Senator Grace Poe-Llamanzares, binanggit ang litanya noon ni Susan Roces kay GMA
May 26, 2022

Sa eulogy ni Senadora Grace Poe-Llamanzares sa huling gabi ng burol para sa mga labi ng kanyang inang si Susan Roces, kabilang sa naibahagi niya ay ang mga naging litanya noon ng Reyna ng Pelikulang Pilipino kay GMA o Gloria Macapagal-Arroyo.

Matatandaang noong 2005 ay lumitaw ang sinasabing "Hello Garci" tapes kunsaan maririnig ang tinig ng noo'y tumatakbo pa lang sa pagka-presidente na si Macapagal-Arroyo.

Kausap noon ni Macapagal-Arroyo ang dating Comelec commissioner na si Virgilio Garcillano.

Ayon sa mga kritiko ni GMA, lumalabas na sa pakikipag-usap nito kay Garcillano ay dinaya nito ang kalaban noon sa pagka-presidente ng bansa na si FPJ o Fernando Poe, Jr., ang yumaong mister ni Susan.

Si FPJ ay tumakbo sa pagka-presidente nung 2004, ngunit ilang buwan matapos ang eleksyon ay pumanaw ito dahil sa stroke.

Nang hindi na makontrol ng administrasyon ng nanalong si Macapagal-Arroyo ang paglitaw ng "Hello Garci" tapes, nag-issue ito ng public apology kunsaan inamin nitong nakipag-usap nga siya noon kay Garcillano, ngunit itinangging nandaya siya sa eleksyon.

Hindi naman tinanggap ni Susan ang paghingi ng paumanhin ni GMA at doon niya sinabi ang linyang "Ang singungaling ay kapatid ng magnanakaw!"

Sabi pa noon ni Susan, "Hindi ko matatanggap ang iyong sorry. The gravest thing that you have done is you have stolen the presidency. Not once. But twice."

Kalaunan ay naabsuwelto sa kasong electoral sabotage at plunder si Macapagal-Arroyo.

Panoorin ang bahaging ito ng limang oras na Facebook Live ng misa at tribute sa huling gabi ng burol ni Susan Roces kunsaan ikinuwento rin ni Sen. Grace ang pagiging masayahin at matapang ng kanyang ina.

Inilahad din niya ang mga aral na natutunan niya mula rito.

HOT STORIES

#SusanRoces #GracePoe

Video: Grace Poe Facebook Live
Click here for the complete Facebook Live: https://www.facebook.com/sengracepoe/videos/699544861283839
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results