Kris Aquino bids goodbye to her followers; flies to U.S. for medical treatment

by Arniel C. Serato
Jun 3, 2022
Kris Aquino flies to the US for treatment
After many delays and logistical considerations, Kris Aquino finally en route to the U.S. for her much needed medical treatment: "Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram

Natuloy na sa wakas ang matagal nang plano ni Kris Aquino na pumunta ng Amerika upang ipagamot ang kanyang kakaibang uri ng karamdaman.

Sa Instagram ngayong araw, June 3, 2022 sinabi ni Kris na idinetalye na ng kanyang doktor kung ano talaga ang sanhi ng sakit niyang hindi gumagaling-galing.

Nagpasalamay naman siya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang agarang paggaling.

Mensahe ni Kris: “Not a long caption: Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery.

“Here’s the TRUTH as explained by my attending physician Dr. Niño Gavino, an exceptional Filipino American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health.”

Sa ngayon, ayon kay Kris, oras ang kalaban niya upang maagapan ang sana'y hindi pa nangyaring pagkasira ng blood vessel na dinadaluyan ng dugo papunta sa kanyang puso.

Umaasa si Kris na makayanan ng kanyang katawan ang matinding pagsubok na kakaharapin ng kanyang kalusugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“i’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart.

“so many people to thank but I choose to do that privately. #grateful

“For now and the next few years—sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.”

Masaya naman si Kris na kahit ilang oras na sila ng mga anak na sina Joshua at Bimby sa kalawakan ay nabuhayan siya ng pag-asang gumaling sa kanyang sakit.

Ani Kris, “kahit 17 hours away na kami nila kuya josh & bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the PH from US, i’d still like to end this with #lovelovelove [three yellow hearts emojis]”

Nitong Marso, sinabi ni Kris na may bagong gamot na sinubukan ang kanyang mga doktor sa kanya, ang Xolair.

Ang Xolair, ayon sa rxlist.com, ay isang prescription medicine para sa paggamot ng allergic asthma at chronic idiopathic urticaria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kris Aquino updates followers on health condition; plans to go abroad for more treatment

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After many delays and logistical considerations, Kris Aquino finally en route to the U.S. for her much needed medical treatment: "Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results