Watch Now

Kyle Echarri reacts to Andrea-Francine-Seth social-media issue

by Melba R. Llanera
May 26, 2022
Kyle Echarri, Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz
Kyle Echarri (left) on recent controversy involving Andrea Brillantes (lower right), Francine Diaz (upper right, long hair), and Seth Fedelin (upper right): "I'm not the type na talagang haharap ako sa kanila, 'Ano ang problema niyo?' Kasi di naman ako parte ng problemang yun. Nangangamusta lang ako sa kanila pag puwede..."
PHOTO/S: @kyleecharri / @francinesdiaz / @imsethfedelyn / @blythe

Hands-off si Kyle Echarri sa social media controversy sangkot ang kapwa Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, at Francine Diaz.

Sina Kyle, Francine, Seth, at Andrea ay miyembro ng grupong Gold Squad kung saan unang ipinareha sina Seth at Andrea o SethDrea at sina Kyle at Francine o KyCine.

Hindi kaila sa Gold Squad fans ang nangyaring sigalot sa pagitan nina Andrea at Francine kunsaan sangkot din si Seth.

Read: Seth Fedelin on issue involving Francine, Andrea: "Walang problema na di naayos."

Noong Enero 2022 naiulat ang hinampo ni Andrea nang kumalat sa social media ang litrato nang bisitahin ni Seth si Francine sa bahay ng pamilya nito.

Abril 2022 lamang nang mabigyang-linaw na naging magkasintahan pala sina Seth at Andrea bukod sa pagiging love team.

Umamin si Andrea na hindi niya maiwasang maapektuhan noon.

Ang kapatid naman ni Francine ay binigyang-linaw na kaya binisita ni Seth si Francine noong Enero ay para humingi ng paumanhin sa pagkadawit ni Francine sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parte ni Kyle, as far as he's concerned ay maayos daw silang apat sa Gold Squad.

"Siyempre you don't want negativity anywhere you go, pero hindi maiiwasan yun, e.

"But as long as at the end of the day okay kami, hindi ako makikialam."

Pati fans nina Andrea at Francine ay hindi maiwasang maglabas ng kani-kanilang saloobin dahil sa isyu sangkot ang kanilang mga idolo.

Komento ni Kyle, "Lagi ko namang sinasabi, basta okay kaming apat, okay kami.

"Kung mag-aaway ang mga fans, siyempre ayaw namin nun, pero minsan hindi maiiwasan yun.

"Basta okay kami."

Hindi pa raw nakausap ni Kyle sina Andrea, Seth, at Francine sa naging problema ng mga ito.

Aniya: "I'm not the type na talagang haharap ako sa kanila, 'Ano ang problema niyo?' Kasi hindi naman ako parte ng problemang yun.

"Nangangamusta lang ako sa kanila pag puwede, 'Kumusta na? How are you feeling? Kumusta yung ganito? Are you feeling better?' Mga ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYLE ON FRANCINE'S TEAMUP WITH SETH

Suportado naman ni Kyle ang pagtatambal nina Seth Fedelin at Francine Diaz sa upcoming series ng ABS-CBN, ang Dirty Linen.

Tiwala raw siya sa ABS-CBN management pagdating sa desisyon sa kani-kanilang showbiz career.

"Para sa akin, masaya naman ako sa kanilang dalawa. Kung sa tingin ng management na sila ang magkasama sa project, alam naman ng management what's good for us.

"Sa tingin ko naman, kayang-kaya nilang dalawa. Proud ako sa kanila, pareho ko silang kaibigan and sobrang excited ako na makita sila as working together in this project."

ON BEING SOLO FOR NOW

Hindi isyu kay Kyle ang breakup ng tambalan nila ni Francine na nabuo sa defunct Kapamilya drama series na Kadenang Ginto.

Sabi ni Kyle: "Matuto lang tayo na maging happy para sa kasiyahan ng iba. What makes them happy, what makes me happy.

"We're all just focusing on work more than anything. Nagtatrabaho lang kami. Sana po tanggapin din po niyo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Huwag kayong magalit sa amin kasi parte yun ng trabaho lang. Hindi lang kami ang nakadaan sa ganito.

"Kahit papaano nagpapasalamat kaming lahat sa inyo dahil sinusuportahan ninyo pa rin kami."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyle Echarri (left) on recent controversy involving Andrea Brillantes (lower right), Francine Diaz (upper right, long hair), and Seth Fedelin (upper right): "I'm not the type na talagang haharap ako sa kanila, 'Ano ang problema niyo?' Kasi di naman ako parte ng problemang yun. Nangangamusta lang ako sa kanila pag puwede..."
PHOTO/S: @kyleecharri / @francinesdiaz / @imsethfedelyn / @blythe
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results