Watch Now

Lara Quigaman laments comment wishing her marriage to Marco Alcaraz to fail

by Arniel C. Serato
Jun 8, 2022
Lara Quigaman hurt by netizen's "Hintay lang kayo, next year, hiwalay na din kayo," comment
Beauty queen and actress Lara Quigaman shares on Instagram her frustration over some netizens' comment that her marriage with Marco Alcaraz will eventually fail following some celebrity couples' breakups.
PHOTO/S: Courtesy: @laraquigaman on Instagram

Hindi nagustuhan ng beauty queen at aktres na si Lara Quigaman ang patutsada sa kanya ng isang netizen.

Dahil sa sunud-sunod na hiwalayan ng celebrity couples, may mga nagsasabing maghihiwalay rin sila ng asawang si Marco Alcaraz.

Martes ng gabi, June 7, 2022, nagbahagi si Lara ng kanyang kuru-kuro ukol sa hindi magandang pangitain na gustong mangyari ng ilan sa kanilang magandang samahan ng asawa.

Saad ng Miss International 2005, “'Hintay lang kayo, next year, hiwalay na din kayo.'—came across this comment in one of my previous post in facebook where I shared some 'asawa tips'.

“Recently, ang daming balita ng hiwalayan, away, etc. Nakakalungkot, pero mas nakakalungkot na maraming tao are making memes and jokes out of it and what's worse, others pa are waiting for other relationships to fail!”

Ilan sa memes na kumalat ay ang mga larawang umiiyak ni Luis Manzano sa kasal niya kay Jessy Mendiola, ni Aljur Abrenica sa kasal nito kay Kylie Padilla, ni at Jason Hernandez sa kasal naman nila ni Moira dela Torre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling dalawang couples ay naghiwalay na samantalang maayos at matiwasay naman ang pagsasama nina Luis at Jessy.

Para kay Lara, hindi porke’t umiyak sa kasal ang lalaki ay maghihiwalay na sila pagdating ng araw. Gaya nila ng mister niyang si Marco, na umiyak sa dalawa nilang kasal.

“Marco cried on both of our weddings, sa unang kasal pa nga namin sa Vancouver, humagulgol siya... does that mean—maghihiwalay kami dahil lang umiyak ang asawa ko sa kasal namin? And are some people really waiting and hoping for that to happen?”

“MARRIAGE IS NOT EASY”

Aminado si Lara na hindi madali ang pagsasama ng isang mag-asawa.

Katulad nila ni Marco, na nagsasama na sa loob ng labindalawang taon, may mga pinagdadaanan din silang pagsubok. Pero palagi raw nilang idinadaan sa dasal upang gabayan ng Panginoon ang kanilang pagsasama.

Hindi rin daw sila naging kampante dahil alam nilang may mga pagsubok pa silang pagdadaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Lara, “Marriage is not easy. Marco and I have been married for almost 12 years- but we always pray and ask God to cover our relationship, we pray that we will never be complacent and think we are alright when we are not.

“We are not perfect and we know that there will be temptations and challenges all the time and we can only rely on God's grace to keep us from falling and failing...

“For those who are going through challenges in their married life- God is gracious, give your frustrations and heartaches to Him.

“Nothing is too broken for Him to restore and make whole again, nothing too impossible for Him to fix... seek Him, cry out to Him. He answers... I am praying with you tonight. [heart emoji]”



Unang ikinasal sina Lara at Marco sa pribadong civil rites na may spiritual blessing sa Canada noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginanap ang kanilang engrandeng kasalan sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, noong July 2012.

READ: Marco Alcaraz and Lara Quigaman say their "I dos" in vintage-travel-theme wedding

Mayroon silang tatlong anak na lalaki: sina Noah, Tobias, at Moses.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen and actress Lara Quigaman shares on Instagram her frustration over some netizens' comment that her marriage with Marco Alcaraz will eventually fail following some celebrity couples' breakups.
PHOTO/S: Courtesy: @laraquigaman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results