Watch Now

Did Zeinab Harake confront a TikToker in a bar because of ex-partner Skusta Clee?

by Rachelle Siazon
May 28, 2022
Zeinab Harake, Aira Lipata
Netizens have been speculating that Zeinab Harake (left) confronted TikToker Aira Lipata (right) that allegedly led to a commotion in a QC bar last weekend.
PHOTO/S: @zeinab_harake / @chiefaira Instagram

Usap-usapan sa social media na nasangkot diumano si Zeinab Harake sa mainit na komosyon sa isang bar sa Quezon City noong nakaraang weekend.

Si Zeinab ay kilalang YouTuber na may 12.5M followers.

Read: Zeinab Harake unfollows partner Skusta Clee on IG; tweets, "Help me out of this hell."

Read: Skusta Clee speaks up about realization after breakup with Zeinab Harake

Kumalat sa YouTube, Facebook, at TikTok ang ilang litrato ng isang babaeng may kausap na pulis sa labas ng bar.

Nakasuot ang babae ng face mask, black cap, long-sleeved top, at black pants.

Ayon sa netizens ay natukoy na si Zeinab iyon.

Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang litrato ang babae na kausap ang isang lalaki na nakasuot ng pants at polo.

Zeinab Harake

Narito ang isa pang litrato na kuha sa tapat ng bar na matatagpuan sa Tomas Morato, Quezon City:

Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung ano ang eksaktong detalye kung bakit may kausap na pulis ang babaeng hinihinalang si Zeinab.

Pero base sa usapan ng netizens, may kinompronta umanong babae si Zeinab sa naturang bar.

Mabilis na natunton ng netizens ang sinasabing nakaengkuwentro umano ni Zeinab, at kinilala itong si Aira Lipata na isang TikToker na may 1.7M followers.

Kasabay nito ang espekulasyon kung may kinalaman ba si Aira sa hiwalayan ni Zeinab at dating live-in partner na si Skusta Clee.

Aira Lipata, Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIRA LIPATA SAYS NO TO FAKE NEWS

Sa TikTok post ni Aira few days ago, nag-post siya ng dance video at sa comments thread at may mensahe siyang tila pahiwatig sa inuugnay sa kanyang kontrobersiya.

"Wag maniniwala sa fake news," saad ni Aira.

Aira Lipata, Zeinab Harake

Aira Lipata

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagtanong pa kay Aira kung totoo ang bali-balitang may pisikalan umanong naganap sa pagitan nila ni Zeinab.

Hindi tuwirang sinagot ni Aira ang isyu.

Sabi lang ni Aira, "Basta hindi ako yung 40k na sinabi niyo."

Sinasabing ang nabanggit na "40k" ay may kinalaman sa hiwalay na isyu sangkot si Skusta at ibang di kilalang babaeng nauugnay umano rito.

Aira Lipata, Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VALENTINE ROSALES DEFENDS AIRA

Nagpakilala naman si Valentine Rosales na kaibigan si Aira Lipata base sa kanyang Facebook post noong May 26.

Si Valentine ay nakilala bilang isa sa Top 5 Boys sa Christine Dacera case.

"Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan!

"Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club.

"Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko," saad sa post ni Valentine.

Sa kabilang banda, may netizens ang nagsasabing hindi totoo ang alegasyong may pinisikal si Zeinab sa bar.

Pero tila wala pang diretsahang pahayag si Zeinab kung may katotohanan ba ang bar incident na inuugnay sa kanya.

Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag sina Zeinab at Aira hinggil sa isyu, pero wala pa silang sagot habang isinusulat ang artikulong ito.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit dito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens have been speculating that Zeinab Harake (left) confronted TikToker Aira Lipata (right) that allegedly led to a commotion in a QC bar last weekend.
PHOTO/S: @zeinab_harake / @chiefaira Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results