Watch Now

Moira dela Torre drops clues prior to breakup announcement: “Kala ko ikaw na, hindi pa pala...”

by Arniel C. Serato
Jun 2, 2022
Moira dela Torre hints at breakup prior to announcement
Netizens share on social media their recording of Moira dela Torre's Instagram Live, dawn of Monday, May 30, a day before her husband Jason Hernandez released their joint statement about their breakup.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Dalawang araw matapos bumalandra sa sambayanan ang hiwalayan nina Moira dela Torre at Jason Hernandez, ilang netizens ang nag-upload ng Instagram Live ng singer noong madaling-araw ng Lunes May 30.

Ayon sa uploaders, kuha ito bandang alas-kuwatro ng umaga noong Lunes, o isang araw bago ianunsiyo ni Jason ang mutual decision nila ni Moira na maghiwalay na ng landas.

Sa nasabing Instagram Live, makikita si Moira na tila nakalugmok at nagpapatugtog ng gitara.

Paminsan-minsan ay sinasabayan din niya ito ng pagkanta na tila pinapraktis pa lang niya.

Mababanaag sa kanyang boses, mata, at mukha na meron itong mabigat na dinadala.

Sa bawat bigkas niya ng salita, iba’t ibang mensahe naman ng kalungkutan ang ikinomento ng mga nakapanood.

Ang mas kapansin-pansin sa mga binigkas na salita ni Moira sa kanyang kanta ay ang mga linyang, “Kala ko ikaw na, hindi pa pala…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila pahiwatig ito ng singer-songwriter na may mawawalang isang mahalagang tao o bagay na nasa kanya.

Mukhang nasagot nga ang mga agam-agam ng netizens kung ano ang tinutukoy ni Moira dahil kinabukasan, Martes, June 1, isinapubliko ng asawa niyang si Jason ang desisyon nilang maghiwalay.

Sa joint statement nila ni Jason, inamin ng lalaki na siya ang may malaking kontribusyon sa kanilang breakup dahil sa kanyang hindi pagiging tapat sa pagsasama nila bilang mag-asawa sa loob ng tatlong taon.

Buong pahayag nila: “It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request privacy during this difficult time.

"Jason & Moira."

Sa isinulat na caption ni Jason, naging “unfaithful” siya sa asawa habang nagsasama pa sila.

Kaya inihingi niya ito ng dispensa sa mga taong dawit lalo na sa asawang si Moira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Jason, “This is probably the hardest thing I’ve ever had to write. But since you guys have been with us from the start, it is only right that you hear this straight from me.

"3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her.

"Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

"I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a 'peaceful' but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

"From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi."

READ: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.

Wala pang bagong pahayag mula sa dalawa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens share on social media their recording of Moira dela Torre's Instagram Live, dawn of Monday, May 30, a day before her husband Jason Hernandez released their joint statement about their breakup.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results