Watch Now

Darren Espanto on Cassy Legaspi: "We don't rush into anything."

by Melba R. Llanera
May 26, 2022
Darren Espanto, Cassy Legaspi
Darren Espanto on Cassy Legaspi's parents: "Tito Zoren and Tita Carmina are always very welcoming whenever I visit their house. Very chill, super po."
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram

Sa kabila ng sweetness nila sa social media, nilinaw ni Darren Espanto na malapit na magkaibigan lamang sila ni Cassy Legaspi.

Read: Cassy Legaspi, Darren Espanto get cozy at Kapamilya singer's party

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Darren sa Star Magic All-Star Games sa Araneta Coliseum sa Quezon City, noong May 22, 2022.

"Cassy and I are very good friends. We' re just enjoying each other's company talaga. We don't rush into anything.

"We don't get to see each other much dahil sa work, sa taping, and stuff. Pag free siya, ako naman may trabaho.

"We're both busy, bumabalik na rin kasi ang live events. But now we're friends and we're happy to able to see each other sometimes," saad ni Darren.

Hindi naman itinanggi ni Darren na napakaespesyal ng Kapuso actress para sa kanya.

"She's one of my best friends, like she knows everything. Isa siya sa mga taong wala akong hindrance, walang hesitations."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa Kapamilya singer, naka-focus sila ni Cassy sa kani-kanilang showbiz career at ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

"We're both career-driven, we don't rush into anything. It's not something na talagang priority namin to be in a relationship or anything."

Kung wala silang relasyon na higit sa pagiging magkaibigan, tinanong ng PEP.ph si Darren kung hindi ba siya masasaktan kung may manliligaw at may magugustuhan ng iba si Cassy.

"Of course, I would respect that siyempre. Well, of course, kailangan niya muna na dumaan sa akin kung pasado ba. May mga ganun kaming usapan," ani Darren.

Puring-puri naman ni Darren ang mga magulang nina Mavy at Cassy na sina Carmina at Zoren dahil sa magandang pakikitungo na ipinapakita ng mga ito sa kanya.

"Tito Zoren and Tita Carmina are always very welcoming whenever I visit their house. Very chill, super po," sabi ni Darren.

DARREN'S FIRST SERIES

Sa ngayon ay abala ang Kapamilya singer-actor sa musical series na malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel at iWantTFC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasama niya sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes o Blythe.

Sabi ni Darren: "Mayroon kaming musical series called Lyric and Beat coming out this year under Dreamscape and IWant TFC.

"This year din siya ipapalabas. I'm very excited 'cause it's my first series na parte ako.

"The cast is just so amazing, kasama namin sila Seth, si Blythe, so many talented artists."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto on Cassy Legaspi's parents: "Tito Zoren and Tita Carmina are always very welcoming whenever I visit their house. Very chill, super po."
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results