Emosyunal ang pagbabalik-tanaw ng actor-singer na si Pepe Herrera sa magagandang alaala niya sa yumaong beteranang aktres na si Susan Roces, 80.
Pumanaw ang Queen of Philippine Movies dahil sa cardiopulmonary arrest noong May 20, 2022, Biyernes. Siya ay 80.
Read: Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”
Matagal ding nagkasama sina Pepe at Susan sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano. Gumanap si Susan bilang si Lola Flora at si Pepe ay bilang si Benny.
Matapos ang dalawa o tatlong taon, umalis si Pepe sa teleserye noong 2017 at namatay ang kanyang karakter.
Sinariwa ni Pepe ang masasayang alaala niya kay Susan sa pamamagitan isang recent Instagram post.
Inilarawan ni Pepe ang yumaong beteranang aktres bilang isang mapagmahal na kaibigan at mahusay na alagad ng sining.
Inalala rin ni Pepe nang bigyan siya ni Susan ng shorts na may “fake pwet” na print.
“Tawang tawa ka noong sinuot ko. Ang sarap mo patawanin kasi parehas mababaw ang kaligayahan natin,” aniya.
Nang magbida si Pepe sa musical na Rak of Aegis, sumipot daw ang beteranang aktres “kahit hindi siguradong makakapunta yung ibang cast ng Probinsyano.”
Dugtong ni Pepe (published as is), “Ikaw pa ang tumawag sa akin Sa lobby at hindi ko makakalimutan yung Ngiti mo na abot tainga.
“Ang daming tao sa lobby noon, but you made an effort to approach and greet us.”
Hindi rin daw makakalimutan ni Pepe nang unang beses siyang abutan ng sobre ni Susan. Inakala raw ng actor-singer ay pera ang nilalaman ng envelope.
“Pagbukas ko ng sobre, ginupit na news article pala ang laman kung saan nabanggit ang pangalan ko.”
Maraming beses daw siyang inabutan ni Susan ng envelope na naglalaman ng news clippings ni Pepe.
“Puro news article na pinagkaingatan gupitin ng maayos. Tinago ko lahat,” ani Pepe, na inilagay ang mga ito sa isang safety box.
SUSAN HOLDS NO GRUDGES
Nang lisanin daw ni Pepe ang FPJ’s Ang Probinsyano ay naramdaman niyang “medyo sumama ang loob” sa kanya ng batikang aktres.
Pagpapatuloy na lahad ni Pepe, “Kaya noong nagkita tayo sa reunion, Medyo kinabahan ako sa pagpasok sa kwarto mo para bumati.
“Nawala agad yung kaba ko noong ang bungad mo sakin ay ‘Benny!’ na may ngiting abot tainga.”
Hinangaan din ni Pepe ang professionalism ni Susan sa kanyang trabaho.
“Ang sarap tularan ng purity at work ethic mo Lola Flora.
“Kahit kailan, hindi kita nakitang gumamit ng cellphone sa set.
“At Kahit noong sumama loob mo sakin, binigyan mo ako ng prutas.”
Sabi pa ni Pepe, “Pinaramdam mo sa akin ang Pagmamahal at pagaaruga na walang halong salapi at walang hinahangad na kapalit.”
Dadalhin daw ni Pepe ang itinurong magagandang halimbawa sa kanya ni Susan.
“Pinapangako ko sa iyo, hindi namin sasayangin ang binhi na naitanim mo.
“Tuwing mababanggit ang pangalang Benny, ikaw, at ang iyong mga Pamana ang una kong Maaalala.
“I Love You So Much Lola Flora.”
Related Stories
- Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
- Alex Gonzaga, Kim Chiu, Bela Padilla, Bianca Gonzalez mourn death of Susan Roces
- Vilma, Maricel, Lorna, Judy Ann, Ai-Ai pay tribute to fellow queen Susan Roces
- Lovi Poe nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces
- Rosemarie Sonora, hindi makakauwi para sa burol at libing ng kapatid na si Susan Roces
- Mga ARTISTA at iba pang KILALANG TAO sa unang gabi ng BUROL ni SUSAN ROCES
- Boots Anson Roa-Rodrigo likens passing of Susan Roces to movie queen's "French leaves" at events
- Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”
- Julia Montes vows to remember life lessons from Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Ang Probinsyano cast and crew, nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces
- Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces
- Coco Martin recalls fond memories with late Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Mga labi ni Susan Roces, ililibing sa tabi ng puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery
- Pepe Herrera posts emotional tribute to late movie queen Susan Roces
- Eddie Gutierrez tears up in eulogy for perennial leading lady Susan Roces
- Maricel Soriano, Eric Quizon, Roderick Paulate, Helen Gamboa honor the late Susan Roces
- Sheryl Cruz, ibinahagi ang mga huling sandali ng tita niyang si Susan Roces sa ospital
- Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces
- Sheryl Cruz, nag-record ng sariling eulogy para sa kanyang Auntie Susan Roces
- Brian Poe-Llamanzares inalala ang mga payo ng kanyang Lola Susan Roces