Tom Rodriguez unfollows estranged wife Carla Abellana on Instagram anew

by Arniel C. Serato
Jun 2, 2022
Tom Rodriguez unfollowed Carla Abellana on Instagram
Tom Rodriguez drops another bomb after social media hiatus: unfollowing estranged wife Carla Abellana on Instagram again.
PHOTO/S: Courtesy: @akosimangtomas on Instagram

Muling in-unfollow ni Tom Rodriguez sa Instagram ang estranged wife niyang si Carla Abellana.

Sa kanyang pagbabalik sa Instagram kahapon, June 1, 2022, pasabog kaagad ang pambungad ni Tom sa kanyang followers matapos ang ilang buwang social media hiatus.

Naglagay siya sa Instagram Story ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa pagkakagapos sa isang kadena.

READ: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

Hindi pa dito nagtapos ang lahat dahil napansin ng ilang netizens na hindi na naka-follow ang aktor sa asawang si Carla.

Tom Rodriguez unfollows Carla Abellana on Instagram

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, nananatili namang naka-follow si Carla kay Tom.

Tom Rodriguez unfollows Carla Abellana on Instagram

Nang pumutok ang hiwalayan nina Tom at Carla noong January 25, 2022, napansin ng netizens na parehong hindi na naka-follow sa isa’t isa ang mag-asawa.

Kinabukasan, January 26, nabuhayan ng loob ang mga tagasubaybay ng dalawa dahil naka-follow muli sila sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

READ: Carla Abellana, Tom Rodriguez follow each other again on Instagram amid rumored split

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom.

Ayon sa ama ni Carla na ri Rey PJ Abellana, si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.

READ: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

Hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa tatlong buwan lamang matapos silang ikasal noong October 2021.

READ: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Ang latest na balita, nagpapahanda na umano ni Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.

Sa ngayon, wala pang bagong pahayag o post si Carla na may kaugnayan sa masalimuot na relasyon nila ni Tom.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez drops another bomb after social media hiatus: unfollowing estranged wife Carla Abellana on Instagram again.
PHOTO/S: Courtesy: @akosimangtomas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results