Watch Now

Zeinab Harake: "Kahit pangit ngayon ay nagloloko."

by Rachelle Siazon
Jun 3, 2022
Zeinab Harake, Skusta Clee
Was Zeinab Harake taking a swipe at ex-partner Skusta Clee when she said: "Kahit pangit ngayon ay nagloloko"?
PHOTO/S: Zeinab Harake Facebook

Tila muling nagpatutsada si Zeinab Harake sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng partner na si Skusta Clee.

Si Zeinab ay isang Filipino-Lebanese YouTuber, habang si Skusta ay kilalang rapper-songwriter.

Noong early May 2022, inamin ni Zeinab na naghiwalay sila ni Skusta nang matuklasan niyang may iba itong babae.

Buntis siya noon sa ikalawang anak sana nila ni Skusta na si Baby Moon, pero sa huli ay nakunan si Zeinab. Ang anak nilang si Bia ay one year old pa lang.

Sa YouTube vlog ni Zeinab ngayong Biyernes, June 3, 2022, may parinig siya tungkol sa mga manloloko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa studio si Zeinab ng TV5 game show na Rolling In It Philippines, at nagkataong kasabay niya roon ang comedian-rapper na si Andrew E.

Sa behind the scenes, hinagilap ni Zeinab si Andrew E para pabirong tanungin ito sa pinasikat nitong kanta na "Humanap Ka Ng Panget."

Sabi ni Zeinab: "Puwede po ba kayo makausap sa vlog ko?

"Gusto ko maitanong bakit yung lyrics niyo, sabi niyo, 'Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, humanap ka ng panget at ibigin mo nang tunay.'

"Ginawa ko naman. Pero alam mo yun... Lodi ko po kasi kayo mula pagkabata ko, e. Naniwala po ako dun."

Napapangiting hirit naman ni Andrew E, "Tama ka naman. Sinabi ko yun, 'Humanap ka ng panget at ibigin mo nang tunay.'

"Pero sinabi ko yun nung 1991. Hindi ko sinabi yun para pang-2022.

"So, siguro wala nang bisa yun."

Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito, nagbitiw ng biro si Zeinab na mas akma na raw pala sa panahon ngayon ang lyrics ng "Di Lahat (Kahit Pangit Ngayon Ay Nagloloko)," na kanta ng kaibigan niyang si Donnalyn.

"Ah, okay. So, tama si Donna ngayon. 'Andrew E, iba na ang panahon. Kahit pangit ngayon ay nagloloko.'

"Tama si Donna. So, binago na po. Huwag po tayo maniwala kay Sir Andrew E, sa lyrics niya. Kay Donna na tayo maniwala."

Sabay bawi ni Zeinab sa biro niya kay Andrew E, "Joke, joke lang!"

Sa huling bahagi ng vlog ni Zeinab, nagpasantabi ulit siya sa "idol" niyang si Andrew E.

"Pasensiya na po nagdyo-joke lang ako kanina. Kasi curious talaga ako, e. Kasi siya nagpauso nun.

"Ta's ngayon, alam ko na tama si Donna. Hindi na siya uso ngayon."

ZEINAB'S LOVE ADVICE

Sabay payo pa ni Zeinab sa kanyang fans: "So kayo, mamili kayo ng mamahalin niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Make sure na pangit man iyan o guwapo, dapat di kayo sinasaktan kasi walang may deserve na saktan at lokohin."

Tila ang tinutumbok ni Zeinab ay sa personal niyang karanasan ay naloko siya ng pangit.

Hindi kasi ito ang unang beses na nasabi iyon ni Zeinab.

May nauna na siyang tweet na sinabi niya, "Pangit ka man sa paningin nila, tingin ko tama sila."

May patama rin si Zeinab tungkol sa mga third party sa relasyon.

"Ay, oo! Galit ako sa mga kabit. Pag alam niyo na may kaano na, huwag na kayo umepal," diin ni Zeinab.

CRYPTIC TWEETS

Idinadaan na lang ni Zeinab sa hugot tweets ang pinagdaanang heartbreak sa hiwalayan nila ni Skusta.

"Gusto ko ako lang gusto," tweet niya noong May 20.

Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon namang May 26, "After talaga ng sakit tapang ang kapalit."

Nagpaabot noon kay Zeinab ng comforting words ang kaibigan niyang YouTuber-actress na si Jelai Andres.

"It's okay you just forgot who u are! You survived what u thought would kill u.

"Now straighten your crown & move forward like the strong queen u are! I love you," tweet ni Jelai kalakip ng strong at heart emojis.

Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kahit may emo moments si Zeinab, natawa naman siya nang may netizen na pumuri sa kanyang glowing siya.

Sabi ng netizen, "nag iba talaga glow mo queen @ZeinabHarake11 nung nakawala ka sa engkanto mas lalo ka gumanda mahal."

Sagot ni Zeinab, "whahahaha."

Zeinab Harake

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Was Zeinab Harake taking a swipe at ex-partner Skusta Clee when she said: "Kahit pangit ngayon ay nagloloko"?
PHOTO/S: Zeinab Harake Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results