Watch Now

Lala Vinzon grabs chance to join Binibining Pilipinas 2022 to fight depression

by Nikko Tuazon
May 25, 2022
Lala Vinzon, Binibining Pilipinas 2022
Lala Vinzon on what motivated her to join Binibining Pilipinas 2022: "Siguro nung pandemic kasi, ang daming depression na dumadating sa buhay ng tao. And one strength kasi is to turn that depression to power and strength na hindi ako puwedeng mag-lugmok lang sa bahay. So I changed myself, naghanda talaga ako. And unexpected na ito pala yung pinaghahandaan ko."
PHOTO/S: @lalavinzon on Instagram

Mula singing competitions, beauty pageants naman ang pinasok ng Kapuso singer na si Lala Vinzon.

Si Lala, na ngayon ay kinikilala sa pageant world sa tunay nitong pangalan na Ma. Isabela David, ay kabilang sa top 40 aspiring beauty queens na lumalaban sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Nitong May 23, 2022, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lala tungkol sa kanyang Binibining Pilipinas 2022 journey.

Naganap ang panayam sa ribbon cutting ng Binibining Pilipinas 2022 Glam Shot Photo Exhibit sa Gateway Mall, Araneta City.

Para kay Lala, one of a kind experience ang mapasali sa nasabing pageant.

Aniya, "Nasa kalahati pa lang tayo ng Binibining Pilipinas pageant but so far ang dami ko nang na-experience, ang dami ko nang natutunan also as a person not only from other people, but also my co-candidates.

"Ang dami nilang nabigay sa akin na aral. Ang dami kong na-gain na friends, connections along the way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "I’m just thankful kasi iba naman kasing experience ito, e.

"From showbiz to music, to be a part of something new is a challenge, but at the same time, it’s something that I will look forward to."

JOINING BINIBINING PILIPINAS

Partly dahil sa COVID-19, naisip ni Lala na sumali sa beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado itong dumanas ng depresyon noong kasagsagan ng pandemya ngunit imbes na malugmok ay ginamit ito ni Lala bilang motivation upang subukan ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa.

Aniya, "Siguro nung pandemic kasi, ang daming depression na dumadating sa buhay ng tao.

"And one strength kasi is to turn that depression to power and strength na hindi ako puwedeng maglugmok lang sa bahay.

"So I changed myself, naghanda talaga ako. And unexpected na ito pala yung pinaghahandaan ko."

Patuloy nito, "I did it to fix myself for something bigger.

"I didn’t expect na it will be for Binibining Pilipinas so nung nakapasok na ako, I grabbed the chance and hindi ko na pinakawalan yun."

Muntik na rin maudlot ang Binibining Pilipinas journey ni Lala dahil hindi ito napabilang sa top 40 candidates na unang inanunsiyo noong nakaraang April 22, 2022.

Kalauna'y may tatlong kandidata ang umalis sa kompetisyon at napabilang si Lala sa mga lalaban para sa mga korona ng Binining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pruweba ito na hindi dapat agad-agad naggi-give up.

Aniya, "Actually, blessing din na nangyari yun, e. Kung nakuha ako agad, siguro walang kuwento yung buhay ko ngayon.

"Siguro wala akong aral na napulot. Doon ko na-realize na kailangan lahat ng bagay na papasukin mo, seryosohin mo.

"Lahat ng bagay na gagawin mo, dapat alam mo yung susunod na step.

"And I didn’t expect, dun ko na-challenge yung power ni Lord na siyempre nalugmok ako nung hindi ako nakuha.

"Pero nung tumawag yung Binibining Pilipinas na nakuha ako, dun ko nasabi na He loves me.

"Dun ko na-challenge yung pagmamahal niya and I’m grateful dun sa experience na iyun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAGEANT TRAINING

Sa ngayon, patuloy pa rin ang training ni Lala para sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas.

Kabilang si Lala sa mga kandidatang nagte-train sa ilalim ng beauty queen-maker na si Rodgil Flores at ng pageant camp nito na Kagandang Flores.

Isa sa pinagtutuunan ng pansin ni Lala sa kanyang training ay ang Q&A round.

Aniya, "Ang pinakamahirap siguro sa akin, yung Q&A kasi ang daming aspects na involved dun.

"Hindi lang… Kasi yung pasarela, isa lang yung pag-aaralan mo. Yung walk talaga, yung projection.

"But yung Q&A, it’s broad and ang daming involved.

"So I really have to focus on that, as well dahil siyempre, hindi mo puwede lokohin yung laman ng utak ng isang tao, yung laman ng puso nila.

"So yeah, I’m more focused on that, working on myself and working on that aspect in the pageant."

Para kay Lala, importante na bawat sagot nito sa Q&A o kahit sa interviews ay galing sa puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think when you speak from the heart, hindi ka siguro kakabahan kasi Tagalog man iyan or English, as long as you carry yourself well, as long as you can delivery yourself freely, hindi magiging problema iyan."

Aminado rin ito na malaking tulong ang kanyang experience sa showbiz upang madaling makasagot sa anumang tanong.

"Ako naman, since I was 15 years old, I’ve been in showbiz, I’ve done a lot of interview before. Hindi naman ako super nag-e-excel when it comes to yung patalinuhan, pero I can say that I can speak from the heart."

Payo naman nito sa iba pang aspiring beauty queens na nacha-challenge din pagdating sa Q&A, "Yun lang siguro yung gusto kong sabihin sa mga tao na lahat ng interviews mo, do n’t be afraid to be vulnerable.

"Don’t be afraid to commit mistakes. It’s part of it, and I [have seen] a lot of people committed mistakes, and then pagbalik nila, bonggang-bongga na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lala Vinzon on what motivated her to join Binibining Pilipinas 2022: "Siguro nung pandemic kasi, ang daming depression na dumadating sa buhay ng tao. And one strength kasi is to turn that depression to power and strength na hindi ako puwedeng mag-lugmok lang sa bahay. So I changed myself, naghanda talaga ako. And unexpected na ito pala yung pinaghahandaan ko."
PHOTO/S: @lalavinzon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results