Watch Now

Zeinab Harake's friends react to Valentine Rosales defending alleged other woman of Skusta Clee

by Rachelle Siazon
May 30, 2022
Zeinab Harake, Aira Lipata, Melissa Enriquez, Skusta Clee, Awra Briguela, Valentine Rosales
Melissa Enriquez (in fuchsia halter dress) and Awra Briguela (in denim top) clap back at Valentine Rosales (white shirt and cap, lower row), who defended Aira Lipata (red bikini top) in the controversy involving ex-partners Zeinab Harake (floral bikini top) and Skusta Clee (wearing shades)
PHOTO/S: @zeinab_harake / @extraordinaryl / @chiefaira / @itsmelissaenriquez / @awrabriguela / @valentinersls @ Instagram

Umalma ang mga kaibigan ni Zeinab Harake na sina Melissa Enriquez at Awra Briguela sa anila'y pakikisawsaw ni Valentine Rosales sa bar incident sangkot sina Zeinab at Aira Lipata.

Read: Valentine Rosales defends Aira Lipata in bar incident involving Zeinab Harake; claims Aira is not Skusta Clee's other woman

Si Aira ang TikToker na diumano'y kinumpronta ni Zeinab sa bar sa Tomas Morato, Quezon City isang linggo ang nakararaan.

Hinala ng netizens, si Aira ang itinuturong third party sa hiwalayan ng dating live-in partners na sina Zeinab at Skusta Clee.

Read: Did Zeinab Harake confront a TikToker in a bar because of ex-partner Skusta Clee?

Si Skusta ay rapper at miyembro ng ex-Battalion, habang si Zeinab ay kilalang YouTuber.

Si Melissa ay YouTuber, at artista naman si Awra.

Noong May 26, 2022, nagsalita si Valentine sa isyung sinipa diumano ni Zeinab si Aira.

Facebook post ni Valentine: "Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko."

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph noong May 27, 2022, hindi kinumpirma ni Valentine kung totoong sinipa ba ni Aira si Zeinab.

Posible raw na sa gitna ng komosyon sa bar at nang inaawat si Zeinab ay saka nasipa si Aira.

Aminado si Valentine na wala siya nang mangyari ang insidente, pero ang tanging siniguro niya ay si Zeinab umano ang kumumpronta kay Aira gayong hindi raw magkakilala ang mga ito.

Napag-alaman daw niya iyon sa common friends nila ni Aira na saksi sa insidente.

Sinabi rin ni Valentine na sa pagkakaalam niya ay walang katotohanan ang alegasyong third party si Aira sa hiwalayan ni Zeinab at former live-in partner nitong si Skusta Clee.

Ani Valentine sa PEP.ph, magkaibigan lang umano sina Skusta at Aira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MELISSA ENRIQUEZ AND AWRA BRIGUELA'S STATEMENTS

Nakarating ito sa mga kaibigan ni Zeinab, kabilang sina Melissa Enriquez at Awra Briguela.

Tahasang sinabi ni Melissa na huwag na raw makialam si Valentine sa isyu ni Zeinab.

Tirada ni Melissa (published as is): "VALENTINE ROSALES TAMA KA NA KAKASAWSAW BAKLA!!

"ULTIMO MGA KASAMA MO SA ISSUE NYO SINUSUKA KA.

"HINDI KA NILA KAIBIGAN TAPOS PINAPAKINABANGAN MO YUNG ISSUE. KADIRI KA!"

Melissa Enriquez defends Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base ito sa Facebook post ni Melissa noong May 26.

Sa hiwalay na tweet ni Awra, may hinihinalang patama rin siya kay Valentine.

Tweet ni Awra (published as is): "may mga paepal na nakikisali sa issue para simikat. clout chaser yarn?"

Wala mang binanggit na pangalan si Awra ay mapapansin sa comments section na tingin ng netizens ay para kay Valentine iyon.

Awra Briguela

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May tweet din kasi si Melissa tungkol sa di papayag ang mga kaibigan ni Zeinab na hindi ito ipagtanggol, at naka-tag doon si Awra.

WHAT MELISSA TOLD PEP.PH

Ngayong Lunes, May 30, 2022, tinanong ng PEP.ph si Melissa kung ano ang nalalaman niya sa bar incident na kinasangkutan nina Zeinab at Aira.

Umiwas si Melissa na magbigay ng impormasyon ukol dito, pati na sa alegasyong pag-uugnay kina Aira at Skusta.

Aniya, "Ewan ko po ba jan kay Aira...

"Ang masasabe ko lang po is napaka-famewhore ni Valentine. Ang hilig niya makisawsaw sa mga issue para sumikat.

"Nagpapa-interview siya about issues na una sa lahat ay hindi naman siya kasali.

"PAPANSIN siya! Mag-social media detox muna siya."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melissa Enriquez (in fuchsia halter dress) and Awra Briguela (in denim top) clap back at Valentine Rosales (white shirt and cap, lower row), who defended Aira Lipata (red bikini top) in the controversy involving ex-partners Zeinab Harake (floral bikini top) and Skusta Clee (wearing shades)
PHOTO/S: @zeinab_harake / @extraordinaryl / @chiefaira / @itsmelissaenriquez / @awrabriguela / @valentinersls @ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results