Donita Rose reveals how she got convinced to date Felson Palad despite 10-year age gap

by Rachelle Siazon
May 25, 2022
Donita Rose, Felson Palad
Donita Rose on boyfriend Felson Palad: "I'm really enjoying this person. I like everything about him. Sasabihin ko sana 'I love everything about him,' pero magpapakipot ako."
PHOTO/S: @dashofdonita Instagram / PEP Spotlight

Hindi lubos akalain ni Donita Rose, 47, na makakarelasyon niya si Felson Palad, 37, na mas bata sa kanya ng sampung taon.

"She was very detailed about her prayer she missed one thing—the age," pabirong hirit ni Felson hinggil sa mga katangiang hinahanap ni Donita sa isang karelasyon.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahan sa PEP Spotlight na umere nitong May 2022.

Pareho silang nakabase sa Los Angeles kunsaan si Donita ay isang celebrity chef, habang si Felson ay nagtatrabaho bilang professional singer-songwriter.

Bago nangyari ang first chance encounter nila sa personal ay napanood ni Donita si Felson sa isang YouTube interview ng kanilang common friend sa Los Angeles.

Kinukuha si Donita ng YouTuber na maging guest sa online show nito, kaya pinakita sa kanya ang sample episode kunsaan nakapanayam nito si Felson.

Hindi pa sila magkakilala noon.

"Si Felson ang ipinakita. Nag-pray ako kay Lord, 'Lord, ganyan ang gusto ko.' That was October last year.

Continue reading below ↓

"Hindi ko naman sinabi siya mismo, pero sabi ko, 'Ganyan Lord gusto ko, kitang-kita yung passion niya for the Lord. He really loves the Lord.'"

Hanggang sa hindi inaasahang nagkakilala sila noong January 2022.

READ: Donita Rose, boyfriend Felson Palad open up about how they met in Los Angeles

Ang ikinagulat ni Donita, sa unang beses na niyaya siya ni Felson na mag-date ay naghayag na ito ng intensiyong suyuin siya.

"Alam niyo ba na the first date, he picked me up and then he dropped me at the house at the end?

"'Tapos sabi niya, 'Can I ask you out on a date?' Sabi ko, 'Bakit, ilang taon ka na ba? Teka, parang di ako maka-get over sa age gap natin,'" kuwento ni Donita.

Natatawang humirit pa si Donita na ayaw raw kasi niyang masabihan siyang "cougar."

Pero naglakas-loob pa rin si Felson na ayaing lumabas si Donita kahit bilang magkaibigan.

Continue reading below ↓

"Sabi niya, 'Minsan labas tayo, once a week, mag-beach tayo. Magdala ako ng gitara, mag-worship tayo, mag-picnic. Magdala ako ng mga kaibigan kung gusto mo para di tayo mag-isa.'

"Sabi niya, 'Single ka naman, di ba? Tsaka pareho naman tayong believers.' Sa isip ko, 'May tama itong tao na ito.'"

Nangingiting sang-ayon ni Felson, "May tama talaga."

FELSON LAYS OUT HIS INTENTIONS TO DONITA

Kuwento pa ni Donita sa PEP.ph, naisip niyang baka maging hadlang ang age gap nila ni Felson pagdating sa pag-handle ng conflicts pati na sa direksiyon sa buhay.

Hindi rin naman kaila kay Felson ang painful breakup na pinagdaanan ni Donita sa ex-husband na si Eric Villarama. Na-finalize ang divorce nina Donita at Eric noong 2016.

Pero sa kabila noon, bukas si Donita na magmahal muli at napatunayan niya ang sinseridad ni Felson.

"Sabi niya, 'I want you to know na I'm not messing around. Ayaw kitang takutin pero, kung maaari, may balak ako pakasalan ka.'

Continue reading below ↓

"This is our first real meet-up. At first, my heart was beating fast.

"Paano ako magre-react dito? Ano ito, parang panaginip lang? Is this a line? Is he being serious?' Those were going through my mind.

"Pero in hindsight, I'm glad that he said that because if he didn't say that, di ko siya papansinin.

"Kasi ang age gap namin, he's young, he deserves somebody who's gonna enjoy life with him as a... You know, masyado na akong maraming pinagdanaan.

"Baka masyado ako seryoso sa buhay for his age. So I was thinking, I wouldn't have entertained that thought if he didn't say that before."

