Donita Rose wants to recover sexy figure before having second child

by Ruel J. Mendoza
Mar 5, 2008
"Hindi ko pa nae-experience ang maging sexy ulit!" laughed Donita Rose when asked if she and husband Eric Villarama are planning to have another baby soon. "Gusto ko muna sana na ma-enjoy ang maging slim and trim before I get pregnant again."

Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Donita Rose sa naganap na birthday celebration ni Rudy Fernandez noong nakaraang Lunes, March 3. Isa si Donita sa mga kababaihang artista na na-link noon kay Daboy. Nagkaroon ng tsismis sa kanila matapos nilang magtambal noon sa isang pelikula.

Para kay Donita, tapos na raw 'yon at napatunayan naman daw na wala silang naging relasyon ni Daboy. In fact, magkaibigan sila ng misis ni Daboy na si Lorna Tolentino.

"Na-prove naman na there was nothing going on between me and Daboy," nakangiting sabi ni Donita. "That was such a long, long time ago. Medyo baguhan pa ako noon sa showbiz when that news broke out. I got affected kasi nga bata pa ako noon and I didn't know what to do. Mabuti na lang, time healed everything.

"Daboy naman is a good friend. Nabibigyan lang ng maling akala ang pagiging close niya sa mga leading ladies niya. Now, ang pinaka-gift ko kay Daboy is my prayers. I'm praying for his health and for the health of his family as well."

Continue reading below ↓

Kasama pa nga ni Donita noong gabing iyon ang kanyang husband na si Eric Villarama na nanggaling pa ng Singapore. Binisita raw siya rito sa Pilipinas pero babalik daw ito agad sa Singapore dahil sa trabaho.

"Na-miss niya kami kaya he took a short vacation to visit us here," kuwento ni Donita. "Wala naman kaming problema ni Eric sa communication. Kahit na dito ako nagwu-work, he can always fly here kaagad. Or kung may mahabang break naman ako, kami naman ng anak namin ang lilipad to Singapore."

Kasalukuyang isa sa mga host ng ABS-CBN 2 morning show na Umagang Kayganda si Donita. Meron din siyang isang religious talk show titled U-turn sa UniversiTV 33.

Tinanong namin kung kelan masusundan ang kanilang panganay na si Joshua Paul or JP (now 5 years old). Natawa si Donita at sinabing hindi pa nga raw siya pumapayat mula noong pinanganak niya ang kanilang panganay.

Continue reading below ↓

"Hindi ko pa nae-experience ang maging sexy ulit!" sabay tawa ni Donita. "Gusto ko muna sana na ma-enjoy ang maging slim and trim before I get pregnant again.

"Pero seriously, we are taking our time. Ilang taon pa lang naman si JP and we're still enjoying na tatlo pa lang kami. But who knows na baka this year or next year, mabuntis na ako. It all depends on what God wants us to do."

Read Next
Read More Stories About
Donita Rose, Rudy Fernandez
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko pa nae-experience ang maging sexy ulit!" laughed Donita Rose when asked if she and husband Eric Villarama are planning to have another baby soon. "Gusto ko muna sana na ma-enjoy ang maging slim and trim before I get pregnant again."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results