Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces

by Jojo Gabinete
May 26, 2022
grace poe eulogy for susan roces
Senator Grace Poe on late mom Susan Roces: "She’s really hilarious. She told me once, 'Lahat tayo may itinatagong kalandian. Huwag lang tayong magpapahalata at lalung-lalo nang huwag tayong magpapahuli.’ She really had a great sense of humor. Very sarcastic but very witty."
PHOTO/S: Grace Poe Facebook / YouTube

Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces sa Manila North Cemetery ngayong Huwebes ng umaga, May 26, 2022.

Ito ay pagkatapos idaos ang isang banal na misa, 9:30 a.m., sa The Chapels ng Heritage Park sa Taguig City.

Read: Susan Roces, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong May 26

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga nakiramay sa huling gabi ng burol ni Susan kahabi, May 25.

grace poe & president duterte

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang anak ni Susan na si Senator Grace Poe ay kabilang sa mga nagbigay ng parangal sa beteranang aktres kagabi.

Namayapa ang Queen of Philippine Movies, sa edad na 80, noong May 20.

Read: Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”

Naging madamdamin ang pagsasalita ni Grace dahil ilang beses siyang napaluha habang sinasariwa ang mga magagandang katangian at mga hindi makalilimutang aral sa buhay na ibinahagi sa kanya ng nanay niya.

Saad ng senadora, “Ako lang po ang kinikilala sa papeles na anak ni Susan Roces. Ako rin po ang kilala siguro ng mga tao bilang anak niya.

"Pero hindi po totoo yun. Isa lang po ako sa napakarami niyang anak at masasabi ko yun dahil napakaraming batang pinalaki niya at binigyan ng suporta.

“Pero higit sa lahat, ang talagang mga anak din niya, kasama ko, ay ang mga pinsan ko pero ngayon ay palagi naman itinuturing kong mga kapatid ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MOVING AWAY FROM THE LIMELIGHT

Kilala si Susan bilang Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Pero nang magpakasal sila ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. (FPJ), isinantabi ni Susan ang pagiging aktres para pagsilbihan ang kanyang asawa na pumanaw noong December 14, 2004.

fernando poe jr. & susan roces

Sabi ni Senator Grace, “Si FPJ is larger than life. Marami ang tumitingala sa kanya. Marami ang tumitingala kay FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero si FPJ ay FPJ dahil sa likod niya, merong isang matapang at maalagang asawa na mahal siya.

“They collaborated but she was always in the sidelights and it was FPJ who reaped the recognition and the awards.

“Siyempre, alam natin pumasok yung tatay ko sa pulitika. Ayaw na ayaw ng nanay ko noon. Sabi niya, 'Bakit pa kailangan gumawa niyan?'

“Anyway, sinuportahan siya ng nanay ko."

Patuloy ni Grace, "Pero nung namayapa siya, nung namatay si FPJ, dun nag-umpisang umusbong muli ang katauhan ng tunay na Jesusa Poe.

“Dun muling lumabas kung sino talaga siya.

"Jesusa Poe blossomed again in her career, in television, and that was another outlet for her to be able to express herself because she was really distraught when my father died.

"Pero at least, dahil sa trabaho, nagkaroon siya muli ng pagkakataon na maibigay o mailabas… she can express herself once more."

THE BRAVERY OF SUSAN ROCES

Hindi nakaligtaan ni Senator Grace na banggitin sa eulogy niya ang katapangan na ipinamalas ng kanyang ina at ang mga makapangyarihang salita na binitawan nito laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) noong June 2005, anim na buwan makalipas ang pagpanaw ni FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si GMA ang mahigpit na nakalaban ni FPJ sa presidential elections noong 2004, kung saan ang idineklarang nanalo ay si Arroyo.

Ayon kay Senator Grace, “Nakita ng mga tao na si Susan Roces pala, hindi lamang maganda, hindi lamang magaling umarte, ang tapang pala niyan.

“So, dun lumabas yung mga salita katulad ng ‘Hindi ko tinatanggap ang iyong sorry,' 'not once but twice,' 'ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw!’