Mas bata man kay Donita ng sampung taon, siniguro ni Felson na seryoso siya pagdating sa pakikipagrelasyon at malaki ang respeto niya sa babae.

Lahad ni Felson: "Thirty-seven years old na ako. Mga tao sa Pilipinas, pag treinta ka na, binibigyan ka ng timeline. Sa babae sasabihin, 'Di ka na mabubuntis.' Sa lalaki naman pag lampas treinta ka na [at wala kang asawa], 'Bakla ka, 'no?'

Continue reading below ↓

"Pero ang story sa akin, I've raised my sisters. I really waited. I prayed to the Lord. I don't want to mess things up. Ayoko na rin mag-fool around.

"'Tsaka unang-una, kilala ko na ang Panginoon, ba't pa ako magloloko ng tao?"

Naniniwala rin si Felson na malaking bagay na ipinagdasal niya ang pagnanais makilala si Donita pagkatapos ng una nilang chance encounter.

Lahad niya: "Yung three days na di ko nare-receive messages niya, it was divine intervention na the Lord wanted me to pray for her first before anything else.

"And ganoon ang buhay-Kristiyano sa amin. We live by faith. We start everything in prayer even in the tiniest thing ng buhay natin, and that includes our romantic life situations."

Si Felson ay isang professional singer-songwriter na aktibo rin sa pagiging worship leader bilang Christian believer.

Bago napunta sa U.S. ay naging worship leader siya sa isang Christian community sa Israel.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng binata: "I think I said yes first to the Lord more than anyone else. I asked first. Those three days were very, very important, asking the Lord for a lady like her.

"If there's anything I can share to the viewers, I do have the intention to marry her, pero hindi pa natin alam kung kailan iyon.

"Siyempre naman yun ang goal ng bawat relationship.

"What is your intention para makipagrelasyon? Is it just for sex? Is it just for you to be happy?

"I think when you get married, sex is there. Minsan nga happiness di pa nakukuha. Pero maganda pa rin na it's based by faith."

Continue reading below ↓

DONITA FINALLY FALLS IN LOVE WITH FELSON

Nagswak ang mga katangian nina Donita at Felson dahil maging ang aktres ay lumaki na Christian believer.

Tinuruan daw siya ng kanyang ama na magbasa ng Bibliya mula bata hanggang paglaki, liban pa sa dalawang taon siyang nag-Bible school noong siya ay adult na.

Matamis ang ngiting sabi ni Donita tungkol kay Felson: "I was so blown away by his transparency and just the story of his life. Humanga ako sa kanya.

"And to know we share the same faith, di na ako mag-struggle doing life and doing faith together.

"I think it's nice to have somebody who will encourage you and you can encourage that person as well.

"Sobrang happy ako na sinagot ni Lord lahat ng requests ko sa kanya sa pamamagitan ni FPJ." FPJ ang initials ni Felson na ang buong pangalan ay Felson Palad Jr.

Dagdag pa rito ay nabighani si Donita sa sense of humor ni Felson at kung paano nito napapagaan ang buhay.

Continue reading below ↓

Panay ang biruan ng dalawa, at halata sa awra nilang masaya sila sa piling ng isa't isa.

"Alam mo ba, bago mag-start ito, napagod ako sa kakatawa. Kasi seryoso ako, sabi ko, 'Mahal, kung balang araw kunwari may away tayo, will we be able to handle conflicts well? Kasi at the end of the day...'"

Sumingit daw si Nelson at pabirong dinugtungan ang sinasabi ni Donita, "It's 12 a.m."

Ani Donita, "Seryoso ang usapan, ha? First time ko naman narinig yung joke na iyon. Ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa.

"I'm really enjoying this person. I like everything about him. Sasabihin ko sana 'I love everything about him,' pero magpapakipot ako."

Natawa na lang din sila pareho sa pagiging in love nila sa isa't isa. Sa huli ay humiling ang couple na ipagdasal din sila ng supporters nila na magtuluy-tuloy ang maganda nilang relasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donita Rose on boyfriend Felson Palad: "I'm really enjoying this person. I like everything about him. Sasabihin ko sana 'I love everything about him,' pero magpapakipot ako."
PHOTO/S: @dashofdonita Instagram / PEP Spotlight
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results