Eddie Gutierrez tears up in eulogy for perennial leading lady Susan Roces

by Jojo Gabinete
May 24, 2022
eddie gutierrez susan roces
Eddie Gutierrez to his favorite leading lady Susan Roces: “I miss you. You will always be a part of my life. See you in heaven, bye!”
PHOTO/S: YouTube / Video 48

“I miss you. You will always be a part of my life. See you in heaven, bye!”

Ito ang humahagulgol ng iyak na pamamaalam ni Eddie Gutierrez sa eulogy nito para sa kanyang longtime screen partner na si Susan Roces ngayong Martes ng gabi, May 24, 2022.

Video: Grace Poe Facebook .

Sumakabilang-buhay ang Queen of Philippine Movies, sa edad na 80, noong Biyernes, May 20, 2022.

Read: Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”

Napaluha ang halos lahat ng mga tao sa loob ng The Chapels ng Heritage Park dahil sa madamdaming tagpo na kanilang nasaksihan—ang pagbabalik-tanaw ni Eddie sa malalim na pagkakaibigan nila ni Susan at sa mensahe ng kanyang pamamaalam.

Si Susan ang ka-love team ni Eddie sa mga pelikulang ginawa nila sa Sampaguita Pictures noong dekada '60 at sa mga pelikula ng Regal Films noong dekada '80.

Sabi ng 80-year-old actor, “Sabi ng ibang fans, ‘Eddie, hindi mo ba naging girlfriend si Susan?'

Continue reading below ↓

"Sabi ko, 'Hindi. Never kong niligawan si Susan.'

"Sabi ko, 'We were just partners.'"

EDDIE AND SUSAN MEET ELVIS PRESLEY

Idolo ni Eddie ang King of Rock & Roll na si Elvis Presley, at ang kanilang pagkikita nang personal ang isa sa mga hindi niya malilimutang karanasan nila ni Susan nang mag-shooting sila sa Las Vegas ng Eddie Loves Susie noong 1963.

Ibinahagi ito ni Eddie sa mga nasa burol ni Susan sa Heritage Park.

Kasama ang kapatid ni Susan na si Rosemarie Sonora at isang cameraman, madaling-araw (3:30 a.m.) nang tumambay sina Eddie at Susan sa coffee shop ng Flamingo Hotel para hintayin ang pagbaba ni Elvis ng 6:30 a.m. mula sa kuwarto nito.

Kuwento ni Eddie, “Mga 6:35, pagbukas ng [service] elevator, Elvis Presley! Dalawang bodyguard sa harap, dalawang bodyguard sa likod.

“'Elvis!' sabi ni Susan.

“Sabi niya [Elvis] sa amin, ‘You folks from the Philippines?'

“'Yes,' sabi ko.”

Continue reading below ↓

“'Well, I met some Filipino folks, they surely don’t look like you!'

“Sabi ko, 'Who did you meet?'

“'I met the ReyCards!'"

"Si Carding pala!" ang natatawang kuwento ni Eddie nang marinig nito ang sagot ni Elvis.

Ang ReyCard Duet ay ang singing comic duo nina Carding Castro at Rey Ramirez na madalas mag-perform noon sa Las Vegas.

Pagpapatuloy na kuwento ni Eddie tungkol sa pag-uusap nila ni Elvis, “So, sabi niya, ‘What are you doing here in Vegas?’

“'We’re doing a film,' sabi ko.

“'What’s the title of your film?'

“'Eddie Loves Susie.'

"'Eddie? Susie? Are you married?'

“'No! No!' Sabi ko, 'We’re just partners in this movie.'

“Sabi ko, 'Elvis, you should go to the Philippines. Do a concert there. You are well-loved in the Philippines. Everybody is your fan.'

“Sabi niya, ‘Maybe someday. You wanna have a picture with me? C’mon let’s get out in the sun.’

Continue reading below ↓

“So, lumabas kami sa likod. Nandoon ang limousine niya. Andito yung isang van, mga bodyguard niya. Dalawang hagad sa harap. Dalawang hagad sa likod.

