Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

by Arniel C. Serato
Jun 1, 2022
Tom Rodriguez posts cryptic photo on Instagram
Tom Rodriguez resurfaces on Instagram with “silhouette of hands with breaking chains” post. Is this his answer to estranged wife Carla Abellana's alleged document preparation for annulment of their marriage?
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @akosimangtomas on Instagram

Matapos ang ilang buwang pag-deactivate ng kanyang Instagram account, ni-reactivate muli ito ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ngayong Miyerkules, June 1, 2022.

Pero ikinagulat ng netizens ang kanyang unang Instagram Story dahil larawan ito ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos ng isang kadena.

Tom Rodriguez cryptic post

Continue reading below ↓

May kinalaman kaya ito sa usap-usapang nagpahanda na si Carla Abellana ng mga dokumento para sa annulment ng kasal nila ni Tom?

Sa YouTube show na Showbiz Now Na, nabanggit ng beteranang radio host at showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kanyang co-hosts na sina Romel Chika at Morly Alinio ang tungkol dito.

Aniya, “Si Carla Abellana pala nagpapahanda na ng dokumento ng annulment.

“At tayo nga ay binigla. Pagka-kasal, tatlong buwan pa lang naghiwalay na. Di ba nakakalula yun, a.”

Ayon pa kay Cristy, nagpapatayo na raw ngayon ng sariling bahay si Carla habang patuloy pa ring hinahanapan ng buyer ang posh condo unit nito sa Pasig.

WHAT CARLA'S FATHER SAID ABOUT THE SPLIT

Kahit hindi pa nagsasalita sina Tom at Carla sa dahilan ng kanilang hiwalayan, ang ama na mismo ng aktres na si Rey PJ Abellana ang nagkuwento tungkol dito.

Sa panayam niya sa Cristy FerMinute ng Radyo Singko at One PH noong March 11, 2022, nagbigay si Rey ng ilang detalye sa tunay na dahilan umano ng hiwalayan ng anak at ng aktor.

Continue reading below ↓

Ayon sa beteranong aktor, may naka-one-night stand si Tom na dahilan ng hiwalayan nila ni Carla.

Sabi ni Rey kay Cristy, "Nay, honestly speaking, hindi po natin maku-consider na third party, e, ang sitwasyon.

"Kasi po, ang pangyayari ay one-night stand, e. So, hindi natin kinu-consider yun na third party.”

Ayon kay Rey, bilang isang lalaki ay hindi nila maiiwasan ang matukso.

“Inaamin ko na lang, bilang ako lalaki ako, ako, way back, nangyayari din po 'yan sa akin.

“E, medyo normal na 'yan sa buhay ng mga lalaki."

Naiintindihan daw ito ni Rey.

Saad niya, “E, nangyari sa tukso ay hindi po mortal sin. Para sa akin, you know, bilang isang tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa mga ganyang bagay, natural sa buhay 'yan, e, di po ba?"

Hindi na idinetalye ni Rey kung kailan naganap ang sinasabi niyang "one-night stand" ni Tom at kung sino ang babaeng involved.

Continue reading below ↓

READ: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

Pero biglang binawi ni Rey ang sinabi niyang ito sa panayam naman sa kanya ng 24 Oras ng GMA-7 noong March 15, 2022.

Pagkambiyo niya, “At first, may nakarating po at nalaman ni Carla na may issue na one-night stand na involved si Tom.

“Si Tom naman was already able to explain kay Carla na wala naman pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari yun.

“So, wala pong natuloy na one-night stand according to Tom’s side naman.”

Dagdag pa ni Rey, “So, yun po yung scenario ng issue na one-night stand. Napa-shortcut lang po, napa-abrupt lang po pagkasabi ko kay Nanay Cristy na, you know, na napag-isipan ng masama.”

Inamin din ni Rey na tinawagan siya ni Carla nang naging maingay na ang kuwento niya tungkol sa “one-night stand” ni Tom.

Continue reading below ↓

Nagalit daw si Carla sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa interview.

Lahad ni Rey, “She was mad, she was questioning me why I came up that way.

"Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli.”

READ: Rey PJ Abellana retracts "one-night stand" story about Tom Rodriguez after Carla's call: "She was mad."

Ikinasal sina Carla at Tom sa Tagaytay noong October 23, 2021, pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

READ: Tom Rodriguez and Carla Abellana are now married

Pero makalipas lamang ng tatlong buwan, noong January 2022, napabalitang hiwalay na ang dalawa.

READ: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez resurfaces on Instagram with “silhouette of hands with breaking chains” post. Is this his answer to estranged wife Carla Abellana's alleged document preparation for annulment of their marriage?
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @akosimangtomas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results