Watch Now

Kyle Echarri feels he's partly to blame for Chie Filomeno's bashers

by Melba R. Llanera
May 26, 2022
Kyle Echarri, Chie Filomeno
Kyle Echarri on netizens bashing every girl that gets close to him: "Hindi lang sa PBB, it's been my whole career where every girl that I've been close to, nadamay. Nadamay sa akin, sa career ko, because of the way people look at me. That's why up to now, I'm focusing on myself not getting into a relationship, not talking to girls."
PHOTO/S: @kyleecharri / Screengrab from PBB Kumunity Season 10

Naugnay sina Kyle Echarri, 18, at Chie Filomeno, 25, nang magkasama sila bilang housemates sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Naapektuhan din nang husto si Kyle nang ma-evict si Chie noong November 2021.

Anim na buwan na ang nakalilipas at pareho nang nagbalik sa kani-kanilang trabaho sina Kyle at Chie.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Kyle na nagkaroon siya ng guilt feelings nang mawala sa Bahay ni Kuya si Chie.

"Yeah, magkaibigan naman kami. When we were in the house, the reason why we became close, I feel was we're open, we're very honest with everything inside the house, and hindi yun matanggap ng ibang tao.

"I guess we enjoy that we were able to open up to another person in that way kaya kami naging close sa loob ng bahay," saad ng 18-year-old singer-actor.

Nagpakatotoo lang daw siya sa sarili noon.

"Yun ang nagiging problema din kasi I'd like to be unapologetic on myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero pag nadadamay na kasi yung babae dahil sa akin, siyempre ayoko din yun, nahihirapan din ako.

"Also, the reason why I was so hurt when she left—and you guys saw when she left—I had a feeling kasi it was my fault.

"Alam ko kasi kung paano tinatrato ng mga tao, kahit para sa akin kaibigan ko lang talaga si Chie. Like, she was really just a friend.

"Alam ko na tinitingnan ng ibang tao na masama. Kaya ako nalungkot kasi I really had a feeling it was my fault."

Magkaibigan pa rin daw sila ni Chie, at co-stars sila sa upcoming Kapamilya series na Beach Rose, pero hindi raw sila gaanong nakakapag-usap lately.

Nakapanayam ng PEP.ph si Kyle sa Star Magic All-Star Games noong May 22, 2022.

Kuwento pa ni Kyle, hindi lang si Chie ang na-bash nang dahil sa pagiging malapit sa kanya. Lumalabas na tila territorial kay Kyle ang ilan sa masugid niyang fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "Madami akong kaibigan na babae, pero bakit ganun ang ginagawa ng ibang tao sa kanila?

"Okay lang i-bash mo ako, bash me as much as you want, pero kapag nadamay yung mga tao sa buhay ko, kaibigan ko na babae, mas dun ako nahihirapan.

"That's why, up to now, I'm focusing on myself not getting into a relationship, not talking to girls.

"Hindi lang sa PBB, it's been my whole career where every girl that I've been close to, nadamay. Nadamay sa akin, sa career ko, because of the way people look at me.

"That's why up to now, I'm focusing on myself not getting into a relationship, not talking to girls."

OPEN TO DATING A NON-SHOWBIZ GIRL?

Dahil pinipili niyang maging pribado sa kanyang personal na buhay, nangangahulugan ba itong mas gusto niya ng non-showbiz na karelasyon?

Sagot ni Kyle, "Depende naman yun, depende sa akin, depende din sa babae kung gusto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, as much as possible, ayoko, kasi alam ko ang toxicity ng mga tao ngayon.

"Kahit nga di ko dyowa yung babae, pag kasama ko sa picture na kaibigan ko, binibigyan ng kulay, binibigyan ng malice, inaaway yung babae. How much more if I have a girlfriend?

"Para sa akin, depende yun sa babae, depende din sa akin kung saan ako.

"Pero more than anything, I'd like to keep my life more private. Depende talaga yun. Mahirap talagang magsabi tungkol dun."

Ayaw rin naman daw ni Kyle na ilihim sakaling magkaroon siya ng karelasyon.

"Kasi, kahit sabihin mo na non-showbiz, minsan yung mga tao na wala sa showbiz, hindi nila alam kung ano ang ginagawa mo, kung ano ang mga pinagdadaanan mo. Kailangan mong ipakita kasi hindi nila alam."

LOW-KEY ABOUT PERSONAL LIFE

Sa huli, sinabi ni Kyle na nais niya manatiling totoo sa kanyang sarili sa kabila ng pagkakaroon ng showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "I'm trying my best. I'm doing things that I really wanted to do since dati pa.

"I just want to be myself, enjoy my work, enjoy who I am as a person.

"Hindi naman talaga kailangang sabihin sa lahat kung sino ang dyowa ko, kung sino ang kinakausap ko. Wala akong pinapatamaan, kung sa inyo yun, okay sa akin.

"Ako kasi, hindi ako ganun na tao, pero honest akong tao. Wala akong kinakausap ngayon."

Nagpapasalamat naman si Kyle dahil nae-enjoy niya ang barkadang Nguya Squad kasama sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Ria Atayde, at iba pang Kapamilya stars.

"I have a lot of friends, but I have a very close circle now. I have a smaller circle talaga and those people that I found since PBB and all that.

"Sila DJ [palayaw ni Daniel], sila Kath, Josh, especially si Ria.

"Ria is my bestest friend right now in the planet... They are my group now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, tutok ang atensiyon ni Kyle sa tatlong proyektong nakalinya para sa kanya ngayong 2022.

Aniya, "I am focusing on acting, may tatlong projects ako na gagawin this year na sobra akong excited na ipakita sa public.

"Hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano ang mga projects na yun, abangan ninyo na lang."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyle Echarri on netizens bashing every girl that gets close to him: "Hindi lang sa PBB, it's been my whole career where every girl that I've been close to, nadamay. Nadamay sa akin, sa career ko, because of the way people look at me. That's why up to now, I'm focusing on myself not getting into a relationship, not talking to girls."
PHOTO/S: @kyleecharri / Screengrab from PBB Kumunity Season 10
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results