Watch Now

Diego Loyzaga reacts to “ang bilis magpalit” comment

by Arniel C. Serato
Jun 6, 2022
Diego Loyzaga bashers
Diego Loyzaga reacts to some comments of netizens in Franki Russell's latest Instagram post.
PHOTO/S: Courtesy: @diegoloyzaga / @missfranki on Instagram

Hindi nakalusot si Diego Loyzaga sa bashers matapos nitong itangging may relasyon sila ngPinoy Big Brother Season 8 housemate na si Franki Russell.

Sa Instagram post ni Franki, Linggo ng gabi, June 5, 2022, may ilang netizens na tinawag ang atensiyon ni Diego.

View this post on Instagram

A post shared by Franki Russell (@missfranki)

Hindi ata nila nagustuhan ang pagsabi ni Diego na wala silang relasyon ni Franki.

Mabilis daw kasing magpalit ng karelasyon ang aktor na parang nagpapalit lamang ng damit.

Sabi ng isang netizen, “Ang bilis mgpalit ni diego parang damit lang [laughing in tears emojis]”

Diego Loyzaga bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabalang naman itong sinagot ni Diego.

Sabi ng 27-year-old Kapamilya actor, kailangan naman talagang magpalit ng damit dahil baka amagin at butas-butas na ito kapag inabot ng isang taong hindi napalitan.

Buong sagot ni Diego: “alangan naman wag ako magpalit ng damit? Same brief, isang taon ba dapat? Butas butas na siguro mga brief mo tol [face with peeking eye emoji]"

Diego Loyzaga bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang netizen ang sinabihang “baliw” si Diego dahil itinanggi nitong may namamagitan sa kanila ni Frankie.

Sabi ng netizen: “baliw dineny mo nga. as friend lng kayo”

Tugon ng aktor: “ano gusto mo, kasal na kami?”

Diego Loyzaga bashers

Sa column ni Dolly Ann Carvajal sa inquirer.net noong May 28, diretsong sinabi ni Diego na, “Franki and I are not a thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais daw muna niya ngayong manatiling single.

READ: Diego Loyzaga denies relationship with Franki Russell: “I just want to be single for now.”

Pero spotted sina Diego at Franki na magkasama sa isang resort noong nakaraang buwan.

May mga larawan din silang magkaakbay at magkalapit ang mga mukha.

Nag-umpisang ma-link ang dalawa nung ika-27 kaarawan ni Diego noong May 21.

Madamdamin kasi ang birthday message ni Franki para sa kanya sa Instagram.

Mensahe niya kay Diego noon: “Happy birthday @diegoloyzaga you have the biggest heart and everyone around you is so lucky to have someone like you in their life. 27 ain’t ready for you papi.”

READ: Sina Diego Loyzaga at Franki Russell na ba?

Samantala, pansin naman ang halos magkaparehong tattoo nina Diego at Franki sa kanilang kamay.

Pebrero ngayong taon nang naghiwalay si Diego at ex-girlfriend na si Barbie Imperial. Umabot ng halos isang taon ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga reacts to some comments of netizens in Franki Russell's latest Instagram post.
PHOTO/S: Courtesy: @diegoloyzaga / @missfranki on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results