Paulo Avelino lets it slip Janine Gutierrez met his mom in the U.S.

by Melba R. Llanera
Jun 8, 2022
PauNine, Paulo Avelino, Janine Gutierrez
Paulo Avelino on Janine Gutierrez: "Happy ako na every time na kailangan kong kausap, puwede kong tawagan si Janine. Imbitahan kumain, magkape."
PHOTO/S: @pauavelino / @janinegutierrez Instagram

Aminado sina Paulo Avelino, 34, at Janine Gutierrez, 32, na ang presensiya nila sa buhay ng isa't isa ay nagbibigay ng saya sa kanila ngayon.

Una silang nagkatrabaho sa pelikulang Ngayon Kaya na isyinut nila dalawang taon na ang nakalilipas, at ipalalabas sa June 22, 2022.

Higit silang naging malapit sa isa't isa nang magkatambal sa serye ng Kapamilya Channel, ang Marry Me, Marry You, kung saan nabuo ang tambalang PauNine o Paulo-Janine.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Paulo at Janine sa special screening ng Ngayon Kaya na ginanap sa Sine Pop sa Cubao, Quezon City, noong June 1, 2022.

"I'm happy now, and yeah, yun, masaya," bungad ni Janine.

Sabay pag-amin ni Paulo, "Happy ako na every time na kailangan kong kausap, puwede kong tawagan si Janine. Imbitahan kumain, magkape."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong namin ang dalawa kung ano ang mga espesyal na katangian ng bawat isa na nagugustuhan nila.

"Siguro yung madali siyang patawanin," agad na sagot ni Paulo.

Papuri naman ni Janine kay Paulo, "Ako, madami. Yung puwede ko siyang kausapin sa kahit ano. Sobrang enjoy ako na kausap at kasama siya."

PAULO REVEALS HE INTRODUCED JANINE TO HIS MOM

Nung lumipad sila pa-Amerika para sa series of shows kasama si Ogie Alcasid, may mga larawan ng isang "mystery woman" na ipinost si Paulo.

Hindi pinakita ang mukha ni Janine, pero sabi ng netizens, "very obvious" na si Janine iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nagsabing ito ang "beach date" ng dalawa habang nasa Amerika.

Saad ni Paulo, "Actually, nagkataon lang na yun lang talaga yung mga picutures. Hahaha!"

Nang usisain tungkol sa kanilang beach date, natatawang sabi ng aktor kay Janine, "Ah... nung na-meet mo sila Mama."

Malinaw na ang tinukoy ni Paulo na "Mama" ay ang kanyang ina na ipinakilala kay Janine, pero hindi na siya nagdetalye ukol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko rin alam, nakita ko na lang.

"Beach date? Wala namasyal lang talaga kami kung saan-saan," kaswal na dagdag ni Paulo.

"Then, one day, sa Malibu kami kumain. Baka 'yon yun," pagsang-ayon naman ni Janine.

Marami ang nagsasabing mas nagiging close ang dalawang tao pag nagkakasamang magbiyahe sa ibang bansa. Pero hindi sang-ayon si Paulo rito.

Sabi ng aktor, "Okay lang. Kasi pag lock-in mas nagkakausap kayo kasi halos araw-araw kayo na nasa set. Pag break, wala rin namang makakasama kundi kayo-kayo rin.

"Yung biyahe abroad, parang mas less pa kaming nagkikita more than sa lock-in."

Nasa New York sa ngayon si Aki, anak ni Paulo sa ex-girlfriend na si LJ Reyes.

Pagkukuwento ng Kapamilya actor, mas matangkad pa sa kanya ngayon ang anak.

"Okay naman, ang tangkad na niya," pahayag sa amin ni Paulo.

"Nakita ko naman siya bago siya umalis. Every month, parang isang inch yung tinatangkad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON THEIR ROMANCE MOVIE

Na-enjoy nang husto nina Paulo at Janine ang pagsu-shoot ng romantic movie na Ngayon Kaya.

Noon pa lang ay nagkasundo raw agad sila on-and-off cam.

Pagbabalik-tanaw ni Janine, "Nung na-meet ko kasi si Pau a few times before we shot this, parang two years-two years pumapasok siya sa buhay ko.

"Alam ko naman na makakasundo ko siya, sure naman ako. I'm just nervous kasi di ko alam kung paano siya magtrabaho.

"But at the end, sobrang nag-click din kami sa work at sa project na ito na sobra kaming nag-enjoy pareho."

Sabi naman ni Paulo, "Okay naman, nag-enjoy naman kaming magkatrabaho at sana magkatrabaho uli kami.

"Kani-kaniya muna kaming project. May gagawin si Janine na bagong project kasama si Zanjoe sa ABS."

Sabay biro ni Paulo, "Ako naman babalik muna sa pagiging tambay."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino on Janine Gutierrez: "Happy ako na every time na kailangan kong kausap, puwede kong tawagan si Janine. Imbitahan kumain, magkape."
PHOTO/S: @pauavelino / @janinegutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results