Tom Rodriguez reveals “gag order” prevents him from speaking his truth

by Arniel C. Serato
Jun 6, 2022
Tom Rodriguez Carla Abellana court gag order
Tom Rodriguez posts and then deletes some cryptic messages on Instagram about his breakup with estranged wife Carla Abellana.
PHOTO/S: Courtesy: @akosimangtomas / @carlaangeline on Instagram

Hindi pa rin nagpapatinag si Tom Rodriguez sa kanyang tila parinig sa kampo ng estranged wife na si Carla Abellana.

Sa kanyang Instagram kahapon, June 5, 2022, may mga cryptic post si Tom ngunit kaagad din niyang binura.

Mukhang may mensahe siyang nais ilatag sa publiko ngunit hindi niya magawa dahil umano sa “gag order.”

Isa sa pumukaw ng atensiyon ng publiko ay ang post ni Tom tungkol sa isang sumabog na bulkan.

Sa caption ay isang matalinhagang tula ang ibinahagi ng aktor:

“Mutually assured

“Things go south

“Mushroom clouds

“No one's left around

“Money bought

“Power talked

“But no one's listening now

“And empires claimed

“Up in flames

“Burnt to the ground

“History repeats

“Video reels going

“Round and round.”

Tom Rodriguez gag order

Continue reading below ↓

Pero pagkalipas lamang ng ilang sandali ay binura rin ito kaagad ni Tom sa kanyang timeline.

“GAG ORDER ON ME!”

Bago niya binura ang post, may netizen ang nagkomento na sana raw ay ipaglaban ni Tom si Carla dahil mahal naman daw siya ng aktor.

Ayon sa commenter: “Hopefully, you will fight for Angeline. Ipaglaban mo sya paps. dahil mahal ka nun. believe me"

Carla Angeline Reyes Abellana ang buong pangalan ng aktres.

Diretso itong sinagot ni Tom na wala itong katohanan. Katiting lamang daw ang alam ng publiko tungkol sa kabuuan ng istorya nilang mag-asawa.

Umaasa raw siyang darating ang araw na mananaig din ang katotohanan.

Aniya: “not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day, the whole TRUTH will prevail!"

Tom Rodriguez gag order

Continue reading below ↓

May isa pang netizen na sumagot sa thread na ito sa post ni Tom.

Ayon dito, nawalan na siya ng gana kina Tom at Carla dahil parang pinaglalaruan lamang nila ang publiko dahil sila mismo ang nagbukas sa publiko tungkol sa kanilang problema sa pamamagitan ng social media.

Saad ng netizen: “true. I’ts like they’re just seeking attention. I used to like tom but now im disappointed. They have their platforms to clear whatever issues they have. They can’t just say it’s private bcoz they made it public in the first place.”

Paliwanag ni Tom, nais man niyang sabihin ang kanyang panig sa kuwento, hindi niya ito magawa dahil merong utos ang korte na bawal siyang magsalita.

Aniya, “it’s not just private. There’s a GAG ORDER ON ME! I can’t speak my truth.”

Tom Rodriguez gag order

Continue reading below ↓

Sa Twitter, may netizen na nagsabing bakit hindi na lamang gayahin ni Tom ang ginawa ng singer-composer na si Jason Hernandez, na inako ang kasalanan kaya sila naghiwalay ng asawang si Moira dela Torre.

May 31 nang ianunsiyo ni Jason na napagdesisyunan nila ni Moira na maghiwalay na.

Wala raw tapang si Tom na gawin ang ginawa ni Jason.

Buong komento ng netizen: “Si Jason inako ang kasalanan. Inamin sa publiko na wala na sila ni Moira dahil sa kanyang kataksilan. Hindi madali pero naging matapang na ilahad sa madla ang nangyari sa kanilang marriage after 3 years. Sana magkaroon din ng tapang si Tom Rodriguez. I know we don’t need to know.”

Diretsong sagot ni Tom: “2 words…Gag Order.”

Tom Rodriguez gag order

Continue reading below ↓

Ang "gag order" na sinasabi ni Tom ang tila kumpirmasyon sa balitang umuusad na ang annulment case na isinampa ni Carla laban sa kanya upang mapawalang bisa ang kanilang kasal.

CRYPTIC IMAGE

May ibinahagi rin si Tom sa kanyang Instagram Story na isang mukha ng lalaki na may masking tape ang bibig.

Tom Rodriguez gag order

Continue reading below ↓

Kung susuriing mabuti, ipinapahiwatig ni Tom na nakabusal ang bibig niya kaya hindi nito mailahad ang kanyang panig.

Burado na rin ito sa kanyang Instagram.

Nitong nakaraang June 1, biglang bumalik si Tom sa kanyang pagiging aktibo sa Instagram matapos ang ilang buwang pananahimik.

Pasabog ang una niyang post kung saan makikita rito ang larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa pagkakagapos sa isang kadena.

READ: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

In-unfollow na rin niya ang estranged wife na si Carla sa Instagram.

READ: Tom Rodriguez unfollows estranged wife Carla Abellana on Instagram anew

Enero ng taong ito pumutok ang hiwalayang Tom at Carla matapos lamang ang tatlong buwan mula nang sila ay ikasal sa Tagaytay noong October 23, 2021.

READ: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Lumabas ang anggulo ng one-night stand sa panig ni Tom na siya umanong dahilan ng kanilang hiwalayan.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Carla sa kanilang breakup.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez posts and then deletes some cryptic messages on Instagram about his breakup with estranged wife Carla Abellana.
PHOTO/S: Courtesy: @akosimangtomas / @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results