Cassy Legaspi, Darren Espanto get cozy at Kapamilya singer's party

by Rachelle Siazon
May 24, 2022
Darren Espanto, Cassy Legaspi
Birthday boy Darren Espanto to Cassy Legaspi: "I appreciate you sooo much."
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto Instagram

Hindi nagpapagil sa pagpapakita ng sweetness sa isa't isa sina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa 21st birthday party ng binata.

Si Cassy ay Kapuso actress, habang si Darren ay Kapamilya singer.

Pero kahit magkaiba ng network at abala sa kani-kanilang career ay nananatili ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Sa advanced birthday party ni Darren noong Biyernes, May 20, 2022, isa sa mga inabangang bisita ay si Cassy. Ngayong Martes, May 24, ang mismong kaarawan ni Darren.

Sa Instagram Story ni Cassy noong May 21, sinabi niyang galing pa siya sa taping, pero nagmadali siyang pumunta sa party ni Darren.

Kalakip nito ay ang mga litrato nila kunsaan nakaakbay si Cassy kay Darren.

Dagdag pa ni Cassy, "Greet na lang kita kapag 24 na."

Darren Espanto, Cassy Legaspi, CassRen

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Darren ang pictures nila at sinabing, "I appreciate you sooo much... kahit di ka sumunod sa hashtag."

CassRen

DOUBLE COUPLE SQUAD?

Isa pang highlight sa party ay ang pagsasama nina Darren at Cassy pati nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Ibinahagi ni Darren ang group picture nila three years ago at group picture nila sa party nitong 2022.

Continue reading below ↓

Waring ipinahiwatig sa litrato na solid ang kanilang squad.

Darren Espanto, Cassy Legaspi, CassRen

Sa litrato ay makikitang mahigpit ang yakap nina Darren at Cassy ang isa't isa, sanhi para kiligin ang fans ng kanilang tambalan na kilala bilang CassRen.

Magkayakap din sina Mavy at Kyline na magka-love team sa GMA-7.

CassRen

Continue reading below ↓

CassRen

CassRen

Continue reading below ↓

CASSY MEETS DARREN'S SISTER

Hindi rin nakaligtas sa CassRen fans ang pagkikita ni Cassy at nakababatang kapatid ni Darren na si Lynelle.

Si Lynelle ay nakabase sa Canada kasama ng mga magulang at kasalukuyang nagbabakasyon dito sa Pilipinas.

Ipinost ni Lynelle ang pictures nila ni Cassy sa Instagram.

Cassy Legaspi, Darren Espanto, Lynelle Espanto

Noon pa man ay bukas si Lynelle sa pagsuporta kina Cassy at Darren.

Continue reading below ↓

Bahagi ng caption ni Lynelle, "Finally got to meet @cassy."

Sagot ni Cassy, "I love how we screamed as soon as we saw each other… Love you Lynelle!!!"

CassRen

Consistent sina Darren at Cassy sa pagiging bukas kung gaano sila kaespesyal para sa isa't isa.

Pero sa tuwing natatanong sila sa estado ng kanilang relasyon, pinaninindigan din ng dalawa na prayoridad nila ang kanilang trabaho at hindi sila nagmamadali pagdating sa love life.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Birthday boy Darren Espanto to Cassy Legaspi: "I appreciate you sooo much."
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results