Liza Diño on Ice Seguerra's depression: "Tulog siya twenty hours araw-araw."

by Melba R. Llanera
Jun 10, 2022
Ice Seguerra, Liza Dino
Liza Diño on how she helped partner Ice Seguerra cope with his depression: "Dati ang ginagawa ko sa kanya, 'Pagdating ng ala una ng hapon, buksan mo lang ang ilaw. Yun lang na-achieve na natin ang day mo.' Even yun ang hirap sa kanya."
PHOTO/S: @lizadino Instagram

Ibinahagi ni Liza Diño, 40, na dumaranas ng matinding depresyon ang partner niyang si Ice Seguerra, 38.

"You know, depression is something you already have. Mina-manage mo lang siya especially pag may mga bouts na talaga.

"Ang hirap, ang bigat. You have to go through it, e.

"Akala ng ibang tao pag sinabing, 'O, think positive, look at the bright side,' ganun lang.

"You have to help the person really understand kung ano yung pinagdadaanan niya, kung ano ang nararamdaman niya," lahad ni Liza sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya sumalang sa presscon ng Pelikulaya LGBTQIA+Film Festival noong June 7, 2022.

Na-appreciate ni Liza si Ice dahil nakuha pa raw nitong damayan siya sa problema niya sa trabaho sa kabila ng personal na isyu nito.

Pero saksi si Liza kung gaano kaapektado si Ice base sa mga sintomas ng depresyon nito.

Lahad ng FDCP chairperson: "Si Ice, tulog siya twenty hours araw-araw. Gigising lang siya kakain ng kaunti, tapos mag-uusap kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, nung time na yun, may pinagdadaanan din ako. Yun yung may mga nangyari na protocols-protocols.

"He will be there for me tapos tulog siya uli. Matagal yung proseso nun, pero yung pinaka-height, three months straight yun.

"Tapos ang dilim ng bahay, ang dilim ng kuwarto.

"Dati ang ginagawa ko sa kanya, pagdating ng ala una ng hapon, 'Buksan mo lang ang ilaw. Yun lang na-achieve na natin ang day mo.' Even yun, ang hirap sa kanya."

Ayon pa kay Liza, noon pa lang 2004 ay may depresyon nang pinagdadaanan si Ice. Ang pagkatigil sa trabaho dala ng pandemya ang nakita ni Liza na nag-trigger ulit dito.

"Si Ice kasi imadyinin ninyo, buong buhay niya, three years old siya nag-umpisang umarte.

"Ibig sabihin, ang normal sa kanya is working. Yung tatlong taon ng buhay niya, yun ang dapat na normal sa ating lahat.

"So, imadyinin mo, nawala yun. He really felt so displaced.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Parang gigising siya sa umaga, wala siyang work na gagawin. It was hard for him kasi that is his norm, working is his norm."

Si Aiza ay sumali sa Little Miss Philippines ng noontime show na Eat Bulaga! noong 1987, at pagkatapos nito ay sumabak na siya sa pelikula at telebisyon.

ICE SHARES DEPRESSION IN A DOCU

Pumayag si Ice na ma-feature ang battle niya sa depression sa documentary na pinalabas sa Healthy Pilipinas Short Film Festival, na collaboration ng Department of Health at FDCP.

Tingin ni Liza, magandang senyales na kaya na ni Ice na ibahagi ito sa publiko.

"He's continuously inspired by, like, ngayon nag-o-open up na uli siya, nakakapagtrabaho na ulit siya.

"It was hard for him to actually be open dito sa documentary. Pero feeling ko, naging part din ito ng healing niya.

"Di ba, may partnership kami with DOH? Tapos we tapped five regional teammakers all over the Philippines, pero yung isa parang feature short music documentary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-agree kami ni DOH na gumawa ng isang docu featuring Ice on depression mismo."

Patuloy ni Liza: "Yung kanilang healthy habits, yung kanilang health priorities, ginawa nating pelikula.

"Isinapelikula natin yung messaging nila pero cinema. Hindi siya parang AVP or parang talking head.

"Natuwa sila kasi iba ang approach, ibang klase ang handling."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño on how she helped partner Ice Seguerra cope with his depression: "Dati ang ginagawa ko sa kanya, 'Pagdating ng ala una ng hapon, buksan mo lang ang ilaw. Yun lang na-achieve na natin ang day mo.' Even yun ang hirap sa kanya."
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results