Watch Now

Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

by Arniel C. Serato
May 31, 2022
Jason Hernandez, Moira dela Torre announce breakup
Jason Herandez apologizes to wife Moira dela Torre for being unfaithful to her during their marriage: "From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi."
PHOTO/S: Courtesy: @jasonmarvinph on Instagram

Inamin ng mang-aawit na si Jason Hernandez na hiwalay na sila ng asawang singer din na si Moira dela Torre.

Sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, at Instagram ngayong Martes ng gabi, May 31, 2022, ibinahagi ni Jason ang isang short note na nagsasabing napagdesisyunan nilang mag-asawa na maghiwalay na ng landas.

Nakasaad dito: "It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request privacy during this difficult time.

"Jason & Moira."

Isang madamdaming caption naman ang isinulat dito ni Jason. Ito raw ang pinakamahirap na note na kanyang isinulat.

Inamin daw niya mismo sa asawang hindi siya naging tapat dito sa loob ng kanilang pagsasama.

Saad ni Jason, "This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her.

"Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

"I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a 'peaceful' but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

"From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kainitan ng kampanya para sa 2022 national and local elections nitong nakaraang Abril, kumalat ang usap-usapang hiwalayan na diumano sina Moira at Jason.

Ayon pa sa ilang fans, binura rin daw ni Moira ang kanilang TikTok videos, at tinanggal niya diumano sa Facebook ang "Hernandez" sa kanyang surname.

Ngunit pinabulaanan ito ni Jason.

Read: Jason Hernandez denies breakup rumor with wife Moira dela Torre

January 14, 2019 nang ikinasal sina Moira at Jason sa isang garden wedding sa Tagaytay.

Sa panayam sa morning show na Magandang Buhay ng ABS-CBN bago ang kanilang garden wedding, ibinunyag nina Moira at Jason na nagpakasal na rin sila sa isang civil ceremony noong January 8, 2019.

Pero nireserba raw nila ang kanilang first kiss sa actual wedding.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Herandez apologizes to wife Moira dela Torre for being unfaithful to her during their marriage: "From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi."
PHOTO/S: Courtesy: @jasonmarvinph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results