“Tapos yung cameraman namin, pumuwesto na. Kukunan na kami ng picture. May humawak sa kamay niya. Ibinaba yung kamay ni Agra.

“Sabi ko, 'Elvis, what’s wrong?'

“Sabi niya, ‘My photographer will take the picture then we'll mail it to you if it comes out good.’

“What do you mean?'

“Sabi niya, ‘No, no, I’m just joking.’

"So, eto na, yung photographer ni Elvis yung kukuha sa amin ng picture. So, ako nandito, si Elvis, si Rosemarie, si Susan nandito sa farther right.

“Nung kukunan na ng picture, sabi ni Susan, ‘Wait! Wait!’

“Hinawakan niya [Susan] si Rosemarie, ibinalibag! Tumabi siya ngayon kay Elvis.

“Kinunan kami ng picture na yun."

eddie susan with elvis presley

Continue reading below ↓

Eddie Gutierrez, Elvis Presley, Susan Roces, and Rosemarie Sonora

Kuwento pa ni Eddie, "Nag-uusap kasi sila ni Susan so sinisilip ko siya. Ang mata, blue eyes! Pati butas ng tenga, sinisilip ko, kasi pareho kami ng height, e.

“Tapos inaamoy-amoy ko pa. Ang bango! Ang bango ni Elvis!

“Pagkatapos, sabi niya, ‘Well, I can’t stay long. I got shooting at Boulder Dam. You guys have a nice time here.' And sabi niya, 'I hope your film makes good. I gotta go.’

“Sakay siya ng limousine niya. Habang umaabante nang ganoon, ibinaba pa niya yung salamin, kumaway nang ganoon sa amin.

“'Naku, ang guwapo ni Elvis!' ang sabi ni Susan,” tawang-tawang pagbabalik-tanaw ni Eddie tungkol sa nagtagumpay na pakikipagkita nila ni Susan kay Elvis.

Tulad ng pangako ni Elvis, makalipas ang ilang araw, natanggap ni Eddie ang kanilang larawan na ipinadala sa bahay na tinuluyan nila noon ni Susan sa Los Angeles, California.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, 'Sige, Susan, sa 'yo na ito.'

"Nung umuwi na kami ng Pilipinas, after three or four days, may dumating na picture namin. Ipina-photocopy pala ni Susan. Iniregalo sa akin, naka-frame.

“So, yun ang memories ko kay Susan.

"Alam naman ng lahat na si Susan, hindi lang maganda kundi pati puso niya maganda so I will really miss her," muling napaiyak na sabi ni Eddie.

LAST CONVO WITH SUSAN

Ibinahagi rin ni Eddie ang huling pag-uusap nila ni Susan noong 80th birthday ng beteranang aktres noong July 28, 2021.

“Nung [last] birthday niya, tinawagan ko siya. Sabi ko, '80!'

“'Oo nga, 80 na ako,' sabi niya.

“Nag-usap kami almost an hour. Sabi niya, ‘Eddie, wala na yung mga kasama natin. Si Bobby [Romeo Vasquez], si Amalia [Fuentes], si Jose Mari [Gonzales], si Liberty [Ilagan], si Lito Legaspi. Tayo na lang dalawa...'”

“Hanggang, yun nga, birthday niya, parang all of a sudden, naging malungkot siya. Tapos nagpaalam na kami, sabi niya sa akin,’Take care.’

Continue reading below ↓

“Sabi ko, 'Ikaw rin, take care. Mahal na mahal kita, Susan.'

“'Ikaw rin,' sabi niya, 'Mahal kita,'” lumuluhang kuwento ni Eddie tungkol sa huling pag-uusap nila ni Susan.

Related Stories

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eddie Gutierrez to his favorite leading lady Susan Roces: “I miss you. You will always be a part of my life. See you in heaven, bye!”
PHOTO/S: YouTube / Video 48
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results