Magtrabaho ka nang nararapat para sa mga mahihirap."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayani sa taping ng Laugh Out Loud sa Studio 72 sa Quezon City noong May 13, 2022.

Continue reading below ↓

Si Bayani ay celebrity host sa campaign rallies ng UniTeam nina Ferdinand Marcos Jr. (na kilala sa initials na BBM) at Sara Duterte. Naging adopted candidate ng partido si Robin Padilla kaya nagkakasama sila ni Bayani sa sorties.

"Tuwang-tuwa ako kasi naging host ako ng BBM-Sara campaign, every time na ipinapakilala ko siya [Robin], may mga spiels na ibinibigay sa amin.

"Pero ipinapakilala ko siya na talagang pamilya ko siya, kaibigan ko siya, at alam ko kung ano ang ugali niya.

"Alam ko naman talaga na si Binoe, Robin Padilla, talagang napakaputi ng puso ever since."

Kuwento pa ng komedyante, may pagkakataong nasaksihan niya ang pagiging bukas-palad ni Robin.

"Alam niyo, pag ini-intro ko siya, 'Ito po ang tao na ibebenta lahat ng ari-arian, makatulong lang sa mga nangangailangang Filipino, at totoo yun.'

"Alam mo ba, nakita ko yun kabagu-bago ang sasakyan, kinabukasan wala. Sabi ko, 'Nasaan?' Binenta para sa Marawi.

Continue reading below ↓

"At kahit sa industriya natin, kahit sa entertainment writers, alam nila iyan. Si Robin lang ang tumutulong na hindi ipinapa-video, hindi ipinangangalandakan.

"Kaya naman binalikan siya ng Panginoong Diyos. Isipin mo, number one."

Nabati na ni Bayani si Robin sa pagkapanalo nito bilang number one senador sa kakatapos na 2022 national.elections.

Kuwento ng comedian-host, "Nag-text kami, kinabukasan nung nakita ko na nag-number one siya, sabi ko, 'Senador ka na.' Kasi mahirap batiin ang number one. Sabi ko, 'Noe, senador ka na. Congratulations po! Mabuhay ka, Pare ko!'

"Sagot niya, 'Kapatid, maraming-maraming salamat! Ang iyong panggigising sa mga tao bago ako magsalita ay hudyat, mabuhay ka!'"

Naniniwala si Bayani na hindi bibiguin ni Robin ang mga taong bumoto at nagtiwala dito.

"Ako ay kinikilabutan dahil sinisigurado ko si Senator Robin Padilla, e, magtatrabaho po iyan. After six years ay hindi ko na alam kung saan pa siya. Kung presidente o vice-president.

Continue reading below ↓

"Hindi po ito labanan ng talino, labanan po ito ng puso, political will, at pagtulong sa tao.

"Sa mga kumukuwestiyon, hayaan po niyong magtrabaho lahat ng nanalo, tulungan po natin sila dahil ito po ay para sa ating bansa."

READ: Battle for star power: Leni Robredo and Bongbong Marcos celebrity endorsers

BAYANI HOPES FOR HEALING AFTER ELECTIONS

Hiling ni Bayani, sana raw ay kalimutan na ang kulay ng pulitika at magkaisa ang bawat Filipino ngayong tapos na ang eleksyon.

Saad niya, "Maraming salamat sa Panginoong Diyos, tulungan po natin ang ating presidente at ang ating bise-presidente. At lahat ng mga nanalo at sa local government, tulungan po natin sila. Yun po ang magiging daan para umunlad ang ating bayan.

"Ang dami na nating problema, pandemic, mataas ng presyo dahil sa Ukraine-Russia war, at kung anu-anong mga problema ang dumating sa atin. Tulungan natin ang ating bansa. Tulungan natin ang ating kapwa Filipino para makabangon ang bansa natin.

Continue reading below ↓

"Kalimutan na po natin ang kulay ng pulitika. Sama-sama po tayong bumangon, sama-sama po tayong magtulungan. Kung hindi po kayo satisfied, hintayin po natin yung three years, ang six years, mayroon naman tayong demokrasya.

"Nagkanya-kanya man tayo ng kulay, pero after po ng eleksyon na may nanalo na, magtulungan na po tayo."

