Watch Now

Diego Loyzaga denies relationship with Franki Russell: “I just want to be single for now.”

by Bernie V. Franco
May 31, 2022
diego loyzaga franki russell
Despite the photos that circulated on social media that showed Diego Loyzaga and Franki Russell being very close, the actor denies he and Franki are an item.
PHOTO/S: Instagram

Mariing itinanggi ni Diego Loyzaga na may namamagitan sa kanila ng former Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell.

Ito ay sa kabila ng pagkalat ng sweet photos at videos nila sa social media kamakailan.

“Franki and I are not a thing,” pagtanggi ni Diego sa column ng entertainment columnist na si Dolly Ann Carvajal nitong Sabado, May 28, 2022.

“I just want to be single for now,” giit ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Gayunpaman, higit isang linggo na ang nakalilipas, hindi nakalusot sa mga mapagmasid na netizens ang mga kumalat na larawan ng dalawa.

Kita sa larawan ang sweet moments nina Diego at Franki sa magkakaibang pagkakataon, gaya ng nasa resort.

May mga larawan silang magkaakbay at magkalapit ang mga mukha.

diego loyzaga franki russell

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumalat din ang screenshot ng larawan nilang halos magkadikit na ang mukha habang nasa elevator.

Mas lalo pang naintriga ang netizens nang burahin agad ni Franki ang birthday greeting niya kay Diego sa Instagram Story.

diego loyzaga franki russell

Gayunpaman, tikom pa rin ang bibig ni Franki kaugnay ng isyu.

DIEGO'S SISTERS ON FRANKI

Samantala, noong nakaraang linggo ay inusisa sa isang presscon ang half-sisters ni Diego tungkol sa pagkakaugnay ng kanilang kuya kay Franki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Diego ay malapit sa mga anak nina Sunshine at Cesar na sina Angelina, Samantha, at Franchesca.

“We always hope for the best for him,” ani Samantha.

“As long as he’s happy,” sundot ni Angelina.

“We have to know the girl muna,” dagdag ni Samantha, na sinang-ayunan nina Angelina at Franchesca.

Nang usisahin sila tungkol kay Franki, sagot ni Samantha, “We haven’t met her yet, but we don’t know…”

Tinanong si Angelina kung natanong na nila ang kanilang kuya tungkol kay Franki.

“We don’t know about [it],” sagot niya na natatawang umiwas.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite the photos that circulated on social media that showed Diego Loyzaga and Franki Russell being very close, the actor denies he and Franki are an item.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results