Watch Now

Darryl Yap reacts to being declared persona non grata by Quezon City Council

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2022
Darryl Yap, Ai-Ai delas Alas
Darryl Yap on being tagged persona non grata by Quezon City Council: "This Ligaya Delmonte is part of the colorful tactics in Philippine politics. I find it very immature. I find it very elementary I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally." Actress Ai-Ai delas Alas played Mayor Ligaya Delmonte in the campaign video for Congressman Mike Defensor.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook / Vincentiments

Nakarating sa kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap ang resolusyong inaprubahan ng Quezon City Council na nagdedeklara sa kanila ni Ai-Ai delas Alas na mga persona non grata sa naturang siyudad.

READ: Quezon City Council approves resolution declaring Ai-Ai delas Alas, Darryl Yap persona non grata

Ito ay dahil sa video na tinampukan ng Comedy Queen na gumanap bilang impersonator ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na mapapanood sa Facebook page ng Vincentiments, kung saan si Yap ang creator.

Nakipag-ugnayan ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Yap ngayong Martes ng gabi, June 7, para sa kanyang reaksiyon tungkol sa isyu.

Para sa kanyang detalyadong pahayag, ipinadala niya ang link ng live interview sa kanya ng SMNI ngayong gabi.

Pahayag dito ni Yap: "Mayor Joy Belmonte is a friend of Senator Imee Marcos and I’m completely aware of that.

"And Mayor Joy, way back then, a month ago, was in a race kontra naman kay Sir Mike Defensor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I don’t actually feel any hard feelings or I don’t bear any ill feelings towards Mayor Belmonte because she is entitled to feel offended or feel like inasar siya or nilait siya or anything."

Si Belmonte ay tumakbo at nanalo para sa kanyang ikalawang termino bilang Quezon City mayor, at katunggali niya ang inendorso nina Yap at Ai-Ai na si Mike Defensor.

Patuloy ng Reviginized director, "Naniniwala ako na yung pagsampa sa amin, sorry hindi ko po nakuha yung pangalan ng natalong councilor kasi alam ko po, talo na yun, e.

"Hindi ko po talaga nakuha kung ano yung pangalan.

"Anyways, kung sinuman yung natalong councilor na nag-file na kami po ay persona non grata, alam niyo po ang persona non grata, it means na I am not welcome in Quezon City anymore. I am an unwelcomed person.

"To be fair, ayoko naman magmukhang nagmamalaki pa ako kahit sabihin ko na hindi ako taga-Quezon City because I’m from Mandaluyong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have a condo in Mandaluyong and in Taguig pero I have friends in Quezon City. I have clients in Quezon City.

"So will it affect me? I think so.

"But Nanay Ai-Ai, si Ma’am Ai-Ai delas Alas po is a resident of Quezon City. I think she will be surprised. Nasa Amerika siya ngayon."

Ang outgoing Quezon City councilor na si Ivy Lagman ang natalong konsehal na tinutukoy ni Yap na may panukalang ideklarang mga persona non grata ang direktor at si Ai-Ai.

Diumano, ininsulto ng dalawa ang official seal ng lungsod na pinalitan ng "BBM" at "SARA" sa satire video na inilabas ng Vincentiments.

DARRYL STANDS BY "LIGAYA DELMONTE" VIDEO

Naniniwala si Yap na may ibang dahilan na ikinainsulto ang mga kinauukulan kaya idineklara siya at si Ai-Ai na mga persona non grata sa Quezon City.

"Sa palagay ko, ang ikina-offend na matulis, sa palagay ko bukod sa logo, may iba pa at hindi ko sila masisisi kasi triangle, e, kaya matulis ang logo ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero when you do a spoof, when you do a satire, you don’t completely erase the one that you’re spoofing.

"Kapag halimbawa, ikaw ay gumagawa ng mga spoof o satire, hindi mo talaga completely one hundred percent na inilalayo ang subject mo para makuha ng tao.

"So ngayon, hindi ko alam kung ano ang kahindik-hindik o hindi magandang matatanggap ng aming content mula sa mga taga-Quezon City.

"Sabagay, mamaya kapag naglabas kami ng official statement, ang aming 27% of viewers ay from Quezon City and the traction of the page is very much welcome in Quezon City.

"My presence is actually felt not physically in Quezon City but in social media. I don’t think they can declare my social media presence and relevance non grata in Quezon City.

"So with that, I completely accept the repercussions of what I did.

"But then again, they have the power to do that and I also have the power to do things my way so no hard feelings."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DARRYL SAYS QC COUNCIL'S ACTION "IMMATURE"

Para kay Yap, "immature, elementary, at rudimentary" ang naging aksyon ng mga pulitikong pinaniniwalaan niyang pinersonal ang kontrobersiyal na video tampok si Ai-Ai bilang Ligaya Delmonte.

Patuloy niya: "This Ligaya Delmonte is part of the colorful tactics in Philippine politics.

"I find it very immature. I find it very elementary. I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally.

"Sa palagay ko, mas marami silang ginawang hindi katanggap-tanggap para gawing unwelcome.

"But just like I’ve said, lahat tayo ay may kalayaan. Kung ‘yan ang kanilang tingin o pakiwari o palagay, ako po ay walang magagawa

"Isa lamang po itong pagpapatunay, pagpapatotoo, at pagpapahalaga na ang aking mga video, pelikula man o maigsing video na aming ina-upload sa Vincentiments ay may relevance, makatotohanan, tinatanggap ng madla.

"At ang kanila pong pag-aray, sa sabi nila ay pagyurak daw sa matulis na bagay na ito na tatsulok na ito, iyan po ay kanilang kalayaan. At ang aking pagkakaroon ng follow-up video ay nasasaklaw rin sa kalayaan ko bilang alagad ng sining at isang content creator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My presence will not be declared unwelcomed in social media as long as people are sharing it.

"As long as people are feeling the good vibes and the positivity of each contents, naniniwala ako na welcome ako sa kahit na sino, kahit taga-Quezon City pa ‘yan."

Sa kabilang banda, tila hindi apektado si Quezon City Councilor Ivy Lagman sa patutsada sa pagkatalo niya sa 2022 elections.

Sa Facebook post ni Lagman nitong June 7, 2022, sabi niya: "Opo di po ako pinalad sa akin pangatlong termino ngunit matagal na din po ako naka move on, mga two (2) weeks na. Kayo ba?"

HOT STORIES
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darryl Yap on being tagged persona non grata by Quezon City Council: "This Ligaya Delmonte is part of the colorful tactics in Philippine politics. I find it very immature. I find it very elementary I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally." Actress Ai-Ai delas Alas played Mayor Ligaya Delmonte in the campaign video for Congressman Mike Defensor.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook / Vincentiments
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results