Watch Now

Moira dela Torre on breakup with husband Jason Hernandez: “Saan ba ako nagkulang?”

by Bernie V. Franco
Jun 6, 2022
moira dela torre
Singer Moira dela Torre admits that she did not see the breakup coming. Moira and husband Jason Hernandez (right photo) announced that they ended their three-year marriage via joint statement on May 31, 2022.
PHOTO/S: YouTube (Magandang Buhay, Kapamilya Online Live)inment)

Inamin ni Moira dela Torre na sinisisi rin niya ang sarili sa pagwawakas ng pagsasama nila ng asawang si Jason Hernandez.

Ipinaalam nina Moira at Jason, via joint statement noong May 31, 2022, na hiwalay na sila matapos silang ikasal noong 2019.

Inamin din ni Jason na hindi siya naging tapat sa pagsasama nilang iyon ni Moira.

Pero kahit inako ni Jason ang pagiging “unfaithful” na dahilan ng kanilang paghihiwalay, aminado si Moira na iniisip din niya kung mayroon siyang naging pagkukulang.

Sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, June 6, 2022, tinanong ni Regine Velasquez si Moira kung sinisisi nito ang sarili sa nangyari.

Sagot niya, “Sobra. Sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging yun ang initial reaction ko, e.

“I always say, ‘What did I do wrong?’ So, especially now, 'Saan ba ako nagkulang?'

“Dati, akala ko, yung paubaya kanta ko lang,” pagtukoy sa kanyang hit song na “Paubaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Moira, “Pero tinatanong naman talaga natin yung sa sarili natin saan tayo nagkamali, saan tayo nagkulang, hindi lang sa relationships, sa career, kung anuman…”

Patuloy na lang daw kumakapit si Moira sa kanyang pananampalataya na may dahilan ang nangyari.

“I also know na God makes all things beautiful in His time.

“And yun talaga ang pinanghahawakan ko—na I may feel like a broken glass right now, but God [will] make me a diamond again. And I know I’ll be whole again.

“I know he’ll be whole again,” pagtukoy naman niya kay Jason.

Patuloy raw siyang maniniwala sa true love ng Diyos, kung hindi man ito sa isang tao.

“And because He is with me, I can forgive. Dahil may Diyos ako sa buhay ko, malaya ako.”

READ ALSO:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MOIRA SAYS SHE DID NOT SEE THE BREAKUP COMING

Ibinahagi rin ng Idol Philippines judge na hindi niya inasahang maghihiwalay sila ng kanyang asawa.

“Siguro po ngayon, I’m in a season na hindi ko nakita,”pakli niya.

Kuwento pa ni Moira, binigyan siya ng journal ng fellow Idol Philippines judge na si Regine.

“Binigyan kasi ako ni Mama Reg ng journal, then mahilig akong magplano. Kumbaga, wala ito [breakup] sa plano.”

Sinabi rin ni Moira na habang nalulungkot siya sa nangyari ay nagmu-move on na siya.

Paliwanag niya, “Kasi dito ko nakikita na puwede pa lang magsabay yung grieving, pati yung healing.

“Na parte pala nung grieving yung healing. Na puwede pa rin pala akong maka-experience ng joy sa umaga, kahit umiiyak ako sa gabi.

“And I didn’t expect it to be like this, but I realized na yung what the enemy for harm, the Lord turns into beautiful things.”

Dagdag pa ni Moira, laking pasasalamat niya na nangyari ito habang ginagawa ang singing competition sa ABS-CBN para mawaglit ang kanyang isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking tulong daw na matibay ang kanyang support system sa pinagdadaanan niya ngayon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Moira dela Torre admits that she did not see the breakup coming. Moira and husband Jason Hernandez (right photo) announced that they ended their three-year marriage via joint statement on May 31, 2022.
PHOTO/S: YouTube (Magandang Buhay, Kapamilya Online Live)inment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results