Liza Soberano wants to pursue career in Hollywood, says manager

by Arniel C. Serato
May 25, 2022
Liza Soberano Hollywood career
Ogie Diaz (not in photo) reveals that his talent, Liza Soberano (in photo), hopes to establish a career in Hollywood: "Ang importante ngayon kay Liza ay ang kanyang inner happiness at 'yan naman ay nakikita ko sa kanya na happy siya inside, yun ang importante.”
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Isstagram

Ibinunyag ng entertainment vlogger at talent manager na si Ogie Diaz na ang kanyang talent na si Liza Soberano ay nais bumuo ng karera sa Hollywood.

“Hindi [ko] maidetalye pero may inaasikaso si Liza sa U.S.

"Kung anuman ang inasikaso, hayaan natin si Liza ang mag-announce kasi 'yon yung gustong gawin ni Liza,e. 'Yon yung gusto niya, noon pa niya pangarap.

“'Yan yung gustong gawin niya so hayaan natin siyang mag-announce,” sabi ni Ogie sakanyang "Ogie Diaz Showbiz Update" vlog.

Tila nadulas si Ogie sa isang bahagi ng kanyang vlog at nasabi niyang may “proyekto” si Liza doon.

Pinabulaanan naman niyang may kakaiba sa mga sighting ng alaga kasama si James Reid.

Namataan sina Liza at James sa isang music event at sa first annual Gold Gala sa Los Angeles nito lamang Sabado, May 21, 2022 (U.S. time).

Read: Liza Soberano spotted with James Reid at Gold Gala in Los Angeles

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Kung ano man yung proyekto... ay, kung ano man 'yang bagay na 'yan, hayaan natin si Liza.

“Marami sila doon, buong magkakabarkada. Madami sila, sa side ni Liza, kapatid niya.”

Ngayong Miyerkules, May 25, sa bagong vlog ni Ogie, diretso na niyang sinabi na pangarap ni Liza na bumuo ng karera sa Hollywood.

Saad niya, “Ang alam ko talaga, yun nga, iba na ang career na tatahakin ni Liza.

"May career pa rin siya rito, pero gusto niyang magkaroon din ng opportunity sa Hollywood.

"Ang importante ngayon kay Liza ay ang kanyang inner happiness at 'yan naman ay nakikita ko sa kanya na happy siya inside, yun ang importante.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (not in photo) reveals that his talent, Liza Soberano (in photo), hopes to establish a career in Hollywood: "Ang importante ngayon kay Liza ay ang kanyang inner happiness at 'yan naman ay nakikita ko sa kanya na happy siya inside, yun ang importante.”
PHOTO/S: Courtesy: @lizasoberano on Isstagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results