Daniel Padilla wants to save money before settling down with Kathryn Bernardo

by Melba R. Llanera
May 25, 2022
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, KathNiel
Daniel Padilla tells PEP.ph that he is celebrating his 10th anniversary with girlfriend Kathryn Bernardo in Thailand.
PHOTO/S: Noel Orsal / @bernardokath Instagram

Tatlo hanggang limang taon ang ibinibigay pang panahon ni Daniel Padilla, 27, para magawa muna nila ni Kathryn Bernardo, 26, ang mga dapat nilang gawin bago magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Read: Daniel Padilla says no to live-in relationship with Kathryn Bernardo: "Papakasal muna kami."

Eksaktong sampung taon na ang relasyon nina Daniel at Kathryn ngayong May 25, 2022.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa Star Magic 30 All-Star Games, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong May 22, 2022.

Dito sinabi ni Daniel na pinag-iipunan na niya ang kasal nila ni Kathryn.

Pahayag ng Kapamilya actor, "Siyempre I'm 27 years old, after three, four, five years, what's the next move? What's the plan?

"We have to go on with life, so ano ang kasunod nun?

"Abangan na lang natin. Mag-iipon lang tayo nang kaunti siyempre, ang dami pa nating gagawin."

Isa sina Daniel at Kathryn sa enduring showbiz couples na hinahangaan sa henerasyon nila ng mga kabataang artista.

Continue reading below ↓

Ano ang sikreto sa matatag nilang relasyon?

Sagot ni Daniel, "Communication, compromise, respeto, at loyalty sa isa't isa, yun ang hindi puwedeng mawala. Yun lang ang sa amin."

Noon pa man ay hilig na nina Daniel at Kathryn ang magbiyahe sa iba't ibang lugar nang magkasama.

Ngayong maluwag nang makapagbiyahe muli sa ibang bansa, sinabi ni Daniel sa PEP.ph na magbabakasyon sila ni Kathryn ngayong 10th anniversary nila.

Hindi nakadalo si Kathryn sa Star Magic All-Star Games dahil nauna na itong lumipad patungong Thailand kasama ang kaibigang si Alora Sasam.

Ani Daniel, "Si Kathryn, nandun somewhere else. Secret lang nandun na siya ngayon, pero tomorrow [May 23] susunod ako, kailangan ko lang talagang mag-represent.

"Vacation? Yeah, anniversary namin sa May 25 kaya dun kami pupunta."

Continue reading below ↓

ON FRIENDSHIP WITH JOSHUA, BADMINTON WIN

Sumali si Daniel sa men's double category ng badminton sa Star Magic All-Star Games, at todo-suporta sa kanya ang kaibigang si Joshua Garcia.

Read: Joshua Garcia clarifies real score with Ateneo Lady Eagles guard Trina Guytingco

Ayon kay Daniel, si Joshua ang isa sa mga tunay niyang kaibigan sa showbiz. Una silang nagkatrabaho sa pelikulang Barcelona: A Love Untold noong 2016.

"Sila ang mga tunay kong kaibigan, mga kadugo ko ang mga iyan. Si Cedric nandiyan, my real friends.

"Kagabi magkasama kami nun, puyat na puyat pa kami," sabi ni Daniel.

Daniel Padilla

Continue reading below ↓

Nag-champion sa men's double badminton si Daniel kapareha si Neil Coleta.

Pagkukuwento ng aktor, pinagtrabahuan talaga nila ni Neil na maibalik ang laro dahil matagal din siyang napahinga sa pagba-badminton dahil sa pandemya.

"These past two weeks, palo kami nang palo para bumalik yung kapa.

"Nung pandemic kami nag-start mag-badminton ni Kathryn kasi wala kaming sports na puwede kaming maglaro pareho.

"Pumasok kami kay Coach Kenny Asuncion, mga champions natin, di ba? Nag-training kami, may sports na kami. Dun na nagsimula yun."

Daniel Padilla, Neil Coleta

Continue reading below ↓

Ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ang isa sa nag-impluwensiya kay Daniel na maglaro ng badminton.

"Bata pa ako, kahit saan pumunta ang nanay ko, kasama ako.

"Nung bata pa ako, kalaro niya dati mga Star Olympics. Si Ermats may mga kalaro siya, minsan sumasama lang ako, nanonood ako sa kanya," sabi ni Daniel.

DANIEL ON NEW DIGITAL SERIES WITH KATHRYN

Sa kabilang banda, masaya si Daniel sa magandang feedback ng mga manonood sa comeback serye nila ni Kathryn, ang 2 Good 2 Be True na ipinapalabas sa Netflix.

Sabi naman ni Daniel, "Sobrang positive kasi nung show. Sa panahon ngayon na sobrang sakto, so I think dun nanggagaling yung kasiyahan ng tao.

"I feel very blessed after all these years ngayon kami nakapagserye. Ang mga tao natutuwa at galak na galak sa aming proyekto."

Sandali mang napahinga sa pag-arte ay naging smooth daw ang taping ng series na iyon.

Continue reading below ↓

"Lahat naman tayo basta nahinto ka nang matagal tapos isasalang, lahat tayo mangangapa.

"Pero ngayon, siyempre, nakukuha ko na rin. Mas kumportable ka na sa set," pakli niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla tells PEP.ph that he is celebrating his 10th anniversary with girlfriend Kathryn Bernardo in Thailand.
PHOTO/S: Noel Orsal / @bernardokath Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results