Jolo Revilla will prove true love for Lovi Poe by all means possible

by Archie de Calma
Mar 5, 2008
"I have learned my lessons the hard way. At huwag namang dahil doon, pipigilan ko na ang sarili kong ma-in love uli. Hindi mo naman matuturuan ang puso kung kailan ito titibok at kung kailan hindi," Jolo Revilla metaphorically declares, as he defends his real intentions for Lovi Poe.
Pinaninindigan ni Jolo Revilla ang panliligaw kay Lovi Poe sa dahilang honest daw ang intentions niya.

Tinungo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Kaputol ng Isang Awit sa Zirkoh Greenhills kahapon para hingin ang kanyang side sa kung anu-anong intrigang may kinalaman sa kanila ni Lovi.

HIS AIM IS TRUE. "Kaya nga very open ako sa panliligaw kay Lovi," simula ni Jolo. "At ayokong itago pa kung anuman yung nararamdaman ko sa kanya. Kasi, sincere naman ako. Kung hindi, e, di gumaya na lang din ako sa iba na nagde-deny pa.

"Lalabas at lalabas din yung totoo, kaya hindi ako naniniwalang kailangang itago namin ni Lovi ang kung anumang namamagitan sa aming dalawa," dugtong pa ng binatang ama.

Nangangahulugan lang daw na he has honest intentions kay Lovi. At hindi nga raw ito ang tipong lolokohin pa niya.

"Alam ng mga tao na nagkamali na ako minsan, kaya ayoko na ring maulit pa yun. Nag-uumpisa ako na ayusin kung anuman ang hindi maganda para sa iba, yung pagiging binatang ama ko sa murang edad.

Continue reading below ↓

"Huwag naman sanang husgahan na lang ako dahil doon. Hindi pagkakamali para sa akin ang pagkakaroon ng anak sa pagkabinata, kasi, pinaninindigan ko naman yun.

"I have learned my lessons the hard way. At huwag namang dahil doon, pipigilan ko na ang sarili kong ma-in love uli. Hindi mo naman matuturuan ang puso kung kailan ito titibok at kung kailan hindi," matalinhagang pahayag pa ni Jolo.

WILLING TO WAIT. Aware si Jolo na marami ang kontra sa kanya para kay Lovi. Hindi niya maiaalis ang ganitong masamang impression sa kanya.

"All I have to do is to prove them wrong," pahayag pa ni Jolo. "Gumagawa talaga ako ng paraan para mapatunayan sa mga taong 'yan na hindi nila ako mapipigil, pero hindi naman ako nagmamadali.

"Gusto ko lang ma-realize nila na hindi ko paglalaruan si Lovi, at seryoso ako sa kanya. Kung wala silang tiwala sa akin, nasa akin na yun para patunayan sa kanilang kaya kong maghintay, at nirerespeto ko itong friendship namin ni Lovi," pagtatapat ni Jolo.

Continue reading below ↓

Ayon sa pursigidong manliligaw, patutunayan niya sa kahit anong posibleng paraan ang pagmamahal niya kay Lovi.

"Ayoko lang magdetalye. Marami akong pupuwedeng gawin para mapatunayan sa kanya yun, pero ayokong maging very vocal, at baka ikalaki pa ng ulo niya.

"Basta, alam na ni Lovi kung ano ang ibig kong sabihin," at saka natawa ang young actor.

UNFAZED. Harangan man daw ng sibat, walang makapipigil kay Jolo para patunayan kay Lovi ang marangal niyang intensyon dito.

"Kaya okey rin lang sa akin na magkaibigan muna kami at magkakakilala pa kaming mabuti," sabi pa niya. "Hindi ako natatakot sa kahit na sino, kasi, wala naman akong ginagawang masama.

"Kanya-kanyang paniniwala 'yan, pero basta ako, patutunayan ko na mali ang inaakala nilang hindi ako seryoso kay Lovi at paglalaro lang ito. Sabi ko nga, ayoko nang magkamali uli. At ayoko ring magmadali," banggit pa ni Jolo.

NOT HIDING. May mga nagsasabing nababahala ang mommy ni Lovi na si Rowena Moran sa mga inaasta ni Jolo.

Continue reading below ↓

"Wala po siyang dapat ikabahala dahil iingatan ko po talaga si Lovi," tila mensahe pa ni Jolo. "Mahal na mahal ko po siya, at alam kong 'pag nag-betray kami, baka ipaghiwalay kami. Ayokong mangyari yun."

Ikinukubli raw kasi nila ang totoong estado ng kanilang pag-iibigan na nabuking sa lie detector test sa "Don't Tell a Lie" segment ng Showbiz Central.

"Sinabi naman sa lie detector test na hindi kami nagsisinungaling, na hindi kami mag-on," ani Jolo.

"Hindi naman kasi talaga. Pero, hindi lahat nga ng sinasabi ng lie detector test ay 100% true.

"Hindi ko maubos maisip kung ano ang magiging dahilan para itago namin kung talagang may relasyon na kami. Ano ang mapapala namin kung magtatago kami? Ayaw naming manloko ng mga tao, and people have the right to know, kahit paano," aniya.

Basta, ang ipinapaalala lang talaga ng mga magulang niya (Bong Revilla at Lani Mercado) ay huwag magmadali.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga, ayoko nang magpadalus-dalos. Gusto kong maging tama ang magiging hakbang ko, at isa na roon yung kailangang maghintay ako ng tamang panahon para sa amin ni Lovi," tanging nasabi na lang ni Jolo bilang pagwawakas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I have learned my lessons the hard way. At huwag namang dahil doon, pipigilan ko na ang sarili kong ma-in love uli. Hindi mo naman matuturuan ang puso kung kailan ito titibok at kung kailan hindi," Jolo Revilla metaphorically declares, as he defends his real intentions for Lovi Poe.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results