Watch Now

Bobet Vidanes no ill will with It's Showtime hosts: "Wala naman akong kaaway na artists."

by Melba R. Llanera
Jun 1, 2022
Bobet Vidanes
Director Bobet Vidanes on trying his hand at talent management: "Tama ang desisyon ko—after all ng pinagdasal ko, pinag-isipan kong mabuti. Tama yung hakbang na aking ginawa for my peace of mind. But I'm still hungry dun sa mga taong nangangarap. Yun talaga siguro ang forte ko—yung tumulong sa mga nangangarap."
PHOTO/S: Melba Llanera

Bukod sa pagiging isang direktor at creative consulant ng mga sikat na noontime shows, pinasok na rin ni Bobet Vidanes and mundo ng talent management.

Noong May 30, 2022, pormal na ipinakilala si Direk Bobet bilang managing partner ng talent management company na Blvck Entertainment, kasama si Grace Cristobal na siya namang tumatayo bilang CEO ng Blvck Creative Studio.

Si Bobet ay show creator at director ng Kapamilya noontime show na It's Showtime mula 2009 hanggang November 2020.

Noong buwang iyon ay lumipat siya sa Lunch Out Loud ng Brightlight Productions at TV5 bilang creative consultant.

Isa sa naitanong kay Bobet ay kung bukas siyang i-manage at tumayo bilang isang talent manager kung sakaling may mga host ng It's Showtime ang lumapit at magtanong kung puwedeng magpa-manage sa Blvck Entertainment.

"Pag-aaralan kong mabuti iyan. So far, wala naman akong kaaway na artists," bungad ni Bobet.

Patuloy niya, "Siguro hindi lang kami nagkaintindihan, nagkatampuhan, di nagkapaliwanagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malinaw naman yung sinabi ko nung ako ay nagdadadrama. Sila ang nakiusap, ang management, na sila ang kakausap sa mga artists ko, that's why until now di pa rin kami nagkakausap nang maayos.

"I guess, di kami nag-away ng mga artists ko.

"But again, kung sila ay welcome na pumasok sa aming bagong venue, pag-iisipan ko pong mabuti.

"Para po sa ikagaganda niya at ikagaganda ng aming pangarap, pag-iisipan ko pong mabuti."

Ang tinutukoy ni Bobet ay ang napabalitang tampo sa kanya ng ilang It's Showtime hosts nang siya ay umalis nang wala man lang daw paalam.

Noong October 2021, naglabas ng saloobin si Bobet sa piling entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na nag-iba ng patakbo sa It's Showtime kaya nagdesisyon siyang umalis noong 2020.

Magkaganunman, nagkuwento rin si Bobet sa isang October 2021 telecast ng LOL na maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN management.

Sabi rin niya, kaya hindi siya nagpaalam sa It's Showtime hosts ay baka sumama ang ilan sa mga ito sa kanyang pag-alis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON MANAGING STARS

Bilang mga pinuno ng Blvck Entertainment, ilang ulit binanggit nina Bobet at Grace na importante para sa kanila na marunong rumespeto, makinig, at magpahalaga ang hahawakan nilang talents.

Dito ay tinanong ng PEP.ph si Bobet kung handa ba silang bitawan kung kinakitaan nila ng "attitude problem" kung sino mang artista ang mapasikat nila nang husto in the future.

Sagot niya, "We are all binded naman with contracts, e. Siguro sa mga nangyari sa nakaraan, we learn our lessons naman.

"But di mo pa rin masabi pag ang tao yun na ang pagkatao niya, mahirap baliin yun.

"Siguro binded by the contract na lang."

Hindi naman maiwasang maging emosyonal ni Bobet dahil tingin niya ay tama ang desisyon niyang mag-resign sa It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon daw kasi siya ng pagkakataong sumubok ng ibang bagay tulad nitong pagpasok niya bilang talent manager.

"Naramdaman ko at nasabi ko sa sarili ko, 'Oh, there's life. Tama ako sa desisyon ko.'

"Tama ang desisyon ko—after all ng pinagdasal ko, pinag-isipan kong mabuti. Tama yung hakbang na aking ginawa for my peace of mind.

"But I'm still hungry dun sa mga taong nangangarap. Yun talaga siguro ang forte ko— yung tumulong sa mga nangangarap.

"I will try my best na tulungan sila. Siguro naiintindihan ko yung ibang mga artists, itong mga upcoming, mas maiintindihan ko sila."

Bobet Vidanes, Grace Cristobal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DISCOVERING A NEW CAREER PATH

Labis ang pasasalamat ni Bobet sa mag-asawang Grace at Louie Cristobal nang ayain siya ng mga itong itatag ang Blvck Creatives at Blvck Entertainment.

Para sa batikang direktor, nais niya talagang maging daan para sa katuparan ng pangarap ng marami na gustong pasukin ang mundo ng showbiz.

"Kasi, I think, marami tayong matutulungan within this venue, yung ating Black Studio, the Black Creatives.

"Sa lahat ng gustong magpa-picture, mayroon pa tayong audio recording... And despite ng maraming ganitong klase ng venue, e, naglakas pa rin kami ng loob baka sakali makatulong kami sa ibang aspiring, sa mga dreamers.

"Nakakatuwa kasi ang entertainment natin nabawasan, nalimitahan, pero di tayo titigil.

"Ang dami kasing puwedeng platform, nandiyan ang social media, nandiyan ang ating mga cellphones. Gusto nating magpasaya ng mga tao at the same time mayroon tayong kaunting pag-uusapan.

"Kahit sa pamilya natin, sa mga kaibigan na mayroon tayong mga bagay-bagay na mapag-aaliwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa kabila ng ating mga hinaharap na mga problema, heto nakakatuwa na we are catering all the talents. Singing, dancing, pupuntahan natin sa lahat ng mga mainstreams, you are welcome na kami'y inyong makatrabaho at kami'y inyong matulungan din."

Sa huli ay mapagkumbaba ang naging pahayag ni Bobet na naniniwala siyang malaki ang tulong na maibibigay sa kanila ng media. Gusto nilang makatrabaho at mapalapit sa mga ito.

"Pagdating naman sa mga creatives, hindi naman kami mga baguhan. Pero sa ganitong mga kalakaran kami'y nagpapakilala, that's why we invite the group of people na alam kong makakatulong sa amin.

"Kami po ay inyong i-guide, tulungan kung paano namin mapapasaya for entertainment ang aming bagong form of entertainment, ang ating Blvck Creatives and Blvck Entertainment.

"Gusto ko lang magkakilala-kilala tayo. Matagal na tayong magkakasama sa industriya, pero di tayo nagkakangitian at nagkakalambingan.

"Huwag naman nating hintayin na may intriga pa bago tayo magkakilala-kilala. Puwede niyo naman akong tapikin. Puwede ninyo naman akong yakapin kung puwede nang magyakapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Bobet Vidanes on trying his hand at talent management: "Tama ang desisyon ko—after all ng pinagdasal ko, pinag-isipan kong mabuti. Tama yung hakbang na aking ginawa for my peace of mind. But I'm still hungry dun sa mga taong nangangarap. Yun talaga siguro ang forte ko—yung tumulong sa mga nangangarap."
PHOTO/S: Melba Llanera
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results