Supreme Court junks Mel Tiangco appeal on illegal dismissal, suspension cases vs ABS-CBN

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2022
Mel Tiangco losses appleal agaisnt ABS-CBN
The Supreme Court rejects GMA-7's news anchor Mel Tiangco's petition for review on Court of Appeals' rulling regarding her illegal suspension and illegal dismissal cases against ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: GMA News on Twitter

Ibinasura ng Supreme Court ang petition for review na inihain ng batikang broadcaster na si Mel Tiangco na kumukontra sa ilang bahagi ng desisyon ng Court of Appeals tungkol sa illegal dismissal and illegal suspension cases na isinampa niya laban sa ABS-CBN Broadcasting Corporation.

Kaugnay ito ng paglabas ni Mel sa TV commercial ng isang detergent powder noong taong 1995, na ipinagbabawal ng News and Current Affairs division ng ABS-CBN sa kanilang news reporters at TV anchors.

Sinuspende noon ng ABS-CBN si Mel dahil sa kanya umanong tahasang paglabag sa direktiba ng News department. Pinalagan ito ng broadcaster kaya umabot sa ilang taong court battle ang isyu.

Nakasaad sa desisyon ng korte noong December 2021, na inilabas ngayon June 2022 lamang, na nakiayon ang Katas-taasang Hukuman sa partial settlement sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN na pinasinayaan ng Court of Appeals.

Bahagi ng desisyon: “The Supreme Court has denied the petition for review filed by newscaster Carmela C. Tiangco assailing the Decision of the Court of Appeals (CA) regarding her complaint for illegal dismissal and illegal suspension against ABS-CBN Broadcasting Corporation (ABS-CBN) in connection with her appearance in a television commercial.”

Continue reading below ↓

Kasama sa settlement agreement ang sahod ni Mel sa loob ng tatlong buwan niyang suspension sa mga programang TV Patrol at Mel and Jay (TV), 13th month pay, at travel allowance.

Humiling din siya ng separation pay, damages, at attorney’s fees.

Ayon sa desisyon ng Supreme Court, na isinulat ni Associate Justice Rodil Zalameda, hindi umano karapat-dapat na makatanggap ng separation pay si Mel dahil hindi siya regular employee ng network at isa siyang independent contractor.

Continue reading below ↓

THE 26-YEAR-OLD CASE

Noong 1995, sinuspende si Mel nang walang bayad bilang anchor ng TV Patrol dahil sa endorsement niya ng Tide laundry detergent.

Isa si Mel sa original anchors ng primetime news program ng ABS-CBN na nagsimula noong 1987, kaasama sina Noli de Castro, Angelique Lazo, at ang yumaong si Frankie Evangelista.

Dahil sa kanyang suspension, lumipat si Mel sa GMA Network noong 1996.

Kasama ang GMA-7 sa demanda ng ABS-CBN laban kay Mel at sa former Mel & Jay co-host nitong si Jay Sonza.

Ang Mel & Jay ay ang dating show ng ABS-CBN na umere mula noong 1989 hanggang 1996.

Noong March 2011, naglabas ng official statement ang GMA tungkol sa pagbabasura ng Supreme Court sa mga kasong isinampa ng ABS-CBN laban kina Mel, Jay, at sa Kapuso network.

Ayon sa Supreme Court, may karampatang dahilan at balido ang pagkansela nina Mel at Jay ng kanilang kasunduan sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Wala rin daw kinalaman ang GMA-7 sa pag-alis nina Mel at Jay sa ABS-CBN.

Matatandaang sinita ng ABS-CBN si Mel dahil sa paglabas nito sa isang Tide commercial, na paglabag sa internal company rule na hindi maaaring lumabas ang talents nitong nasa radio and News and Current Affairs sa commercial advertisements nang walang written approval mula sa ABS-CBN.

Ang rule na ito sa media ay pinatutupad sa buong mundo. Sa print man o sa broadcast, hindi maaaring maglako ng produkto ang isang tagapaghatid ng balita.

Mahigpit itong ipinagbabawal upang hindi pagdudahan ang personalidad na may kinikilingan o pinapaboran. Hindi rin nito maaaring gamitin ang kredibilidad na nakukuha niya bilang journalist upang kumita bilang endorser.

Bagamat hindi malinaw ito sa publiko, ito ang pinanggagalingan ng ABS-CBN sa pagsuspinde kay Mel.

Bilang parusa, sinuspinde si Mel ng tatlong buwan nang walang bayad mula sa kanyang co-anchor position sa TV Patrol at sa Mel & Jay radio program. Pero nanatili siya sa Sunday TV program na Mel & Jay.

Continue reading below ↓

Kalaunan ay nag-resign si Jay sa ABS-CBN, habang si Mel ay nag-indefinite leave at tumanggi nang mag-taping para sa programa.

ABS-CBN SUES MEL, JAY, AND GMA-7

Noong 1996, idinemanda ng ABS-CBN sina Mel at Jay "for specific performance, injunction and damages" sa Quezon City Regional Trial Court "to compel them to perform their 1994 agreements and not to appear in any other TV or radio station until 1997."

Kasama rin sa idinemanda nila ang GMA-7, na nilipatan nila pagkatapos.

Noong June 26, 1998, nagdesisyon ang QC RTC na may valid cause sina Mel at Jay upang kanselahin ang kontrata nila sa ABS-CBN, at walang kinalaman dito ang GMA-7.

Iniakyat ito ng ABS-CBN sa Court of Appeals (CA), na pinagtibay naman ang desisyon ng RTC.

Ayon sa inilabas na desisyon ng CA noong August 6, 2003, walang ebidensiyang magpapatunay na nilabag ni Mel ang circular ng ABS-CBN nang lumabas ang news anchor sa Tide commercial.

Continue reading below ↓

Kinuwestiyon ng ABS-CBN ang desisyon ng Court of Appeals at iniakyat nila ito sa Supreme Court.

Pero ibinasura ng Supreme Court ang apela ng ABS-CBN "for failure to sufficiently show any reversible error in the decision of the Court of Appeals."

Sa ulat naman ng ABS-CBN noong March 2012, nagkaroon ng partial financial settlement sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN.

Kaugnay ito ng "P4.1-million, 16-year-old labor claim" ng broadcaster laban sa broadcast giant.

Sa kasunduang inaprubahan ng Court of Appeals at pinirmahan ni Mel, in-acknowledge ng broadcaster nabayaran na siya in full ng ABS-CBN.

Kasama na rito ang suweldo niya sa mga buwan na na-suspend siya, 13th month pay, travel allowance, refund of contributions sa stock option plan, at signing bonus.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Mel sa GMA-7 habang ang lahat ng mga kasama niya noon ay wala na sa TV Patrol.

With additional report from Jojo Gabinete

Continue reading below ↓

ALSO READ
, "widget": "Hot Stories"}]

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Supreme Court rejects GMA-7's news anchor Mel Tiangco's petition for review on Court of Appeals' rulling regarding her illegal suspension and illegal dismissal cases against ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: GMA News on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results