Watch Now

Lian Paz details Paolo Contis's lack of financial support; gives update about annulment case

by Rose Garcia
Jun 3, 2022
Lian Paz, Paolo Contis
Lian Paz on ongoing annulment with estranged husband Paolo Contis: "Kailangan din niyang i-check kung may letter ba na dumating sa kanya. Kailangan ba niyang sagutin... At saka, di ba, para may peace na tayo together. Iba rin naman yung ma-feel free ka of it and I wish nothing din naman to everyone, I wish him well naman talaga."
PHOTO/S: @alekscabahug via @liankatrina / @ paolo_contis

"Sad to say, wala."

Ito ang diretsahang pahayag ni Lian Paz nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may komunikasyon at suportang pinansiyal na ibinibigay ang estranged husband niyang si Paolo Contis sa dalawa nilang anak.

Matagal nang nakabase si Lian sa Cebu kasama ang mga anak nila ni Paolo na sina Xonia at Xalene.

Ang partner ni Lian na si John Cabahug ang naging katuwang sa buhay ng dating EB Babes member sa pagpapalaki ng mga anak.

Read: Former EB Babe Lian Paz details love story with Cebuano partner, how he accepted her kids

Isang pamilya sila kasama ang anak na babae ni John, si Lexy, sa former partner nito. May anak din sina Lian at John na si Niña, na siyang bunso sa pamilya.

"Wala silang communication simula noong maliit pa sila hanggang ngayon na graduate na ang anak ko," tukoy ni Lian kay Paolo.

Read: Lian Paz's daughter Xonia Contis graduates from grade school with honors

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dagdag niya, "Let’s keep it simple. May sarili na siyang buhay, e. Yung mga anak ko rin naman.

"Siyempre, hindi ko naman maiaalis sa kanila na magtanong, pero tanggap na naman nila na parang ganun, kasi di rin naman sa kanya lumaki."

Prangka ring ipinaliwanag ni Lian ang kawalan ng suportang pinansiyal ni Paolo.

"I was really open naman before na wala talaga siyang support sa mga bata," sabi niya.

Nanghingi ba siya ng suporta kay Paolo para sa dalawang anak nila?

Sagot ni Lian: "At first… Nagpatulong pa nga ako kay Tita Malou [Choa-Fagar, former Eat Bulaga! executive] na humanap ng lawyer for that.

"Kasi, hindi nga ako maalam sa ganyang bagay. Mahirap din kasi emotional ako that time, so para yung mga bata lang ang maisip ko.

"Gumawa kami ng letter. I talked to him at that time. Sabi ko, 'I talked to a lawyer, baka maka-receive ka ng letter.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nakiusap daw si Paolo na huwag nang idaan sa legal battle ang usapan nila sa mga bata.

Lahad ni Lian, "Matagal na kaming hindi nag-uusap, pero nakipagkita siya. Nakiusap siya sa akin na huwag nang idaan sa lawyer.

"Para kung lumaki raw mga bata, wala nang makikita o mababasa na mga ganyan.

"So ako, okay… kung gusto mong magsuporta sa mga bata, idiretso mo na lang sa akin or whatsoever.

"Kasi siyempre, noong naghiwalay kami, wala akong trabaho. As in, zero talaga. So, sinunod ko siya."

Ayon kay Lian, si Paolo ang hindi tumupad sa usapan.

"Pero nung sinunod ko siya, akala ko, okay. Pero mas maganda na idinaan ko na sa lawyer pala."

Kahit may kanya-kanya na silang buhay, tinanong ng PEP.ph si Lian kung umaasa pa rin ba siya na, isang araw, haharapin din ni Paolo ang dalawang anak nila at magbubukas kahit komunikasyon man lang bilang mag-aama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Lian, "Well, ten years na ang lumipas. So, parang nasanay na ako na wala.

"And at the same time, John stepped in talaga, not just as a stepfather but as their dad talaga.

"And ayoko rin naman sirain yung ganung relationship na nakasanayan nila. Higit sa lahat, ayoko rin ng confusion when it comes to them."

Read: Lian Paz's daughter Xonia Contis graduates from grade school with honors

ON OTHER PEOPLE MEDDLING WITH HER DAUGHTERS' LIVES

Ang ikinalulungkot ni Lian, may ibang tao raw na walang magawa sa buhay na mismong mga anak niyang bata ang iniintriga.

"Marami na rin kasi sa labas na mga 'Marites.' Alam mo yung nakikialam, nagtatanong.

"Buti na lang yung mga anak ko, smart din na sasagot. Simple lang ang mga sagot nila, 'I don’t know.'"

May mga nanunukso rin daw sa kanyang mga anak. May nagsi-send din ng ilang YouTube videos ng mga isyu sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Open naman daw ang kanyang mga anak kay Lian kaya nabibigyan niya agad ang mga ito ng suporta at tamang paliwanag.

