Erich Gonzales gives sneak peek at her wedding and engagement rings

by Rachelle Siazon
May 24, 2022
Erich Gonzales, Mateo Lorenzo
Looks like Erich Gonzales is still on honeymoon with husband Mateo Lorenzo in a mountainside resort in Benguet. The couple tied the knot at St. James Great Parish in Ayala Alabang Village, Muntinlupa City on March 23, 2022.
PHOTO/S: @erichgg / @andresdeleonlorenzo (wedding shot) / CTTO

Sa wakas ay waring nagpahiwatig na si Erich Gonzales sa kanyang married status eksaktong dalawang buwan mula nang ikasal sila ng long-time boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Sa Instagram post ni Erich kahapon, May 23, 2022, ibinahagi niya ang kanyang solo picture na matamis ang pagkakangiti habang kumportableng nakaupo sa isang bamboo sofa.

Nakapatong sa cushion ang mga kamay niya, at kitang-kita sa kanyang left finger na may suot siyang wedding at engagement rings.

Erich Gonzales

Continue reading below ↓

Sinamahan niya iyon ng close-up shot ng kamay niyang may hawak na mug, at makikita roong may suot siyang dalawang singsing sa kanyang ring finger.

Erich Gonzales

Pinakahuling litrato sa kanyang post ay ang picture niyang halatang masaya habang kita sa likod niya ang lush mountainside.

Erich Gonzales

Continue reading below ↓

Kuha iyon sa isang exclusive resort sa Benguet na kilala sa mountain lodges nito.

ERICH'S LOW-KEY WEDDING

Inilihim ni Erich ang pag-iisang dibdib nila ni Mateo, pero naisapubliko ito nang kumalat sa social media ang wedding banns nila noong February 19, 2022.

Read: Erich Gonzales tight-lipped about church wedding with Mateo Lorenzo; when did they meet each other?

Nakasaad doong March 23, 2022 ang petsa ng kanilang wedding sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City. Iyon ang parokya na kinabibilangan ni Mateo pati na ng mga magulang nito.

Hanggang sa dumating ang wedding day nila, hindi nag-post ng anumang litrato si Erich sa kanyang Instagram account.

Nag-post naman ang kapatid ni Mateo na si Andres de Leon Lorenzo ng kuha nina Erich at Mateo na nakaharap sa altar.

Pero liban doon ay wala nang pasilip sa espesyal na okasyon na iyon sa buhay ng couple.

Continue reading below ↓

WHEN DID ERICH MEET MATEO?

April 2017 nang unang magkakilala sina Erich at Mateo, ayon sa aktres.

Pero January 2018 lamang nang makumpirma ang tungkol sa panliligaw ni Mateo kay Erich, at noong panahong iyon ay hindi pa pinangalanan ang non-showbiz suitor ng aktres.

Ang kaibigan ni Erich na si Kris Aquino ang nambuking na dinalaw raw si Erich ng manliligaw nito sakay ng private plane sa set ng pelikula ni Erich na Siargao.

Hindi nagtagal ay nagkahulugan ng loob ang dalawa.

January 2019 nang kumpirmahin ni Erich na mayroon siyang nobyo, pero mas gusto raw niyang manatiling pribado ang relasyon nila.

Minsan lang nagpakita si Erich ng date nila ni Mateo sa vlog ng aktres, pero kahit doon ay hindi niya ipinakita ang mukha ng nobyo.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2020, nakasaad na si Mateo ay isang negosyante.

Isa siya sa labindalawang anak ng businessman na si Martin Ignacio Lorenzo.

Continue reading below ↓

Ang ama ni Mateo na si Martin Lorenzo ay may mga negosyo sa food retail at manufacturing company ng plastic products. Ilan sa brands sa pag-aari niyang RestaurantConcepts Group Inc. ay ang restobar na Barcino at donuts brand na GoNuts. Si Martin ay chairman at COO ng Central Azucarera de Tarlac.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Looks like Erich Gonzales is still on honeymoon with husband Mateo Lorenzo in a mountainside resort in Benguet. The couple tied the knot at St. James Great Parish in Ayala Alabang Village, Muntinlupa City on March 23, 2022.
PHOTO/S: @erichgg / @andresdeleonlorenzo (wedding shot) / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results