Chill lang si Alex Gonzaga sa kanyang sagot sa basher na tila pinagtawanan pa ang pagkalaglag ng kanyang ipinagbubuntis noong October 2021.
Kahapon, May 29, 2022, muling binuhay ng isang basher ang lumang tweet ni Alex noong ibinalita niya at ng asawang si Mikee Morada sa publiko ang miscarriage ng TV host-actress.
Kalakip nito ang larawan ni Alex na umiiyak, ang pregnancy test, ang paghalik ni Mikee sa kanyang tiyan, at ang post ng Lunch Out Loud host tungkol sa kanyang miscarriage.
Read: Alex Gonzaga reveals miscarriage: "We finally closed the book of our first pregnancy."
Ni-retweet ito ng isang basher kasama ang pang-uuyam na mensahe: “aww nalaglag”
Nakaabot ito kay Alex at kanya na ring pinatulan ang basher.
Sa kanyang caption, sinabi ni Alex na tanggap na nila ni Mikee ang pangyayari at naka-move on na sila rito.
Ibinahagi raw niya ang kanyang karanasan upang makatulong sa ibang may kaparehong napagdaanan niya.
Alam din daw ni Alex na ito ang piniling i-retweet ng basher dahil alam nitong masasaktan siya.
Biro pa niya, patuloy pa rin daw silang gumagawa ng kaparaanan ng asawa upang makabuo ulit.
Buong mensahe ni Alex: “Ah eh.. Marunong kasi kami tumanggap at magmove on mag-asawa kaya nga nashare na rin sa public para makahelp din sa iba.
"But gets kung san mo tingin 'mahuhurt' ako suportahan taka.
"At masarap ang gumawa ng gumawa kaya teka gagawa ulit kami wait”
Ibinahagi ni Alex sa kanyang Facebook followers ang screenshot ng kanyang tweet.
Pabiro niyang caption: “Happy sunday netizens! Gawa lang ng gawa ang mahalaga natanggap at marunong magmove on. Pracitice makes perfect diba”
Pati sa kanyang Instagram Stories ay in-upload din ito ni Alex.
Saad niya sa caption: “Acceptance and MOVE ON lang tayo mga siss.”
Binura na ng basher ang kanyang hindi magandang tweet tungkol kay Alex.
Noong October 2021, sinabi ni Alex na hindi natuloy ang kanyang ipinagbubuntis dahil sa anembryonic pregnancy (blighted ovum).
Ang blighted ovum o anembryonic pregnancy ay isang kundisyon kung saan ang fertilized egg ay naka-attach sa uterine wall ngunit hindi nag-develop ang embryo nito.