Saad ni Lian, "Actually, parang normal na lang sila. Parang wala na lang silang keber. Actually, minsan kapag may mga isyu, nauuna pa ang iba na nagse-send.

"Naiinis din ako na since nag-pandemic, nagkaroon sila ng access sa Facebook. So, ang bilis ng communication. Send dito, send diyan. Padala ng videos. So, mas lalo silang na-open to that."

Naihanda rin ni Lian ang sarili at ang mga anak sa mga kontrobersiya dahil sa kanilang unconventional family set-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIAN PAZ AND PAOLO CONTIS'S ANNULMENT CASE

Natatawa naman si Lian nang tanungin kung may gusto ba siyang iparating na mensahe kay Paolo.

"Pakisagot yung letter, galing sa court," pakli niya.

Pero bawi ni Lian, "Hindi, huwag na, matagal naman kami na walang ganyan."

Nalaman namin mula kay Lian na ang tinutukoy niyang letter na sana raw ay sagutin ni Paolo ay tungkol sa kanilang annulment case.

Nang mag-file ang aktor ng annulment noong 2012, na-deny raw ito ng korte pagkatapos ng dalawang taon.

Nitong 2019, si Lian na ang nag-file ng panibagong annulment case.

Aminado si Lian na naiinip na siya at gusto na niyang matapos ito.

Paliwanag pa rin niya sa PEP.ph: "Noong nag-file kasi ako, nag-pandemic. Naabutan ng pandemic.

"Naipit, walang galawan ang court. So freeze din ang annulment.

"Ngayon, so far, bilang nag-normalize na kahit papaano, umuusad naman siya. Pero kailangan din ng cooperation niya."

Hindi nakikipag-cooperate si Paolo para mapabilis ang annulment nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, what I mean to say is, kailangan din niyang i-check kung may letter ba na dumating sa kanya. Kailangan ba niyang sagutin.

"Kasi, hindi ko rin naman siya ma-communicate. Lawyer to lawyer ang mangyayari talaga pag ganyan. E, hindi rin naman siya makontak."

Dugtong pa ni Lian, "Naka-file na siya, pero hindi siya makausad nang tuluy-tuloy kasi we need his reply.

"Sana, maasikaso rin niya."

Seryoso raw si Lian na sana ay sagutin na ni Paolo ang letter mula sa lawyer.

"Hindi… totoo, paki-check naman… para mapabilis.

"We already have our separate lives. I wish you very well and you can also do whatever you want.

"At saka, di ba, para may peace na tayo together. Iba rin naman yung ma-feel free ka of it and I wish nothing din naman to everyone, I wish him well naman talaga."

Read: Lian Paz, desididong asikasuhin ang annulment case nila ni Paolo Contis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON HER HAPPY FAMILY LIFE

Sa parte ni Lian, masaya na raw siya sa kanyang pamilya ngayon.

Maging ang anak ni John na si Lexy ay "Mommy" na ang tawag at turing sa kanya. Gayundin ang mga anak nila ni Paolo na kusang "Daddy" ang tawag kay John.

Hindi pa man annulled si Lian, nag-propose na sa kanya ng kasal ang partner na si John noong February 2021.

Read: Lian Paz, engaged na sa kanyang partner na si John Cabahug

Kung may kulang man sigurong matatawag, ang maikasal na lang talaga sila ni John ang hiling ni Lian.

"Well, siyempre, nandun na yung mabigyan ako ng another chance for love. Siyempre, gusto ko na magsimula nang tama.

"So, naniniwala ako na ibinigay ni God ‘yan para gawin mo ulit nang tama.

"So, yun ang mas gusto ko actually. Pinagpi-pray ko ‘yan na sana ibigay Niya. Kasi, I want to start nang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, kami rin naman ni Pao noon, ang start namin, magulo, e. Maraming mga hadlang at aberya kaya siguro mabilis din natapos."

Nagbigay-pugay rin si Lian kay John sa buong pagmamahal na ibinibigay nito sa kanilang pamilya.

"Kay John, all I can say is I’m very grateful. Kasi, hindi lang ako ang tinanggap mo. Tinanggap mo ang responsibilidad ko. Sina Xonia at si Xalene.

"Hindi lang dahil kasama ko sila sa buhay, hindi lang dahil mga anak ko sila, itinuring mo rin sila talaga na mga anak mo.

"Sabi mo nga when you saw them, para kang nakakita ka ng mga anghel. Naawa raw siya sa mga bata na they were left behind at a young age," pasasalamat ni Lian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lian Paz on ongoing annulment with estranged husband Paolo Contis: "Kailangan din niyang i-check kung may letter ba na dumating sa kanya. Kailangan ba niyang sagutin... At saka, di ba, para may peace na tayo together. Iba rin naman yung ma-feel free ka of it and I wish nothing din naman to everyone, I wish him well naman talaga."
PHOTO/S: @alekscabahug via @liankatrina / @ paolo_contis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results