“At nung sinasabi na 'sa sinasabi mo ba na dapat ay mag-resign, umalis sa puwesto…' basta they were trying to frame her, and she said, ‘Ikaw ang nagsabi niyan. Hindi ako.’

“She was quite feisty, acerbic in her words sometimes.”

susan roces not once but twice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORDS OF WISDOM FROM THE QUEEN

Ang mga sumusunod ang mga kuwento tungkol kay Susan at words of wisdom nito na nagmarka sa isip ni Senator Grace:

“Sometimes I would call her and I was so frustrated. And my mom would always say, ‘Anak, mga responsableng tao ang nangungunsumi. In short, if you care and you’re responsible, you’re the one that really gets worried, you’re the one that’s affected.’

“When I was also complaining that there were some that were criticizing me and attacking me, my mom said, ‘Anak, mahirap mawalan ng kaaway. Mas okay na may kaaway ka para palagi mong binabantayan ang ginagawa mo, tinatapangan mo ang loob mo at ginagawa mong mas mabuti ang sarili mo para tama ka at hindi sila.’

“She’s really hilarious. She told me once, 'Lahat tayo may itinatagong kalandian. Huwag lang tayong magpapahalata at lalung-lalo nang huwag tayong magpapahuli.’ She really had a great sense of humor. Very sarcastic but very witty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumaki siya sa hirap at hindi niya kinalimutan. Sabi niya, ‘Anak, kaya malapit kami sa tao , t lalung-lalo na ang tatay mo, dahil hindi namin kinalimutan kung papaano maging mahirap.’

“'Huwag kang matakot kapag ikaw ay tama at naniniwala ka sa ginagawa mo, mas madali kung kakampi mo ang katotohanan.'

"Pero gayunpaman, sa lahat ng ‘yan, ang sinasabi niya sa akin kapag may mga isyu, 'Anak, huwag ka nang makialam diyan. Delikado ‘yan.’

“Ang sinasabi niya, ‘Ayokong magkaroon ng anak na bayani. I don’t want my child to be a hero dahil ang mga bayani, bantayog na lang at mga estatwa.

"‘Tingnan mo si Ronnie, gusto niyang makatulong, anong nangyari sa kanya? Kaya ikaw, mas gusto kong buhay ka at nandito.’"

Pagpapapatuloy ni Senator Grace, “Ngayong gabi, Ma, ang masasabi ko lang, ikaw ang bayani namin dahil sa hirap at ginhawa, talagang itinaguyod mo ang aming pamilya. Hindi naging madali.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUSAN'S LAST MOMENTS

Ibinahagi rin ni Senator Grace ang mga huling sandali sa buhay ni Susan, na inayos o iniligpit ang kanyang mga gamit sa kuwarto dahil tila alam niyang magpapaalam na siya.

Lahad niya, “Nung kinuha namin yung damit niya para ngayon, nakaligpit na yung mga gamit niya sa kuwarto.

"Sa tingin ko, nung medyo nakakatayo pa siya, inayos na niya lahat.

“Basta napansin ko, sa tingin ko, handang-handa na po yung nanay ko, pero handa siya sapagkat marami na siyang natulungan.

“Noong malapit na siyang mamayapa, hindi pa naman namin alam din, pero kinausap ko siya.

“Sabi ko, 'Mom, can you please see the doctor or go to the hospital and see the doctor? If not for yourself, at least for us, especially Joseph and Jeffrey who’ve been so worried and caring for you.'

“Ang sabi niya, 'I’ve been putting the feelings of other people before my own ever since. I’m already 80 years old, I’m ready. This time, I would think of me.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I really think she deserves that. So, Mom, for now, I’ll say goodbye.

"I will just say that, in my heart, you will be the woman that I most admire and you will be the woman that I’m most scared of.”

Related Stories

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Grace Poe on late mom Susan Roces: "She’s really hilarious. She told me once, 'Lahat tayo may itinatagong kalandian. Huwag lang tayong magpapahalata at lalung-lalo nang huwag tayong magpapahuli.’ She really had a great sense of humor. Very sarcastic but very witty."
PHOTO/S: Grace Poe Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results