Patuloy ni Bayani: "Kawawa po ang bansa natin, kawawa ang mga mahihirap.

"Panalangin ko at suhestiyon ko, at ako'y nagsusumamo sa lahat ng mga nanalo, na unahin po natin ang mga mahihirap. Kailangan po nila ang tulong natin.

"Kahit dito sa maliit naming show na Lunch Out Loud, alam namin kung ano ang hirap at nararamdaman ng mga tao ngayon na walang trabaho."

Tinanong din si Bayani kung hindi ba niya nakikita ang sarili na pasukin din ang mundo ng pulitika.

Sagot niya: "Wala, pero kung may plano sa akin ang Panginoon Diyos, ayoko siyang pangunahan.

"Katuwiran ko kasi sa lahat ng ginagawa ko... Isipin mo nga—thank you Lord—hanggang ngayon ang tanda-tanda ko na, mayroon pa akong noontime show.

Continue reading below ↓

"Hindi ko naman plinano yun. Bakit ako napunta dun? Siya ang nagpaplano para sa akin. Thank you, Lord."

ON LUNCH OUT LOUD

Regular na napapanood sa Lunch Out Loud (LOL) sa TV5, labis ang pasasalamat ni Bayani sa consistent high ratings ng programa.

Patuloy pa ring napapanood ang blocktimer noontime show, na ipinoprodyus ng Brightlight Productions, sa kabila ng ilang ulit nang nabalitang mawawala na ito sa ere.

Ngayon ay nadagdagan pa ito ng ibang segment tulad ng "Maritest" na kinaaaliwan ng mga manonood.

Sabi ni Bayani: "Thank you Lord, thank you. Lagi naman 'yang isinasama sa segment namin every magtatapos ang segment namin, nagdadasal kami, nagpapasalamat.

"Lagi kong pinagmamalaki, kami lang ang noontime show na may segment na praying. Nagpe-pray kami every day sa on cam, kasama sa gap namin sa last.

"Actually, lahat naman ng shows pag di ka nagre-rate, whether you like it or not, whether may tsismis man o wala, matatanggal ka talaga. The basis is ratings, kailangang mag-rate ka, kailangan maraming commercials.

Continue reading below ↓

"And sa awa naman ng Diyos, hindi kami nawala sa estado na yun. Commercials marami, ratings sa Visayas, Mindanao, napakataas namin, sobrang taas."

Sinabi rin ng komedyante na maganda ang samahan ng bawat isa sa kanila sa LOL at walang may attitude na nagbibigay ng problema sa set ng show.

"Okay kami, lalong tumatatag, sumasaya, lalong nagba-bond, nagkakaroon lalo ng chemistry.

"Attitude? Wala, kasi kung mapapansin nyo ang production team, ang mga hosts, nanggaling na rin halos sa show sa noontime.

"Magkakasama rin kami, si Alex, si Wacky at ako, I Can See Your Voice. Si Billy, nanggaling ng Showtime. Ako naman, Magandang Tanghali Bayan and Salu-Salo Together.

"Tapos itong mga staff namin, tawag ko diyan selection, e. Selection ng noontime iyan, magagaling lahat iyan, pati cameraman. Alam mo naman pag galing ka ng noontime, halos kamado mo na ang lahat."

Kapansin-pansin ang panunukso sa kanila ng co-host on air na si Laboching.

Continue reading below ↓

Pagkaklaro naman ng LOL host sa PEP.ph, pang on-cam lang ang kulitan nila ni Laboching at hindi ito pinagseselosan ng asawa niya.

"Biro lang yun, apat na ang anak ko, may apo na ako. Magdadalawa na ang apo ko kay Thalia. Onscreen lang yun," saad ni Bayani.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani (left) on Senator-elect Robin Padilla: "Pag ini-intro ko siya, ito po ang tao na ibebenta lahat ng ari-arian, makatulong lang sa mga nangangailangang Filipino, at totoo yun. Alam mo ba, nakita ko yun kabagu-bago ang sasakyan, kinabukasan wala. Sabi ko, 'Nasaan?' Binenta para sa Marawi."
PHOTO/S: @bayaniagbayani / @robinhoodpadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results