Liza Soberano spotted with James Reid at Gold Gala in Los Angeles

by Rachelle Siazon
May 24, 2022
James Reid, Liza Soberano
Liza Soberano hangs out with James Reid and other acquaintances at the inaugural Gold Gala in Los Angeles. The two previously worked together when Liza did a cameo for James's music video "Hello 2.0 Legends Only."
PHOTO/S: @sthanlee via @lizasoberano Instagram

Litaw ang kinang ng Pinoy stars na sina Liza Soberano at James Reid sa dinaluhan nilang first annual Gold Gala sa Los Angeles noong Sabado, May 21, 2022 (U.S. time).

Inorganisa ito ng Gold House, isang non-profit Asian and Pacific Islander (API) community na naglalayong parangalan ang outstanding API creatives at companies.

Nag-post si Liza ng ilang litrato niya mula sa event, at buong-pagmamalaking inirampa ang kanyang sexy black terno dress.

"Had a great time at Gold House’s 1st Annual Gold Gala in Los Angeles. Representing the Philippines in @anthonyramirezdesigner @tesserajewelry and @neilfelipp," saad sa caption ni Liza.

Pero mas agaw-pansin ditong kasama niya muli ang kapwa Pinoy star na si James pati na si Jeffrey Oh, na CEO ng music label na Careless. Co-founder si James ng naturang kumpanya.

Ang boyfriend ni Liza na si Enrique Gil ay hindi napigilang ihayag ang paghanga sa ganda ni Liza. Ang one-word comment ni Enrique, "Beautiful."

Continue reading below ↓

Nag-reply naman si Liza ng lovestruck at heart emojis. Si Enrique ay nasa Spain kasama ng pamilya nito.

Liza Soberano, James Reid

ANOTHER GALA NIGHT

Sa hiwalay na Instagram Stories ni James, ipinakita naman niya ang kasiyahan nila roon sa event.

Liza Soberano, James Reid

Continue reading below ↓

May picture si James kasama sina Liza at Jeffrey, at may isa pang group photo kunsaan kasama nila ang ibang guests doon.

Liza Soberano, James Reid

Bukod dito ay nagkasama rin sina Liza at James sa Asia Society Southern California’s Annual Gala doon din sa Los Angeles.

Nag-change outfits sila pareho, pero malakas pa rin ang dating ni Liza sa suot niyang cropped long-sleeved top at matching long skirt, habang si James ay naka-white suit.

Continue reading below ↓

Kasama nila si Guy Tang, isang hair artist at YouTuber sa California.

Liza Soberano, James Reid

Hindi malinaw kung may pagsasamahang proyekto sina Liza at James o nagkataon lang na nagkrus ang landas nila roon.

Ayon sa talent manager ni Liza na si Ogie Diaz, base sa YouTube vlog nito noong May 21, 2022, may inaasikaso si Liza sa U.S. na isang bagay na matagal na nitong gustong gawin.

Continue reading below ↓

Pero hintayin na lang daw si Liza na kusang mag-anunsiyo kung ano man ito. Kasama raw ng aktres sa U.S. ang kapatid nito.

Minsan nang nagkasama sina Liza at James nang mag-cameo si Liza sa music video ng kanta ni James na "Hello 2.0 Legends Only," na umere sa YouTube ng Careless Music noong March 2022.

Ang iba pang artistang nag-cameo roon ay sina Enrique Gil, Maris Racal, Nadine Lustre, at Nancy ng Momoland.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano hangs out with James Reid and other acquaintances at the inaugural Gold Gala in Los Angeles. The two previously worked together when Liza did a cameo for James's music video "Hello 2.0 Legends Only."
PHOTO/S: @sthanlee via @lizasoberano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results