Watch Now

Moira dela Torre breaks silence on split with husband Jason Hernandez: "I have never cheated on Jason."

by Erwin Santiago
Jun 4, 2022
moira dela torre jason hernandez split
Moira dela Torre on breakup with husband Jason Hernandez: "The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time."
PHOTO/S: Instagram

Tatlong araw pagkatapos ianunsiyo ng mister niyang si Jason Hernandez ang desisyon nilang maghiwalay, binasag na rin ng singer na si Moira dela Torre ang kanyang katahimikan.

Ngayong Biyernes ng gabi, June 3, 2022, naglabas ng official statement si Moira sa pamamagitan ng social media.

Ayon kay Moira, tanging ang mga nakakaalam ng kanyang kuwento ang makakakita ng mahabang pagdadalamhati at paghihilom na kailangan niyang harapin dulot ng paghihiwalay nila ni Jason pagkatapos ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Iginiit ni Moira na hindi niya kailanman pinagtaksilan si Jason.

Ito ay kaugnay ng kumalat na Facebook post kung saan iniuugnay siya sa kapwa singer-songwriter na si Zack Tabudlo, at pinalalabas na siya ang nagtaksil.

Pahayag ni Moira, "In spite of the pain I'm experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw madali ang pinagdadaanan ng kani-kanilang pamilya ni Jason. Ang nais lang daw niya ay tapusin ang mga espekulasyon kung ano ang nangyari sa kanila ni Jason.

Patuloy ni Moira, "Though we're no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us — most of which are so far from the truth."

Dagdag pa niya, "The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time."

Narito ang kabuuang pahayag ni Moira:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JASON ANNOUNCES SPLIT WITH MOIRA

Noong Martes, May 31, inilabas ni Jason sa kanyang social media accounts ang joint statement nila ni Moira na nagsasaad sa desisyon nilang tapusin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa pagkatapos ng tatlong taon.

Inamin din ni Jason na hindi siya naging tapat noong nagsasama pa sila.

Kasunod nito ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal sina Moira at Jason sa isang garden ceremony sa Tagaytay noong January 14, 2019.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Moira dela Torre on breakup with husband Jason Hernandez: "The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results