Nanindigan ang Kapamilya broadcaster na si Karen Davila na hindi siya napikon sa kabila ng low-key na pananabla sa kanya ni Senator Imee Marcos.
Nitong umaga ng Miyerkules, June 1, 2022, guest si Imee sa live telecast ng Headstart, ang morning show ni Karen sa ABS-CBN-affiliated cable news channel na ANC.
Pagka-intro pa lang ni Karen kay Imee, pabirong humirit ang senadora na: "Yes, good morning Karen. It’s nice to see you you’re still here in the Philippines."
Bagamat todo-ngiti si Imee nang batiin si Karen, bakas ang sarkasmo sa kanyang mensahe.
Si Imee ay kapatid ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Hindi naman nakitaan si Karen ng pagkailang o pagkagulat sa tinuran ni Imee, bagkus ay patuloy lang siya sa pag-welcome sa senadora sa show.
"Well, first of all, congratulations," bahagyang natawa sabay ngiting sabi lang ni Karen.
Nakangiti pero malamang hirit uli ni Imee: "Akala ko magma-migrate ka pag nanalo ang Marcos."
"Hoping always for the best for the country," hindi natinag at nakangiti pa ring sabi ni Karen.
Ang palitan na ito nina Karen at Senator Imee ay naging tampulan ng usap-usapan sa social media.
May ibang netizens na nagbunyi sa pasimpleng tirada ni Imee kay Karen, habang ang iba naman ay humanga sa pagiging cool ng broadcaster.
KAREN SAYS IMEE APOLOGIZED FOR THE INCIDENT
Naniniwala naman si Karen na na-handle niya nang maayos ang insidente.
Pahayag niya sa Facebook nitong Miyerkules ng hapon (published as is): "Let me set the record straight on this one.
"Sen Imee Marcos on #ANCHeadstart joked about me still being in the PH after her brother’s victory to which I replied…
"'ALWAYS HOPING FOR THE BEST FOR THE COUNTRY' Yan po ang sagot ko.
"Napikon po ba ako? Hindi po.
"Sen Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!"
Makalipas ang isang oras, may malamang paalala si Karen: "In victory, resist the temptation to gloat. Graciousness is a class act."